II: Good Taste

23 2 0
                                    

"Moris! Mia!" sigaw ng magaling naming boss mula sa opisina niya.

Tumingin ako kay Mia na umirap bago nagbuntong hininga. Ganon din ang ginawa ko pero sa isip isip ko lang baka kasi may makakita, mahirap na. Sabay kaming tumayo at iniwan ang kanya kanya naming office desk.

"Yes po, Miss Vina?" tanong ni Mia ng makarating kami sa loob ng opisina ng boss namin. Nakatayo lang kaming dalawa habang naghihintay ng utos.

"May meeting ka today, what time? Sino nga ulit 'yon?" tanong ni Miss Vina na may binubuklat na kung anong mga papeles habang prenteng nakasandal sa swivel chair niya.

"Two o'clock po Ma'am with the farmers from Cagayan Valley. 'Yung gusto po mag introduce ng organic moringga powder and some handicrafts sa store natin." sagot naman ni Mia.

Tumango naman bilang sagot ang boss namin na hindi yata nakasalo ng kahit konti nung nagsabog si God ng compassion sa kapwa tao sa sobrang sungit niya.

"Okay. Tawagan mo si Kuya Pablo. Siya nalang driver mo. Sabihin mo din na hintayin kang matapos. Last time he left Troy sa store natin sa Powerplant, hindi nag iisip." tumango lang din si Mia at lumabas na ng opisina.

"Moris, be ready by one PM. May meeting ako, ikaw ang sumama sa'kin dahil obviously.." tumuro siya sa labas para tukuyin si Mia na busy din sa sariling meeting mamaya. "After lunch mo, hanapin mo nalang si Santi o 'yung kotse ko sa basement parking." tukoy naman niya sa driver niya at sa itim niyang Mercedes Benz.

Si Miss Vina ang sinasabi kong tita ni Selin. Nasa late fourties na siya pero walang asawa. Gaya ng sabi ko kinakapos sa compassion ang babaeng ito. Madalas ay damay damay kaming lahat dito sa opisina na napapagalitan dahil lang mainit ang ulo niya sa ibang bagay. Hindi ka din pwedeng magkamali dahil katakot takot na sermon ang aabutin mo kung sakali. Mahilig din siyang magreklamo ultimo sa napakaliit na bagay. For example, napansin niyang hindi pantay iyong pagkakalagay ng mga boxes na bagong deliver, automatic nang lagot si Troy.

"Gusto mo ihatid pa kita pabalik sa lamesa mo? Moris naman." masungit niyang sabi. Ang sungit talaga, naghihintay lang naman ako kung may sasabihin pa siya kaya hindi oa ako umaalis.

"No Ma'am. Baka lang po may ibibilin pa kayo. May dadalhin po ba ako para sa meeting?" Tiningnan niya lang ako bago umiling.

"Sasabihin ko naman siguro sayo kung meron kang dapat dalhin diba?" sa isip isip ko ay sinasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis. Napaka sarcastic nitong old maid na 'to.

Busy ako buong umaga. Bukod sa mga inventory sheets ay pinagsasabay ko din ang pag e-email ng mga orders sa mga suppliers.

"Miss Moris, lunch na." katok ni Troy sa lamesa ko. Hindi ko pala namalayan ang oras. "Sasabay ka ba samin ni Johan?" tukoy niya sa isa pa naming kasama dito sa opisina na runner namin kung saan saan.

"Hindi na. May tatapusin pa kasi ako eh. Kayo nalang, mamaya na ako." Ang dami pa kasi nitong order forms na dapat kong i-send sa suppliers. Baka malagot na naman ako kapag naisipan ni Miss Vina na magcheck.

"Ako sasabay, Troy. Moris sure ka di ka sasama? Lika na!" anyaya ni Mia.

Tinanggihan ko sila kaya umalis na din sila para bumaba ng building at mag lunch. Mamaya na ako kakain pag medyo nabawasan na 'tong mga dapat kong gawin.

"Ma'am Moris!" nagmamadaling pasok ni Kuya Santi sa opisina. "Bakit daw ang tagal mo? Bumubuga na naman ng apoy si Miss Vina. Halika na."

Napakunot ang noo ko at bigla kong naalala iyong meeting. Shit, lagot ako nito! Nakalimutan ko. Nilingon ko iyong wall clock at nakitang 1:03 PM na. Patay!

Veni Vidi AmaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon