Kailangan kong tanggapin yung abilidad ko. Alam ko naman na hindi ako iiwas sa abilidad ko forever. I have to face this.Huminga ako ng malalim at bahagyang ipinikit ang mga mata ko.
Idinilat ko ang mga mata ko at nagsimula ng maglakad sa kahabaan ng hallway na kung saan medyo marami nang studyante na nagkalat.
Okey I'll try.
Huminto ako at tinignan ang babaeng nakaupo sa bleachers. May hawak siyang libro habang may nakasalampak na headphones sa tenga niya. Maganda siya.
She will be my new classmate. A quite girl yet a kind one.
Iniwas ko ang paningin ko sa babaeng iyon at naglakad na. Medyo malayo ang room namin kaya mahaba haba pa ang lalakarin ko.
So magiging kaklase ko siya. Naninibago ako dahil matagal na panahon na noong huli kong ginamit ang abilidad na meron ako.
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa may nakasalubong akong lalake na parang bad boy---bad boy talaga siya. Tanaw na tanaw ko siya sa malayo pa lang at yung mga tao na naglalakad sa hallway ay tumatabi kahit hindi naman niya sinasabi.
He is lost. He don't know what to do anymore. He is holding big problems and he is holding big emotions.
Yumuko naman ako ng dumaan siya. Kawawa naman siya, ang tingin sa kanya ay masama, playboy, bully and such. Pero dahil mayroon akong kakaibang abilidad ay alam kong hindi totoo yun.
Gusto ko siyang kausapin at sabihin na mahiging okey lang ang lahat pero baka kasi sabihan niya ako ng feeling close ako and such kaya huwag nalang.
Pero pag makita ko siya ulit ay kakausapin ko siya.
Nakayuko parin ako habang naglalakad pero bigla nalang akong napahinto ng may tatlong pares ng paa ang nakaharang sa akin. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino sila pero bigla naman agad akong nagsisi at hinihiling ko nalang na sana hindi ko nalang sila nakasalubong at sana hindi ko nalang inangat ang ulo ko para makita sila.
Si Kennic, Dylan, at si Xylex.
Iniwas ko ang tingin kay Xylex kaya nakatingin nalang ako ngayon kay Dylan.
He has an idea on what will happened soon yet he chose to dump that conclusion yet a part in his brain saying otherwise.
So walang ibang kalaban si Dylan kundi ang kanyang sarili. Sana maging okey lang siya at makakayanan niya ang mangyayari sa buhay niya.
Oo alam ko kung ano Ang pinoproblema ni Dylan pero hindi ko aakalaing may ganon siyang problema at mangyayari ang ganong tragedya sa kanyang buhay.
Napatingin ako kay Kennic na kasalukuyang naka ngisi sa akin ngayon pero sa likod ng ngising yun ay ang malungkot na siya. Hiniwalayan siya ng kanyang girlfriend at hindi pa yun alam nila Xylex at Dylan. Naghihintay pa siya ng magandang tyempo.
" Watch out on where you going, saint" Saad ji Xylex at naglakad na. Sumunod naman si Kennic at Dylan pero bago sila umalis ay binati muna nila ako ng magandang umaga bago sumunod.
Ako naman ay tulala lang. Ito yung ayaw ko kapag ginagamit ko yung abilidad ko eh. Nalalaman ko yung paghihirap nila at ang mga matitinding pangayayari na mangyayari sa kanilang buhay at wala akong choice kundi ang hintayin na mangyari ang pangyayaring iyon.
BINABASA MO ANG
Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)
Teen FictionAko si Maria, isang manghuhula.. Ngunit hindi ko inaakala na... Hindi lang ako manghuhula. Published: 1-3-19