"Waaahhh nandito na daw ang blood king's"
"Talaga? ibig sabihin makikita ko na ang palalabs kong si Zoreen"
"Waaahhh kapag nakikita ko palang sila lagi kong chinecheck ang panty ko. Baka kasi nalaglag na hindi kopa alam, Ang gagwapooo kasi nilaaa"
Yan ang mga naririnig ko habang naglalakad ako sa coridor my kung ano ano pa silang sinasabi pero hindi kona lang pinapakinggan. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na chissmosa syaka hindi ko naman kilala pinag uusapan nila.
Papasok na sana ako sa loob ng classroom ng my marinig akong malamig na boses.
"Move" Sabi sakin ng malamig na boses sabay tulak sakin dahilan para matumba ako.
Tinignan ko ng masama ang nagtulak sakin .
Sayang gwapo sana kaso tarantado!
Anim silang nagsipasukan naka smirk sakin ang lima, Well gwapo silang lahat pero yung antipatikong lalaki na tumulak sakin nakakasuka man aminin pero SYA ANG PINAKAGWAPO SA MGA KASAMA NYA.
Umupo sila sa pinakadulong upuan buti naman hindi sila umupo kung saan ako nakaupo. Sa kabilang row kasi ako nakaupo.
"Pumasok na ang blood king's" Rinig kong bulungan ng mga classmates ko. Ramdam ko rin ang kaba sa boses nila.
So.. Sila pala ang pinag uusapan ng mga babaeng chissmosa sa coridor. Blood king's? Ano ba naman pangalan yan syaka sino ba sila para katakutan sila dito. Lumapit ako sa lalaking nagtulak sakin namewang ako sa harap nya. Tumingin sya sakin, medyo tumaas pa ang balahibo ko nung tumingin sya sakin.
Yung itim na itim nyang mga mata wala manlang kaemotion'emotion ang cold nyang tumingin pero nasa mukha nya ang laging nagbabanta na yung tipong kahit sinong tao dapat syang katakutan dahil sa tingin nya. Idagdag pa ang nakakatakot nyang black aura lahat naman sila nakakatakot tignan pero mas nakakatakot nga lang ang isang ito.
Itaktak ko kaya ito baka sakaling labasan ng emotion.
Napakagat ako sa labi ko sa pagtitimpi kong inis ng banggain ako ng lima nyang kasama at parang wala lang na umupo.
Tangina. Ano to bastusan?
My babangga pa sana sakin na isang kaklase kong lalaki ng bigyan ko sya ng isang as in na masamang tingin yung tipong kapag tinangka nya akong banggain babalian ko talaga sya ng buto hanggang sa makatulog sya at hindi na magising. Mukhang natakot naman sya kaya napaurong sya.
"Relax lang lodi. Pupunasan ko lang itong sapatos ko hihi" Kinakabahan na sabi nya at nagpanggap na pinupunasan ang sapatos nya.
Inirapan ko sya at bumalik ng tingin sa lalaking yelo. Oo. Simula ngayon ang tawag ko na sa kanya YELO, Bagay naman sa personality nya.
"Hoy ikaw hindi mo ba alam ang salitang GENTLEMAN makatulak ka sakin akala mo lalaki lang ang tinutulak mo ha!" Inis na sabi ko .
"Are you done?"Bored na sabi nya. Hinipan ko ang bangs ko at nagpipigil na wag masuntok ang gwapo nyang mukha . Inis na nagsalita ulit ako.
"Gago kaba ha!---Abat tarantado ka ah!" Galit na sabi ko ng mag headset lang sya at pumikit .
Bastos!
Galit na hinablot ko sa kanya ang headset at sinipa sya sa paa napasigaw naman sya sa sakit habang hawak hawak ang paang sinipa ko.
"AAHH FUCK FUCK FUCK DAMN YOU BITCH PAPATAYIN KITANG GAGO KA!" Galit na galit na sabi nya .
Nanglilisik ang mata nyang tumingin sakin , Napaurong ako dahil nakaramdam ako ng takot. Mas nakakatakot kasi ang mukha nya ngayon para talagang hindi sya magdadalawang isip na patayin ako.
Nagulat ako ng hawakan ang dalawang kamay ko ng kasama nya .
"Masyadong matapang ang babae na ito king , Anong parusa ang gagawin natin sa babae na ito?" Sabi ng lalaking nasa kanan ko .
"Oo nga mukhang hindi tayo kilala ng bago na to. Magpakilala tayo" Nakangising sabi naman ng nasa kaliwa ko.
Ngayon kolang napansin na nakapaligid na pala sakin ang lima nyang kasama.
"Mga puta kayo akala nyo ba natatakot ako sa inyo ha!? Ulol" Galit na sabi ko sa kanila .
"Tss. Tss. masyadong matapang"
"Bad girl ang bago nating classmate"
"Psh."
Kanya'kanyang sabi ng tatlo pero tinignan ko lang sila ng masasama. Lumapit sakin si yelo lihim akong napalunok ibang iba kasi talaga ang aura nya ngayon.
"I will give you a punishment bitch" Mas cold na sabi nya.
I'll swear kung ikaw ang nasa katayuan ko ngayon at narinig mo syang magsalita baka maihi ka sa takot.
Kahit nakaramdam ako ng takot ipinakita ko parin sa kanya na hindi ako natatakot sa kanya .
"Zoreen" Pareho kaming napalingon sa pinang galingan ng boses .
"Hello Thalia" Bati sa kanya ng isa sa mga kasama nya.
"Hello Jerald" Sagot sa kanya ng magandang babae at tipid na ngumiti .
Maganda ang babae na tinawag ni Jerald na Thalia. Maputi , matangkad, straight ang itim na itim na buhok at sexy .
Tumingin sakin si Thalia bago tumingin kay Zoreen.
"Can we talk?" Mahinhin na sabi nya. "Follow me" Dagdag na sabi nya ulit pagkatapos tumalikod na sya samin at umalis .
"You should be thankful that she came.. But next time you can't escape from my punishment" Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya .
Binitawan naman ako ng dalawang lalaki tinignan mona nila ako ng masama bago sila umalis. Inirapan ko sila at hinipan ang bangs ko.
Sabi ni yelo magpasalamat daw ako dahil dumating daw yung thalia .
"EDI THANK YOU" Sigaw ko sa kanila na sure akong narinig nila.
***
Pls Don't forget to Follow, Vote and Comments😊
Thank you😘
BINABASA MO ANG
The BadGirl Versus Gangsters [Completed]
AçãoBLOODKINGS. Binubuo ng anim na groupo. Kilala bilang GANGSTERS. Matapang Malakas Kinakatakutan Brutal kong gumanti At higit sa lahat nangunguna sa pinakamataas na magagaling na gangsters. Pero papaano kung paglaruan sila ng tadhana at makilala nil...