13. Meet Iris

105 6 0
                                    


" SURPRISE!" Sigaw ng mga kaklase ko at pinaputok yung party popper. Kapapasok ko lamang at ito na ang bumungad sa akin. Bahagya pa akong nagulat dahil sa kanilang malaking surpresa na ihinandog para sa akin.

Maraming dekorasyon ang nasa aming paligid at may mga pagkain rin. Lahat ng mga kaklase ko ay nakangiti ng malaki sa akin na para bang sobrang nagagalak sila.

May tarpaulin din na nakalagay na Congratiolations Maria Marikit. at may nakalagay pang litrato kong nakangiti.

Agad akong sinalubong ni Eris at niyakap ako.

" Congrats" Sabi ni Eris at niyakap ko siya pabalik. Bumitaw na sa pagkakayakap sa akin si Eris at nakita ko si Cronus na nakangiti sa akin at lumapit saka ako yinakap.

" Congratulations Tyche" Sabi ni Cronus. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang ikalawang pangalan ko? Tinignan ko si Eris na nakatingin lang sa akin. Posible kayang si Eris ang may sabi? pero hindi naman sila gaanong kalapit sa isat isa.

Bumitaw si Cronus sa aming pagyayakapan at tinignan ko siya saka nagtanong.

" Paano mo nalaman ang ikalawa kong pangalan?" Tanong ko kay Cronus.

" Si Eris ang may sabi sa akin" Sabi ni Cronus sa akin. Agad ko namang binalingan ng tingin si Eris na nakatingin lang sa amin.

" Congratulations Maria, ngayon lang kami nag surprise sayo dahil medyo nabusy kami" Sabi ni Sir Aro. Ngumiti naman ako sa kanya.

" Okey lang sir, Salamat nga pala sir" Sabi ko kay Sir.

" Walang anuman, isang malaking karangalan sa akin ang pagkapanalo mo hija" Sabi ni Sir, agad naman akong ngumiti.

'Dahil sa iyong pagkapanalo ay nabigyan tayo ng parangal na higit kong pinasasalamatan mula sayo'

Yan ang sabi ni sir sa likod ng utak niya.

Lately, napapansin ko na kapag medyo matagal ang pakikipagtitigan ko sa isang tao ay bigla bigla ko nalang silang nahuhulaan. Nagsimula ito noong nasa mall kami ni Jakhei. At ngayon, si Jakhei ay isa na sa mga model ni tita Ishie.

Binigyan ako ni sir ng isang paper plate na may lamang pagkain.

"Kumain ka muna, naghanda kami para niyan" Sabi ni Sir.

" Salamat sir!"

Ang totoo, alam kong so-surpresahin nila ako. Simula kasi noong naging automatic hula machine ako sa mall ay bigla ko nalang nalalaman ang mga lihim at mga sorpresa para sa akin kaya hindi na ako masyadong naso-sorpresa sa mga bagay bagay pero hindi ko pinapahalata dahil alam kong made-disappoint lang sila. Dahil kung ako rin sila ay made-disappoint din ako kapag nalaman na ng taong so-surpresahin ko na alam na niyang mangyayari ang surprize na magaganap.

Ang mga kaklase ko'y nakangiti ng matamis ngunit kahit gaano pa katamis ng kanilang mga ngiti alam alam ko kung ano ang puro dito o hindi. Kumbaga sa golds, alam ko kung ano ang peke sa totoo.

Sa kabutihang palad ay karamihan sa kanila ay puro nakangiti. Yung iba naman ay naiinggit at naiinis. May iba naman sa kanila na para bang ako na ang pinakamalaswang tao na nakita nila dahil sa kanilang uri ng tingin.

Kung minsan ay hindi ko na kailangan na manghula upang malaman kung ano ang iniisip nila. Karamihan kasi ng mga tao ay mga transparent, kasi kapag masaya sila. ay masaya din ang mga mata at expression nila. Kapag malungkot o galit ay ganon din ang mga mata at expresyon nila sa mukha. May iba rin kasi na kahit galit na galit na ay nakangiti parin ng matamis, sila yung mahirap mahulaan.

At oo nga pala, byernes na ngayon.

Simula ng manalo ako ay nabawasan na ang bumubully sa akin kapag wala akong kasama. May ibang nag ha-hi na sa akin o di naman kaya'y ngumingiti sa akin. Masaya at kontento na ako sa mga bagay na iyon, Sana nga ay manatili lamang ganon.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon