Chapter 7: His Side

148 7 1
                                    

"A-ano!?" Gulat kong sigaw sakanya at halos humiwalay na sa'kin ang aking kaluluwa ng biglang nabiyak ang lupang pinapatungan ko napapikit ako ng mariin dahil bagsak ang kahahantungan ko. Pero nagkakamali ako, hawak-hawak na ngayon ng Rusty ang bewang ko, sobrang higpit nang pagkakahapit niya dito. Ang isang kamay naman niya ay prenteng nakahawak sa kaliwa kong kamay habang ang kanan ay nasa dibdib niya. Tulala at nanlalaki ang aking mga matang napatitig sakanya. Hindi ko ma-imagine ang bibig kong nakabuka dahil sa sobrang pagkabigla.


Muli pa akong nabigla ng ang kasunod ng matunog niyang ngisi ay ang biglaang pag-ikot niya sa'kin papunta sa ligtas na lugar. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyayari, tulala pa rin akong nakatutok lang sakanya dahilan para hindi ko namalayang isang inch nalang ang lapit namin sa isa't-isa. Ang mga ilong namin ay magkakadikit na.
"Yuck! Umalis ka nga!" Awtomatiko akong nabalik sa katinuan at malakas ko siyang itinulak. Siya naman ang paglabas ng gilagid niya sa laki ng pagkangisi, "Anong iningisi-ngisi mo diyan!?" inis kong singhal sakanya, pilit tinatago ang matinding pagkapahiya!


"You must be thankful. Kung hindi ko iyon ginawa, siguradong basag na yang bungo mo sa baba." mayabang niyang sabi. Napaawang naman ang bibig ko sa sobrang inis, hindi agad ako nakapagsalita dahil unti-unti siyang lumapit sa akin habang nasa likuran ang magkabila niyang kamay. Suot-suot niya pa rin ang ngisi na mas lalong nagpakaba sa akin. "Pero syempre, hindi ko hahayaan yun... Kaya nga kita ginanto." Halos lumuwa ang mga mata ko ng bigla nalamang niyang hinapit ang bewang ko dahilan upang masakop niya ang buo kong katawan sa pesteng mga kamay niya! Niyakap niya ako!!!


"H-hey! J-jerk! L-let me go!!" pinagsusuntok ko ang magkabilang balikat niya pero hindi pa rin siya bumibitaw, bagkus ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin dahilan upang makaramdam ako ng panghihina. Pero hindi parin ako tumigil sa pagsusuntok sa mga parte ng likuran niya. "L-let me go! Jerk---"

"Nasaktan mo na ako noong iniwan mo ako, Lilith. Huwag mo naman akong saktan sa mapipino mong hampas sa'kin. Kahit ngayon lang, mayakap kitang muli." biglang nanlumbay ang mga boses niya. Para akong naestatwa sa sinabi niya. Natigil ako sa paghahampas at pagsusuntok sakanya dahil mas lalo pa ata niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. "Hug me back, Lilith. Hug me back." aniya, nakiki-usap.





"Wh-what!? Hug you b-back! Tss! You're insane! Let go off me!" singhal ko, pero hindi na nawala ang sobrang tindi ng kaba sa aking dibdib. Damn! He's insane! He's getting into my nerves! "Huk!--- H-hindi na ako makahinga, ungas ka! U-uy..." napapikit ako sa sobrang pagkakahigpit ng yakap niya, halos mabuhat na niya ako sa sobrang higpit.




"I won't let you go until you hug me back. I'm in pain, Lilith. And it was all because of you. The only medicine I can take that will surely efface all my pain is to hug me back."




"B-baliw k-kana---Huk!" mas lalo niya pang diniinan ang pagkakayakap sa akin. Pakiramdam ko ay para akong isang sigarilyong naipit sa pwet ng naninigarilyo.




"Hug me back, Lilith. I'm insanely crazy for you." garalgal ang boses niya, kaya naman napamulat ako ng mga mata. Dinaramdam ang nararamdaman niya ngayon. Nalilito ako kung dapat ko ba siyang paniwalaan ngunit kahit anong pagdududa ko sakanya, hindi tanggap ng puso ko dahil sa malakas na nararamdaman kong totoo siya, totoo ang mga sinasabi niya. "Hug me back or else..." pagbibitin niyang sabi.




"Or else ano!?" pilit na nilalakasan ko ang aking boses dahil pakiramdam ko, hihimatayin na ako sa sobrang hina. Narinig ko ang matunog nitong ngisi saka dahan-dahang hinaplos ang likuran ko. "H-hoy!"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Badass DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon