Prologue

20 1 0
                                    

"Thank god Phoenix at naisipan mo pa umuwi ng Pilipinas!" Tita Gea welcomed me as I got into their house.

"Oo naman tita, I promised naman po na uuwi ako agad as long as I can or atleast."

"Aww, you're really a big girl na. Dati lang ay iniiwan ka pa samin ng daddy mo." Sabi nya pa na hinahawakan ang ilang hibla sa buhok ko. Hindi ako sumagot at nginitian ko lang sya. Feeling uncomfortable sa topic. "Anyway, pinahanda ko na yung kwarto na tinutulugan mo dito, tsaka ipagluluto din kita kasi alam kong uuwi ka, alam mo namang paborito kita naku!" Feeling excited pa nitong tugon.

"Nako tita okay lang po, wag na po kayong mag abala. Dumaan lang po ako dito to personally greet you kasi namiss ko din po kayo. Doon po ako tutuloy sa unit na binili ko around BGC po." Magalang na sagot ko, nakangiti.

"Oh come on Ija, pag bigyan mo na ako. Tsaka sure ako na matutuwa ang mga boys at si Zyrene na makita ka since matagal tagal na din nung huling bonding nyo. Sige na Phoenix, niready ko pa man din yung room mo." Naka pout na sabi ni tita.

"Ah pero ano po kasi tita—" she cut me off.

"Please? Magtatampo talaga ako. Limang taon kitang hindi nakita tapos tatanggihan mo pa ako." Malungkot talagang saad nya. Nakaka ano naman to si tita!

Hays, Just one night Phoenix...

"Uh hehe s-sige po tita. Pero isang gabi lang po ha? Aayusin ko pa din po kasi yung unit ko, last month ko pa lang po binili yon at talagamg wala pa pong kagamit gamit." Nakangiting sabi ko, hindi pinahalatang napipilitan.

And I can't also stand being here. With the same person who broke my heart, with the same person who happened to be the reason I lost almost everything.

"Okay okay, I understand. If you want, mag pahinga kana muna sa kwarto mo, I'll just call you when the dinner is ready. Nagpapaluto na din kasi ako ng madami since alam ko na darating ka." I smiled to what she said and said my thank you for her warm welcome.

"Sige po tita, akyat na po muna ako." Sabi ko. Nahihiya man pero may jetlag pa din kasi ako, I need to rest. Before I took a step, muli akong lumingon kay tita and called her. I was about to ask something ng sumagot na sya ng kusa, may ideya na sa itatanong ko.

"Don't worry, I didn't told anyone that you're coming as you told me. But they will be coming home here later since it's sunday so," kumibit balikat si tita, "Magpahinga kana muna okay? You need more energy later because im sure kakailanganin mo yun mamaya dahil sigurado akong kukulitin ka ng mga anak ko." Sabi nya bago tumalikod at nagpatuloy sa kusina habang ako naman ay pumunta na sa kwarto ko dito sa bahay nina Zyrene.

As soon as I got to my room, agad kong tinanggal ang shoes ko at nahiga.

Tita Gea's Family serves as my second family since wala naman akong kaclose sa mga relatives ko both side since they are all based sa New York.

"Really Phoenix? Sure ka ba sa gagawin mong pag stay dito after lahat ng nangyari?" I mumbled to myself before I close my eyes to give myself a rest.

Naalimpungatan ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko ng pumasok sa isip ko na baka sya itong pumapasok ngayon dito.

I gasped and I shut my eyes when Zild turn the lights on.

"Woah dude! Tunay nga, you're home!" Maingay na sambit ni Zild habang naglalakad papalapit sakin at ginulo ang magulo kong buhok. Seriously, Zild? Arg!

"Shut up, ingay mo pa din." Sabi ko. Napabuntong hininga din ako ng maconfirm ko na hindi sya yung pumasok sa kwarto. Tumayo nako at dumiretso sa luggage ko para kunin yung dental kit ko. Napatingin ako sa bintana ng mapansin kong madilim na sa labas.

From The Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon