Accident

24 5 0
                                    



NAKARATING na kami sa MOA at first time ko lang makarating sa mall na 'to tama nga sila napakalawak ang lugar na ito at may baywalk pa sobrang sarap ng hangin

"Ace saan ba tayo kakain?" tanong ko at inayos ang suot ko

"sa gen korean bbq house" sabi niya na nakatuon sa dinadaanan namin

"OMG sa korean restaurant?!" O to the M to the G sa wakas makakain na rin ako ng korean foods matitikman ko na rin ang mga meat na kinakain ng mga BLACKPINK at SEVENTEEN!

napatalon ako sa walang oras at pumalakpak

"mukhang hindi ka naman excited diba?" tanong niya at nag smirk

"hindi nga eh" sabi ko at nag kibit balikat

pumasok na kami sa resto.

"annyeong haseyo" sabi ng isang babae at nag bow

"annyeong" sabi ko at nag bow rin si Ace naman dumiretso sa uupuan namin pssh alaws pake si boss

lalo rin akong natuwa nang patugtugin nila ang Heart Shaker ng TWICE

This is heaven for k-poppers like me nag  order na kami at nag kwentuhan tungkol kay Ella

pinagkwekwentuhan namin siya tungkol sa katangahan niya palagi lalo na yung moment na ihing ihi na siya at di niya namalayang mali ang napasukan niyang CR tapos nakita niya pa ang ano ng matandang lalaki at napaihi na siya ng tuluyan sa pantalon dahil sa gulat.

"minsan talaga sarap batukin si Ella eh" sabi ni Ace at halos maluha luha na siya kakatawa dahil sa nakwento ko

"anong minsan,dapat lagi lagi na noh HA HA HA" 

"kahit ganyan si Ella mapakatitiwalan pa rin siya at masarap kasama" aniya at nagsimula na iihaw ang mga karne

napangiti naman ako sa sinabi ni Ace about kay Ella tama nga siya kahit idiot palagi si Ella masarap siya kasama buti may klaseng power si Ella na malupit na katangahan kung wala siya nun siguro nabobored akong makasama siya.

"luto na ang mga iba diyan kumain na tayo" binigyan niya ako ng apat na karne at chopstick

linanghap ko muna ang karne hmm amoy pa lang malalaman mo ng napakasarap nito.

sinimulan na naming kumain at napapikit ako sa lambot ng karne

"Ace ang sarap ng karne nila parang nasa langit na ako sa sobrang sarap" tumawa siya at uminom.

Pero mas masarap ang nasa harapan ko ngayon hehe

kumain lang ako ng kumain hanggang naka apat na ako ng kanin hindi niyo naman ako masisi eh sadyang sobrang sarap lang talaga ng pagkain dito

"Nag breakfast ka ba Jen?" tanong niya na pinapanood lang niya akong kumain kanina pa kasi siya tapos kumain feeling ko tuloy nanunuod lang siya ng TV na kumakain ang isang tao 

"Oo naman bakit mo naman natanong?" sabi ko at pinunasan na ang bibig ko sa wakas tapos na rin akong kumain.

"Para ka kasing pinabayaan ni manang seni na pakainin ka" aniya at tumayo na

tumayo na rin ako at lumabas na kami napatigil ako sa paglalakad

"Uhmm Ace? binayaran mo na ba ang bill natin?" tanong ko

"Yes" tipid niyang sagot at nagsimula ng maglakad

kumuha ako ng pera ko sa wallet at tumakbo papalapit sa kanya 

"para saan 'to Ms. Manoban?" tanong niya na nakakunot ang noo

"hindi ko kase nasabay ang bayad ko kanina eh" nahiya tuloy ako sa kanya

"no i won't take that" nag pout siya AAAaaaa sobrang cute niya pag nag pout.

"But why?"

"i won't let the girls pay me" he winked at binalik na niya ang 1K sa palad ko

Bigla akong napaihi sa sobrang kilig, nakakahawa na talaga si Ella

"Ace pupunta muna ako ng CR ah?"

"Ok no problem"

tumakbo na agad ako kasi hindi ko na talaga kaya ang ihi ko baka mapa ihi na rin ako sa pantalon.

takbo roon takbo rito shocks hindi ko pala memories ang lugar na 'to 

ah gaga ka talaga Jennie dapat nagpasamaka kay Ace.

nag ikot ako paningin baka sakaling makita ko ang sign ng CR at hindi nga ako nagkamali, nakita ko ang sign ng CR tumakbo na ako at pinagmalas ka lang naman ngayon nabangga ko pa ang lalaki na may dalang starbuck 

"What..the f*ck?" sabi ng lalaki na mas gwapo pa kay Fafa Ace ko at wavy hair

"I'm so sorry ihing ihi na kasi ako eh" sabi ko at nag peace sign

bago pa ako makatakbo hinawakan niya ang braso ko

"Not so fast you little nerd you have to pay me first" taas kilay niyang sabi 

aba ako magbabayad eh accidente ang lahat nangyari

"Bakit naman kita babayarin huh bumbay ka ba?" sabi ko at inapakan siya sa paa at tumakbo na agad bago niya pa ako mahuli.

Pumasok na ako ng restroom na pawis na pawis lahat ng tao nakatuon sa akin dahil sa bwisit na mayabang na lalaki na 'yun 

"Ate pwede po bang ako muna mauna kasi po kanina pa po ako ihing ihi eh" 

"Ok lang po" ngumiti siya sa akin at pumasok na ako sa cubicle.

napapikit na ako dahil umihi na ako at lumabas na ako ng cubicle

aiish nakaihi na nga ako pero ang dumi naman ng damit ko magpasalamat siya ihing ihi ako kanina kung hindi siguro nasa korte na kami ngayon.

Kumuha ako ng tissue at binasa ito atsaka pinunasan ang damit kong kulay purple

Hindi pa ako tapos sa'yong lalaki ka pagnakita kita ihahampas ko sa pagmumukha mo ang 200 ko.


His LoveWhere stories live. Discover now