Chapter 1: Daddy's Mistress

221 5 1
                                    

Angel Lilith Sybille's P.O.V

"Yaaaa! Bratatattatatatat!~" walang tigil sa kakasigaw ng pangalawa kong kapatid na si Anghelo Lileem sa dereksiyon ng pinakabunso kong kapatid na si Angelo Liliam na kasalukuyang nagtatago sa malaking paso sa terrace namin. Kunwaring iniiwasan ang ang kunwaring mga balang lalabas sa laruang baril ni Anghelo.

"Booooogsh!" Si Angelo naman ang gumanti ng makitang kunwaring naubusan na ng bala si Anghelo at nagtatago upang mag-reload.

"A-ahhh!" kunwaring natamaan si Anghelo. Sumilay naman ang nag-aalalang mukha ni Angelo ng makitang nakahiga sa semento ang kuya, kaya dali-dali itong lumapit patakbo kay Anghelo.

Napailing nalamang ako sabay inom ng juice, habang nakaupo sa sofa. Masayang pinanood silang naglalaro.

Ng makalapit si Angelo sa kuya ay tsaka naman biglang pinulot ni Anghelo ang laruang baril at deretsong itinutok kay Angelo na nabigla pa. Halos maibuga ko ang ininom ko na juice dahil sa itsura ng baby brother ko. Tuso ka talaga, big bro! Wahahah.

"Gotcha! Bang!" usal ng kuya at tsaka tumawa. Ngumuso naman ang baby bunso at napakamot sa tenga nito.

"Hmm! You're a cheater kuya! I'm going to tell ate what you did!" Nakanguso pa ring sabi niya at tinalikuran ang kuya na mas lalo pang tumawa. "Ate! Ate! Ate!" patakbong lumapit sa'kin si Angelo at walang ano-anong kumandog sa'kin. Inakap ko naman siya at inayos ng upo sa aking hita.

"Hmm? What is it, baby bro?" malambing na tanong ko sakanya habang hinawi ang bangs na tumatakip sa noo niya.

Pagdating sa kanila, nalilimutan ko kung sino ako sa iba.

Nakanguso siya at inosenteng itinuro ang labi ko sa pamamagitan ng malambot at maliit niya hintuturo, deretsong nakatingin sa akin. Tumaas naman ang kilay ko.

"Big bro cheated during our playing! He cheates on me, Ate! I thought I hit him by my bomb but he was just playing dead and I'm worried so I run to him but I was shocked when he suddenly point his gun on me and he gave me BANG! Now I lose." mahabang paliwanag niya na walang hinto-hinto. Ang mga laway nito ay gumagawa ng mumunting bubbles na nagpabasa sa manipis at mapula nitong labi. Mas lalo pa itong namumula dahil todo ang pag-nguso niya. Tumawa naman ako at hinalikan siya sa noo.

"Don't worry baby bro, ipaghihiganti kita." deretsang tingin ko sakanya at tsaka kinindatan siya. Sumilay naman ang matatamis niyang ngiti at maputi nitong maliliit na ngipin.

"You sure, Ate? B-but how?"

Nginisihan ko siya. "Just watch and just drink your milk." sabi ko at kinuha ang baso ng gatas sa mesa at inabot sakanya. Nakanguso naman itong tinanggap at dahan-dahang uminom. "Now, Look what ate will gonna do to your big bro." dagdag ko ng huminto siya sa pag-inom at tinignan ako. Tumango naman siya.

Muli kong tinignan si Anghelo na kasalukuyang inayos ang laruang baril niya na minsa'y itataas ang mahuhulog na niyang pajama. Hindi ko na namang mapigilang matawa. Napakataas ng nguso habang seryoso inayos ang laruan nito.

"Big bro! Come here! I have to show you something!" nakangiting tawag ko sakanya. Nakanguso at kunot-noo nitong nilingon ako. Sinenyasan ko naman siyang lumapit. Bago pa man siya tuluyan makalapit ay muli kong tiningnan si Angelo na hawak-hawak pa rin ang wala ng laman na baso at tsaka ko siya kinindatan. "Just watch." bulong ko sakanya at tsaka muling tumingin kay Anghelo na nakatayo na sa aking harapan.

"What's that something that you want to show me something, Ate?" nakatagilid ang ulo na animo'y sinusuri ang kabuuan ng mukha ko habang bagsak ang balikat at bitbit ang malaking laruang baril niya.

The Badass DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon