2

2 0 0
                                    

Someone's POV

Naglalakad ako dito sa kakahuyan dahil tumakas ako sa klase.

Nakarinig ako ng boses ng babae ilang metro ang layo sa akin kaya nilapitan ako.

Hindi ito nagsasalita. Ibig sabihin isip nya ang gamit nya? May hawak din sya na maliit na halimaw sa braso nya. May dalawang maliit na tenga iyon. Apat na paa. Bilugang mata at mabalahibong katawan. Anong klaseng halimaw iyon?

"Patay na ba ako?"

Rinig ng isip ko bawat salita na naiisip nya.

"Ito ba ang langit?"

Langit? May iba pa ba na pinatutunguhan ang mga namamatay? Pero teka. Hindi sya patay. Posible kaya na.....Hindi maaari.

"Ibig sabihin patay na din si mingming?"

Miming ang pangalan nung halimaw?

"Ibig sabihin hindi totoo na kulay puti lang ang langit?"

Puting langit? Tama nga ang hinala ko. Mukhang hindi sya imortal at aksidente lamang na nakapasok dito. Pero paano?

"Oo patay ka na."

Sagot ko sa mga naiisip nya. Kailangan may malaman ako.

"Patay ka na rin? Nasa langit na ba ako?"

Langit? At ano daw? Anghel? Oo gwapo ako pero ano muna ang anghel?

"Tao ka?"

Bigla na lamang sumingit si Vladimir Fuego sa usapan namin. Kambal ko sya.

Ako naman si Vlario Fuego.

"Oo tao ako. Nasaan si San Pedro? Anghel ba kayo?"

Sabi ng babae na kausap namin.

"Hindi ka pa patay. Sumama ka samin isasama kita sa clinic ng paaralan. Para kayong basang sisiw ng alaga mo."

Sabi ulit ni Vlad sa masungit na boses nya. Ang ganda ng pinagsusungitan nya. Sana aware si kambal diba?

Nga pala nagbibiro lang ako sa halimaw. Alam ko na tao sya at alam ko na pusa ang dala nya. Nalalagi din ako sa mundo nila kapag may outside mission.

Trip ko lang magpakaignorante bakit ba? Mukha kasing ignorante din ang babae na kasama namin.

Kanina pa sya nagpapalinga-linga sa paligid na parang manghang-mangha.

"Sigurado kayo na may school dito?"

Tanong nya na parang nagtataka.

"Pasensya ka na. Mahirap kasi iexplain kaya siguro dun na lang sa school."

Sabi ko habang nakangiwi. Marahan sya tumango at sinundan na si Vlad. Sigurado na ako. Nagmula sya sa mundo ng mga mortal pero alam ko na hindi sya mortal. Alam ko na alam din iyon ni Vlad at alam ko kung kanino nya dadalhin ang babae na ito. Isa sya sa amin. Pustahan mga bente.

Biro lang.

La Princesa AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon