III: Coffee Break

25 1 0
                                    

Hinapit ko ang braso ni Mama habang naglalakad kami sa mall. Papunta kasi kami sa supermarket dahil tuwing weekends ang grocery day namin pagkatapos magsimba. Ito nadin ang nagsisilbing family day naming tatlo.

Nung nagsimula kaming mamuhay na kaming tatlo lang, madalas ay nalulungkot ako dahil nararamdaman ko madalas na wala na si Papa. Dati rati kasi noong buhay pa siya, tuwing weekends ay naga-out of town kami. Kahit gaano kabusy ang schedule ni Papa, he'd make sure na kumpleto kami tuwing weekends. Inabot din siguro ng mahigit isang taon bago ko nawala iyong habit na malungkot sa tuwing nakikita kong tatlo nalang kami. Maybe it's just like that. You'll get used to something eventually.

"Moris, itext mo nga 'yung kapatid mo. Napakatagal naman sa bookstore ng batang 'yon." utos ni Mama habang nakapila kami para magbayad ng mga pinamili.

"Nako, Ma! Baka may ka-date na si Rayo. Malay mo bukas Lola ka na pala." pananakot ko sa kanya. Hinampas naman niya ng mahina iyong braso ko.

"Rayo's still a child. Tumigil ka nga diyan." pairap na sagot niya na ikinatawa ko naman.

"Ma! Rayo's 19 already! Nako magtatampo yon pag narinig niyang tinatawag mo siyang child. Besides, okay lang naman makipag date, basta tapusin niya yung pag aaral niya." I said in a matter of factly.

"Look who's talking?" turo ni Mama sa'kin. "What do you know about dating, aber? Wala ka pa nga nagiging boyfriend, anak." Yeah. Minsan weird si Mama. Minsan ako ang pinagdidiskitahan niya.

"Ang gwapo, bes." bulong ng batang babae sa kasama niya na nasa likuran ko. Siguro high school palang ang dalawa. Their basket is full of junkfoods and sodas.

Tiningnan ko kung sino ang gwapo na sinasabi nila ng mamataan kong si Rayo pala ang tinutukoy ng dalawang bata. Naghihintay ito sa labas ng counter na pagbabayaran namin ni Mama.

"See, Ma? Binata na 'yang si Rayo." bulong ko sa nanay ko na indenial kung gaano na kalaki ang baby boy niya.

"Ma malapit na sem break ko. Can we go on a vacation?" sabi ni Rayo habang kumakain kami sa isang fastfood chain.

"How about we just go on vacation after you graduate? Para mas grand." nakangiting sagot naman ni Mama pero nahuli ko ang nag aalalang pagsulyap niya sa kapatid ko.

"Ma! Next next year pa 'yon eh." Nakangusong sagot ng kapatid ko. "I just want to go out of town, pasyal naman tayo. Puro mall nalang tayo eh."

Sa mahigit tatlong taon, ngayon ko lang ulit naringgan ang kapatid ko na humingi ng ganito. I know he's mature enough to understand our situation pero hindi padin maipagkakaila na bata pa si Rayo. I should give him credit for being so patient and leaving his old lavish ways behind.

"Sige sa sem break mo, out of town tayo." I told him. Tumingin sa'kin si Mama. Naiintindihan ko naman siya. Alam kong sa isip niya ay pinoproblema niya kung saan kami kukuha ng pang out of town. Siguro ay magoovertime nalang ako para may maipon para sa hinihingi ng kapatid ko. Minsan lang naman ito maglambing.

"Moris.." masuyong tawag ni mama sa'kin.

"Yes! Sabi mo 'yan Ate ha? I'll count on it." masaya naman akong inakbayan ni Rayo.

"Ma, ako na pong bahala. Don't worry." Ayoko din kasi na nag aalala pa si Mama.

Good mood ako ngayon dahil hindi ako masyadong nahaggard sa MRT. Mabuti naman at gumagana na 'yung escalator sa Ayala station. Medyo maaga din akong nakasakay kaya hindi ko kailangan magmadali sa paglalakad papunta sa office.

"Yun oh! Ang gandang panimula naman ng umaga. Good morning Ma'am Moris!" bati sa'kin ng building guard pagpasok ko sa building namin.

"Si Kuya talaga! Good morning din po." ngiti ko naman.

Veni Vidi AmaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon