Randomness Entry 6: Mga Tipo Ko Sa Lalaki

42 3 7
                                    

Randomness Entry 6: Mga Tipo Ko Sa Lalaki

Written by: Naomi Anne

Sariling kagustuhan. Sariling opinyon. Tignan lang natin baka pareho tayo ng kuro-kuro. :)

*Hunk.

Ito talaga ang inuna ko eh noh? Hahaha.

Hindi importante ang panlabas na anyo, pero mas panalo naman kung may hunk at maipagmamalaking body si Fafa, di ba? I mean, sino ba namang ayaw sa isang hunk? Well, siguro may ibang ayaw. Basta ako, gusto ko. Ikaw?

Now, what comprises a hunk body?

FOR ME, mas maganda kung may--

-Broad chest. Oolalaa! Paki-imagine nalang. Ang hirap i-explain, nakakapanlaway. Luh?

-Big arms. But not too much! Ayoko nung mala-body builder ang katawan. Nakakatakot kaya. Yung sakto lang dapat.

-Abs. 12 pack, 6 pack, o kahit 4 pack! Ito na yata ang bubuo sa perfect body niya!

-Not too thin, not too fat. Ayoko ng masyadong payat. Ayokong mala-posporo. Ayoko rin naman ng sobrang taba. Gusto ko yung normal lang. Mala-katawang John Lloyd.

-May height. Mas bet ko kung mas matangkad sa'kin. Hihihi.

-The hair. Mas bet ko yung medyo makapal ang hair. Pwede rin yung nakataas. Wala lang, I just find it attractive than the others. Ayoko ng skin-head. Over my dead body.

-Joseph Marco. Kilala niyo ba siya? Siya ang depinisyon ko ng salitang "hunk". O de tapos ang usapan.

 O, sige, ako na ang choosy!

*Gentleman Sa'kin

Dahil selfish ako, gusto kong sa'kin lang siya gentle. Luh? De, mas maganda naman kung gentleman siya sa lahat. Pero siyempre, gusto ko mas lamang ako. 

Gusto ko yung lalaking kahit sobrang latang lata na, ipagbibitbit pa rin ako ng mga gamit ko. Gusto ko yung tipong aalalay sa'kin sa ultimong pagbaba ko sa three-step stairs. Gusto ko yung hahawakan yung kamay ko kapag naglalakad kami lalo't tatawid sa ped xing.

Ang arte ko ba masyado? Ideal man ko lang naman 'to eh kaya sasagarin ko na.

*Naniniwala kay Lord

Aba dapat lang! Alam niyo ba na kapag nagka-boyfriend ako (syet, oo na, NBSB ang lola niyo!), sa simbahan ko siya unang dadalhin. Gusto ko doon ang first date namin! Hehehe.

Well, mas maganda naman talaga kung mahal at may paniniwala siya kay Lord. Kahit sino naman, diba. Mas tatagal kami kapag ganito.

Isa pa, I think it's one of the best trait one man could have. Yiee, nakaka-in love.

*May pangarap sa buhay

Hindi ako nangangarap ng lalaking sobrang yaman (well, kung ibibigay ni Lord, why not?!). Ang gusto ko lang e yung may pangarap sa buhay.. may pangarap sa sarili niya, sa'kin at sa pamilya niya/namin. Naks. Ayoko namang malugmok sa kahirapan. Gusto kong dalawa kaming nangangarap at nagsusumikap. Ay, tama. Ayoko ng may pangarap lang. Gusto ko gumagawa rin. Gusto ko yung pinu-push yung mga pangarap niya. One man with a decent job is equal to a decent stable happy family life.

RANDOMNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon