Angel Lilith's P.O.V
MATAPOS kong punasan ang aking mga luha at sinikap na pigilan ang mga tutulo pa ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si mommy.
*kring..... Kring----*
"Angel!? Where are you now!?" nag-aalalang bungad kaagad sa'kin ni mommy sa kabilang linya. Napabuntong-hininga ako't napairap. She's overacting, psh...
"I'm on my way. Nasaan na kayo?" tanong ko habang ang paningin ay nasa daan.
"Sa kaibigan ko. Si Ibeth, kilala mo 'yon hindi ba? Dumiretso ka na dito. Dalian mo at baka maabutan ka ng daddy mo diyan!"
"Okay. Bye, Ingat.." sabi ko nalang at kaagad na pinutol ang linya. Iniliko ko ang aking kotse papuntang Malinao Villa's kung saan iyon ang itinutukoy ni mommy na bahay ng kaibigan niyang si Ibeth.
*brizkkk...brizkkk---*
"Fuck off...." nai-usal ko ng hindi ko sinagot ang tawag ni Miguel.
*brizkkkk!!!! Brizkkkkk!!! Brizkkkk----*
"Asshole..." muling naiusal ko nang pangalan na ni Artolo ang plumasta sa screen ng cellphone ko. Hindi ko iyon sinagot sa halip ay ito'y aking pinatay at ibinato sa backseat ng kotse ko. Napabuga ako ng hangin paitaas dahilan upang lumipad ang ilang hibla ng buhok ko.
Habang tahimik ang buong byahe ay siya namang sobrang ingay ng aking isip, sobrang dami ng tila sumisigaw na mga halimaw sa loob nito. Hindi ko pa rin lubos maisip ang mga nangyayari kanina. Ang mga naririnig ko mula sa bibig ni daddy, ang mga salitang kanyang binitawan... Hindi ko akalaing magagawa niya iyon kay mommy. Hindi ko kailanman gustuhing paniwalaan ang mga nangyayari ngayon, sobrang napakahirap paniwalaan. Hindi ko pa rin lubos matanggap na may iba na si daddy, at mas lalong hindi ko iyon matanggap sapagka't mommy pa ni Miguel ang kanyang nilandi.
Kung bakit naman kasi malandi din ang babaeng iyon!
Hindi ko tuloy maiwasan maalala ang gabing kasama ko si Miguel... Nung gabing nag-sta-star gazing kami kasama ang iba pang mga mag-couple. At ang hiling niya nung dumaan ang shooting star.
Sana'y hindi mo nalang hiniling... Sana'y iba nalang... Dahil hindi lang ang pamilya ko't pamilya mo ang naaapektuhan sa hinihiling mo. Hindi ko naman kasi akalaing pati pag-ibig nating dalawa, kinuha din ng shooting star na iyon kapalit ng pagkatotoo ng hiling mo.
"Tsa... Crazy.." bigla akong napangisi at saka nagpailing-iling. Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho hanggang sa namalayan ko nalang na nakahinto na pala ako sa tapat ng malaking bahay nila Ibeth. Nakita ko naman ang van ni mommy sa unahan ko.
The badass is broken, the badass needs her gang...
Muli akong nabalik sa katinuan ng may biglang kumatok sa binatana ng kotse ko, nilingon ko naman ito at hindi nga ako nagkakamali, si mommy na abot tenga ang ngiti. Kaagad ko namang kinuha ang susi ko at lumabas ng kotse, pagkalabas nang pagkalabas ko palang ay sinalubong kaagad ako ng mahigpit na yakap ni mommy.
"Thank God, You're okay! Nag-aalala ako sayong bata ka! Ba't ba kasi ang tagal mo! Pano kong nakasalubong mo ang daddy mo!? Ha!? Ano!?---"
"Mom! I'm great! Bitiw nga! Ang oa mo. Pshhh!" Iritable na sabi ko at tinulak siya ng mahina, "Saka kung nagkataon mang makasalubong ko si daddy, aba'y magpasalamat ka na! Dahil papatayin ko siya!" inis na inis ko sinabi iyon sa mukha niya. Ang kaninang maaliwalas na mukha niya nung makita ako ay biglang nag-iba, nanlilisik ang kanyang mga mata at isang lapit ko nalang sakanya ay siguradong sasampalin na niya ako sa kawalanghiyang sinabi ko tungkol sa aking ama.
BINABASA MO ANG
The Badass Daughter
ActionNang malaman ng ina ni Angel Lilith Sybille ang matagal nang pangangaliwa ng asawa ay napagpasyahan nitong umalis sa puder ng padre de pamilya at dalhin sila sa lugar kung saan binaon na sa limot ni Angel. Lingid sa kaalaman niyang ang lugar na iyo...