9. Father

119 7 0
                                    



Isinuot ko ang aking jacket at agad na lumabas habang hawak hawak ko ng mahigpit ang librong pinili ko ngunit si Dawn ang bumayad.

Agad akong lumabas sa mansyon at pumara ng taxi. Wala silang lahat kaya gusto ko ring umalis.

" Saan po tayo miss?" Tanong ng driver sa akin.

" Sa St. Roque Rehabilitation center po manong" Sagot ko kay manong. Tinignan niya ako na may halong pagtataka ngunit sa huli ay nag drive na siya papunta sa destinasyon na sinabi ko.

Ilang minuto palang ang lumipas ay nanginginig na ang mga kamay ko habang hawak ang librong makapal.

" Okey ka lang ba hija?" Tanong ng driver sa akin. Pilit naman akong ngumiti at tumango kay manong.

Maya maya lang ay dumating na ako. Agad akong nag bayad at tinignan ang kabuuhan ng Rehabilitation center.

Pagpasok ko ay bigla akong nanibago, wala namang masyadong ipinagbago ang lugar na ito bukod sa ibang lugar na ito ngunit parang kakaiba ang nararamdaman ko. Pilit ko yung binalewala at pilit na naglakad papunta sa information desk. Nanginginig kasi ang mga tuhod ko kaya nanginginig ako kapag naglalakad.

" Yes miss?" Nakangiting sabi ng babaeng nasa information desk.

" Asan po ang room ni Aladin Delano?" Tanong ko.

" Room C-17po ma'am" Sabi niya at ngumiti.

" Salamat po"

Agad akong naghanap kung nasaan ang room na sinasabi niya. Hanggang nakita ko yung nurse na kilala ko.

" Nasaan po pala ang room ni---"

" Sumabay ka nalang sa akin. Papunta rin naman ako doon" Sabi ni Nurse Jen kaya tumango naman ako at tahimik na nakasunod sa kanya.

Ang papa ko ang binibisita ko rito. Itong lugar kasi dapat ang pupuntahan ko noon nang mag aya si Clara na bumili ng school supplies (See Chapter 1)

Inilipat kasi ni mommy Sexy si papa dito para daw mas mapangalagaan ng mabuti. Ngayon lang ako nakapasok sa rehabilitation center na ito kaya hindi ako masyadong pamilyar. Hanggang sa huminto kami sa isang room na may nakalagay na C-17

Unang pumasok si nurse Jen sunod naman ay ako.

" A-ako na ang magpapakain sa kanya" Sabi ko. Alanganin naman ang ipinukol na tingin sa akin ni Nurse Jen.

" Sigurado ka?"

" Opo"

Lumabas na si nurse Jen at nakatingin ako ngayon sa ama kong nagbabasa.

Masakit isipin na ang ama mo ay hindi ka na nakikilala, hindi mo siya basta bastang mayayakap, mahahalikan, at makakausap bilang ama.

Ibinaling ni papa ang tingin niya sa akin at bahagyang ibinaba ang kanyang librong binabasa.

" Maria, mabuti naman at napadalaw ka" Sabi ni papa at bahagyang ngumiti. Ako naman ay napapikit ng mariin.

Hindi ka niya kilala.

" H-hello po. Kain po muna kayo" Sabi ko at pilit na ngumiti.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon