Missing him

16 3 0
                                    


BUMANGON ako mula sa kama at tumatalon talon ako sa saya dahil kahapon, binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at sumigaw ng malakas

"Good morning philippines!~" ganyan ako pag masaya ako walang hiya hiya.

"meow" napaatras ako sa gulat ng may tumalon na pusa mula sa bubong

"huy sino amo mo?" i rolled my eyes as if namang sasagot sa akin ang pusa

"siguro wala kang amo tingnan mo naman kasi ang dungis dungis mo oh" hinawakan ko siya at lumapit siya sa akin at dinila ang kamay ko

sa totoo lang gusto kong mag alaga ng pusa dahil wala akong maka bonding dito sa bahay only child lang kasi ako at bukod dun bawal rin akong gumala in short BORING  ng buhay ko.

"Gusto mo ako na lang mag alaga sa'yo tignan mo sarili mo oh ang payat payat mo"

"meow" siniksik niya ang sarili niya sa akin na parang nang lalambing

Binuhat ko siya pababa sa kwarto ko at dumiretso sa kusina para pakainin siya.

"Sino kaya amo mo at bakit ka niya pinapabayaan?" pinanood ko lang siyang kumain at nagising ako sa katotohanan na may pasok pala ngayon dali dali ako kumuha ng towel at pumasok na sa banyo

Gaga ka talaga Jennie bakit mo nakilumutan na may pasok pa pala ngayon kala ko saturday ngayon, 'yun pala thursday pa.

Sinuot ko na ang uniform ko at sinuot ang eye glass ko no need na sa akin na mag make up for me simplicity is a beauty. Sa totoo lang talaga wala namang pangit eh pero may mga mapanghusga ang mga ibang mata in short INSECURE.

"Ming ming may ipapangalan na ako sa'yo your name is Miracle, gusto mo bang malaman kung bakit yun ang name mo? kasi ikaw ang miracle kung bakit ngayon ay hindi na ako nag iisa dito sa bahay at pagkauwi ko galing school gagala tayo para makapag bonding tayo" i kiss her at umalis na ng bahay.


Nakarating na ako ng School at pinagmalas ka naman first ko lang ma missed ng two subjects at major subjects pa. pumasok na ako ng classroom ng patago ngunit nakita ako ni Ma'am Perez mukhang mapapasabak ako ngayon ng english ah, siya kasi ang english teacher namin at pag nagkausap kayo dapat mag english speaking ka ni hindi ko pa nga siya naririnig na nag tatagalog masyado niya yatang sineryoso ang subject niya.

"Ms. Manoban why are you late?" taas kilay niyang tanong sa akin at ang mga classmate ko naman nakatingin sa akin na parang nag aabang kung ano ang isasagot ko.

"Because i woke up late ma'am i'm sorry ma'am i will never do it again" nakayuko ako dahil sa hiya.

"You should be Ms. Manoban, you may now take your seat."

"Thank you Ma'am" 

Palinga linga ako para hanapin si Ace kaso wala siya sayang mang hihiram sana ako ng ballpen sa kaniya

"Psst Ella" tinawag ko siya kaso hindi siya lumilingon

Kinalabit ko si Lucas siya yung kaibigan ni Ace varsity player rin gwapo pero mas gwapo si Ace

"Lucas paki tawag nga si Ella paki sabi na rin na pwede bang makahiram ng ballpen"

"Copy copy" nag thumbs up siya at tinawag si Ella

Nagulat si Ella nang tawagin siya ni Lucas natawa ako sa reaction niya kasi crush niya si Lucas minsan tinutulungan ko siyang maging close sila kaso shy type si gaga.

Halata sa mukha niya nag papanic siya binigay na niya ang ballpen kay Lucas na hinihiram ko sa kanya may sinabi pa si Lucas sa kanya kaso hindi ko iyon narinig asarin ko nga 'to mamaya.

Binigay na ni Lucas ang hinihiram kong ballpen at nag pasalamat sa kanya.

Gumawa na ako ng seatworks at nag take pa kami ng quizzes dapat talaga bukas pa kami mag qu-quizze kaso may event daw bukas.



After 4 hours natapos na rin ang klase nag stretching ako grabe ang araw na 'to nakakapagod gusto ko na talagang makapag tapos ng pag aaral nakakapagod na ang maging istudyante.

Lumabas na ako ng classroom at nakita ko si Lucas na papasakay na sa kotse niya tinawag ko siya para tanungin kung bakit absent ngayon si Ace.

"Wait Lucas may itatanong sana ako sa'yo--" pinutol niya ang sasabihin ko

"Kung bakit wala ngayon si Ace?" nag smirk siya sa akin at lumapit 

"P-paano mo nalaman?" kunot noong tanong ko sa kanya

"Kanina ko pa kasi kita napaghahalataan na may tanong sa mukha mo kung bakit wala ngayon si Ace" sumandal siya sa kotse niya at nag cross arm

"Alam kong may pagtingin ka kay Ace " nag smirk siya uli at lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya

"Pa-pano mo naman nasabi?" taas kilay kong tanong kunyari mali ang mga sinasabi niya sa akin

"Okay i will tell you" umayos siya sa kinatatayuan niya at umubo

"Number 1 supportive ka sa tuwing may game kami sa basketball tinalo mo pa nga ang mga cheerleader namin dahil sobrang ingay mo hiyaw ka ng hiyaw, talon dito talon dun. Number 2, attention seeker papansin pansin ka sa amin tuwing may training kami kulang na nga lang tumambling ka sabay split sa harapan niya hihiyaw hiyaw, sayaw dito sayaw dun kahit wala namang music tatakbo takbo hanggang sa hikain ka na o ma stroke para lang mapansin ka niya"

"Eh? hindi naman--" pinutol nanaman niya ang sasabihin ko

"I am not done yet let me finished it ok?" tumango tango na lang ako bilang sagot kahit kailan talaga ang daldal nitong Lucas na 'to bagay talaga sila ni Ella maiingay ang mga bunganga.

"Number 3, ilanger minsan kasi napapansin kitang hindi mo kayang makipag eye to eye kay Ace pag tumatanong tanong siya sa'yo kung saan saan ka tumitingin at hindi sa kanya, sabi pa nga niya sa akin noon baka napapangitan ka sa kanya sa sobrang lapit dahil hindi mo kayang makipag eye contact with him. And last but not a least Number 4, The messenger text ka ng text ka daw sa kanya tapos itatanong mo palagi sa kanya na Kumain ka na ba? nakatulog ka ba ng maayos? kumain ka ba ng healthy foods ngayon? mala girlfriend mong tanong talo mo pa siya, minsan nga nauubos na ang load niya dahil sa'yo."

Binulsa na niya ang kanang kamay niya at sumandal muli sa kotse niya.

"Ok ok tamang hinala ka oo tama ka may pagtingin ako sa kanya pero Lucas huwag mong sasabihin kay Ace na gusto ko siya baka iwasan niya ako" pagmamakaawa ko sa kanya

"Hindi naman 'yun ganun si Ace eh kilang kilala ko na 'yun simula 4 years old pa lang kami best of friends na kami at hindi 'yun basta basta nang iiwas oh sige na uuwi na ako may family dinner pa ako bye Jennie" pumasok na siya sa kotse niya at ako naman nakatayo lang hanggang sa lumubog na ang araw.

I sighed i missed him so much ano kaya ang dahilan kung bakit siya hindi pumasok today hindi kasi 'yun basta basta umaabsent 'yun pwera lang pag may emergency.

His LoveWhere stories live. Discover now