Part 4

18 0 0
                                    

Beep.Beep. Beep.Beep

Nagising ang aking diwa ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa side table at binasa ang mga text doon.

MESSAGES

From: Kuya Scott

"Mae di na kita ginising kasi sobrang himbing ng tulog mo. Umalis na ako't iniwan ko nalang yung pera sa may drawer sa tabi ng computer set. May pagkain sa Ref paki init nalang. Yung alarm mo paki set ng mas maaga para di ka na ma-late, okay? Lab yah"

6:50 pm

From: Beshy Janzel

"Hoy mag ready ka na! 7:30 na. I'll be there at 8:30"

7:32 pm


Lagot! May lakad pala kami di ako nakapagpaalam! Ba't ko ba yun nalimutan? Sumusobra na naman ata ang pagkamalimutin ko ngayon!

Pagtingin ko sa relo, 7:41 na kaya nagmamadali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos, agad akong nagbihis. Fitted black jeans, a leather jacket with a white sando inside and my favorite white sneakers. Nag-aaply din ako ng light make-up. Kakatapos ko lang din ng may humintong sasakyan sa harap ng bahay namin. Alam kong si Janzel yun kaya nagmadali akong bumaba.

"Oh rockstar na rockstar ah," sabi niya ng makalabas ako ng gate.

"Tsk! Hindi ako nakapagpaalam kay kuya." nakakunot ang noo kung sabi sa kanya.

"Edi e-text mo," she suggested.

"Tsk! Magagalit yun. Sasabihin na naman non na ba't di ko sa personal sinabi!"

"Edi wag mo nalang ipaalam. Total di naman tayo magtatagal dun e," suhestiyon niya uli.

"Tsk! Sige na nga. Tara tara para makauwi tayo ng maaga," sabi ko.


After 25 minutes, narating na namin ang bar na tinutukoy niya.

Maraming tao at maingay. Yun ang unang pumasok sa isip ko ng makababa kami. Maingay na sa labas, ano pa kaya sa loob? Hay buhay!

Nang makapasok kami, sumalubong samin ang mga taong nagsasayawan at nag-iinuman. It's my first time na makarating sa lugar gaya nito kaya medyo nahihilo ako sa mga ilaw na umiikot-ikot sa buong lugar.

"Mae ayon si Tito, tara," hinila niya ako papunta sa kinauupoan ni Tito Rafael. "Hi Tito!" bati ni Janzel kay Tito Rafael.

"Hey Janz! Thank you for coming. Oh Hi Mae! Long time no see!" sabi niya matapos niya akong makita.

"Hi po tito Raf. Congratulations po," nakangiti kong bati sa kanya.

Unseen ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon