Angel Lilith's P.O.V
"MAG-IINGAT kayo, Angelina. Lalong-lalo ka na Angel! Hindi basta-basta ang mga tao doon lalo pa't mga skwater ang karamihan doon. Kaya mag-iingat kayo." bilin sa'min ni Ibeth ng nasa airport na kami. Maging sa pag byahe papunta dito ay panay habilin niya ng kung ano-ano. "Huwag kayong masyadong malungkot, dahil bibisita ako dun. Tsaka huwag kang mag-alala, Angel... Nandoon pa rin ang mga kababata mo. Paniguradong makakasundo mo iyon. At ikaw naman Angelina! Hoy bes! Huwag ka ng makipagbuno kay Aling Terang doo okay?! Matanda na iyon! Hahaha at huling habilin, Angel! Bantayan mo ang mga kapatid mo lalo pa't mga utak marijuana ang mga kabataan doon. Bantayan mo sila ng maigi! Alam mo na ang respinsibilidad mo. Bantayan mo sila ng mabuti kung hindi, lagot ka talaga sa'kin! Naiintindihan mo?!"
"Opo ninang..." sagot ko lang.
"O......M......G...." gulat na sabi niya. "Po? Po? as in PO!? Aba'y kahapon pa ako nagugulat sayong bata ka ah? Unti-unti ka ng magalang, anak! Woaaah! Magpaparty na ba ako?!"
"Oa lang, tita" pagdidiin ko sa salitang tita. Alam na alam kong ayaw niyang tawagin ko siya ng ganun. Ewan ko kung bakit! Psssh!
"Tse! KJ ka." nakasimangot na siya bago bumaling sa dalawa kong kapatid. Yumuko siya dito at may pinagsasabi bago hinalikan isa-isa sa noo ang dalawa at saka bumaling kay mommy, "Oh? Angelina? Tandaan mo yung hinabilin ko sa iyo ha? Tandaan mo! Huwag mong kakalimutan! Tandaang-tandaan mo talaga!"
"Yes, ma'am. Hihii. I Love you bes!" parang batang sabi ni mommy sabay yakap sa best friend niya.
"Aysus! Sige na! Baka maiwan na kayo ng plane. Angel? Ha? Bantayan mo sila! Protektahan! Alam kong may angking talino ka sa pakipagbakbakan! Kaya ikaw ang tumayong lalake sa inyong apat! Maliwanag?!" bilin na naman niya at yumakap sa akin bago yumakap sa dalawang bata.
"Mag-iingat KAYOOOO! Susunod akoooo!" Pahabol niya sabi ng malayo na kami sakanya. Ng tuluyan na kaming makapasok sa eroplano ay muli kong naramdaman ang matinding kalungkutan at pagkamiss. Pakiramdam ko ay malungkot at tahimik na muli ang buong paligid dahil wala ng bibig ni Ibeth ang dumadada at mas lalong dumagdag pa ang kabigatan ng aking nararamdaman dahil naisip kong hinding-hindi na muli namin makikita si daddy, lalong-lalo na si Miguel...
Napahugot ako ng maraming hangin bago ito ibinuga, saka naman ang biglang pagsalita ni Anghelo na katabi ko, sa likod naman ay sina mommy at Angelo.
"Ate, where are we going ba? And where is daddy? I haven't seen him since last night..." Malungkot niyang tugon.
Niyakap ko naman siya at hinaplos-haplos ang buhok niya, "Daddy won't come with us again. We will never see him again. May iba na siyang pamilya, big bro." pagpapakatotoo ko. Hindi ko na kayang itago pa ito sakanya, dahil ayoko ng magsinungaling pa.
"A-anghelo?" tawag ko sakanya nang hindi siya umimik. Nagsimula naman akong kabahan. Itiningala ko ang ulo niya paharap sa akin. "Anghelo? Are you okay?"
Ngunit ang mapupungay niyang mga mata ang mas lalong nakapagbigat ng dibdib ko, "Anghelo, I'm sorry..." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Is it because of tita Madonna?" natigilan ako.
"What do you mean?" takang tanong ko. Kumuyom naman ang dalawa kong kamao. Hindi ko mapigilan ang matinding galit na namuo sa aking puso. "How did you know her?"
BINABASA MO ANG
The Badass Daughter
AcciónNang malaman ng ina ni Angel Lilith Sybille ang matagal nang pangangaliwa ng asawa ay napagpasyahan nitong umalis sa puder ng padre de pamilya at dalhin sila sa lugar kung saan binaon na sa limot ni Angel. Lingid sa kaalaman niyang ang lugar na iyo...