Randomness Entry 2: PAANO RAW BA MAGSULAT?

138 3 1
                                    

(c) Naomi Anne

Paano raw ba magsulat?

Marami nang nagtatanong at nag-iinterview sa'kin kung paano raw ba magsulat, paano raw magsimula, saan ko raw nakukuha yung ideas, at kung anu-ano pa. Dahil sa kanila, feeling ko, pro na naman ako! Eh hindi naman ako magaling na writer! Haha. Amateur ako. Wala pa sa kalingkingan ng amateur.

E PAANO NGA BA?

Sige, kunwari pro ako. Ito ang masasabi ko.

IDEAS. How can you write if you don't have anything to write? Di ba? Start with brainstorming your ideas. Ano ba'ng gusto mong mangyari sa isusulat mo? Ano ba'ng gusto mong laman ng libro mo? Siyempre, kailangan mo 'to para magsimula. Ika nga, you cannot give what you do not have.

Sa mundo kasi ng pagsusulat, marami kang pwedeng isulat. Maraming types ng libro. Pwedeng fictional o non-fictional. Pwede namang story type or informative type o yung mga ganitong random ang tina-topic. Pwedeng mga compilations ng kung anu-ano. Kapag story, pwedeng one-shot o nobela. Maraming variations na pwedeng pagpilian.

-Random Type.

Dito, pwede kang mag-compile ng kung anu-anong gusto mo. Example, mag-compile ka ng mga quotes at kung anu-anong joke. Pwede rin namang mga reviews ng mga kung anu-anong books. Dito kasi sa Wattpad, maraming pwedeng gawin. Ni-ultimo lyrics nga ng mga KPop songs, nililibro dito eh! Pwede rin yung mga recommendations or mag-open ka ng Cover-Maker Shops.. yung mga ganun ba! Kahit diary mo pa eh! Basta, masulat mo! Maraming ideas sa mga ganito. Depende sa trip mo.

-Story Type.

Kung story ang gagawin ko, saan ako kukuha ng ideas?

Gaya ng sinasabi ng maraming writer at feeling writer, nagkalat lang ang ideas sa tabi-tabi. Masdan mo ang mga kaklase o kaibigan mo, may mapupulot kang idea. Panoorin mong mag-away ang nanay at tatay mo, may makukuha kang idea. Nag-break ang best friend mo at boyfriend niya, may makukuha kang idea. Broken hearted o in love ka, may makukuha kang idea. Kapag personal experience mo o kapag may pinanghuhugutan ka, mas effective kang makakapagsulat!

Ideas are just around you. Nasa'yo na kung paano mo aayusin, papagandahin, dadagdagan at babawasan, at isasa-kwento.

How? Here's how...

Step 1: Get an idea/ ideas.

Nasa classroom ka. Pinagmamasdan mong magalit ang terror professor mo. Yung pagka-terror palang ng prof mo, idea na 'yon.

Step 2: Think of possible 'What ifs' or 'Paano kung' and/or other questions

Now, ano kayang pwedeng kwento ang mangyari sa professor mong terror? What if ma-in love 'to? What if makahanap ''to ng  katapat niya? What if sa kabila ng ka-terror-an niya e may magkagusto sa kanya? At this point, kahit papano'y may kwento ka na.

Step 3: Think of the THEME and GENRE

Anong gusto mo? Romance, Non-Teen, Humor, or what? Maraming choices ng genres. Pero hindi naman pag napili mo na'ng Romance, bawal nang gawing nakakatawa. Pwede pa ring magsalpak ng ibang genre. Pwedeng magsalpak-salpak if you want.

Step 4: Beginning and Ending

Sa kwento, mas okay kung itong mga parts ng kwento ang inuuna mong isipin. Dapat syempre, alam mo ang gusto mong simula ng kwento. Paano ba magandang umpisahan ang kwento mo? Mahalaga ang umpisa kasi ito ang pinakapagbabasehan ng readers mo. Sino ba naman ang tutuloy sa pagbabasa kung una palang, panget na? Di ba? Mahalaga rin ang ending para alam mo ang gusto mong mangyari sa kwento mo, though syempre, pwede pa ring magbago ang isip sa gitna ng pagsusulat. Basta atleast may pilit kang inaabot. Motivation na rin yun kapag alam mo na ang gusto mong ending.

RANDOMNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon