IV: Sorry, Love.

14 0 0
                                    

Sabado at wala kaming lakad. Si Rayo ay may klase kaya heto at tinutulungan ko si Mama sa mga gawaing bahay.

"Anak, do you think your Papa is happy wherever he is?" Mama suddenly asked habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan. Si mama naman ay nasa lamesa at abala sa paglilista ng mga naibentang cookies at cupcakes.

"I hope so." tipid kong sagot. Pagkatapos noon ay pareho na kaming natahimik ni Mama, walang ni isa ang gusto pang dagdagan ang pag uusap tungkol sa taong dahilan ng pagbabago ng aming buhay.

Aminado naman akong may mga hindi magandang bagay na nagawa si Papa nung nabubuhay pa siya, but I don't want to think that he's suffering in the opposite side of heaven. He's still the first man that I look up to and love the most. I let out a sigh as I continued washing.

"Nakakatuwa iyong nag order ng cake last time, anak. Naaalala mo? 'Yung nag debut at nagpagawa ng four tier cake?" pagbabago ni Mama sa topic.

"Si Mrs. Tan, Ma?" pag alala ko sa matandang babae na minsan ay dumalaw dito sa bahay para ibigay ang design ng cake na gusto daw ng kanyang anak na mage-eighteenth birthday noong isang buwan.

"Magbibirthday daw iyong pamangkin niya and she wants to see how my cooking is. My God, anak! I hope this is the start of our catering business." nagliliwanag ang kanyang mga matang sabi. I can see how hopeful she is about the offer. Sana nga ay matuloy iyong pag cater ni Mama doon sa party dahil bukod sa extra income din iyon, ay sigurado akong papatok iyon because Mama is a good cook.

Naaalala ko pa noong bata ako, kahit na madami kaming house help at halos hindi siya payagan ni Papa na gumawa ng gawaing bahay, she always insist on cooking. Ultimo ang agahan namin ay hindi niya iniaasa sa mga kasambahay. Every lunch and dinner, she made sure that we are happy with the food that she cooked. Hanggang sa pag aasikaso ng baon ko at ni Rayo sa school, sa mga simpleng mirienda, at mga house gatherings, si Mama ang palaging taya. Ang sarap balikan ng buhay namin noon. But oh well, here we are and alive. That's a major thing that I am thankful for.

"Anak, I think that's your phone." palinga linga si Mama na hinahanap kung saan agling ang tunog ng cellphone.

"Yes, Ma. Teka po, baka importante." dali dali akong naghugas ng kamay at nagtungo sa kwarto namin kung nasaan ang telepono.

"Moris!" bungad ng masayang boses sa kabilang linya. Akala ko ay nagkamali ako ng pag basa sa pangalan sa screen bago ko ito sagutin kaya tinignan ko ulit king tama nga ba ang taong kausap ko sa kabilang linya.

"Miss Vina?" nagtataka kong tanong.

"The one and only." masaya niyang sagot. Huh, this is unusual of her. Anong meron? "Anyway, I called because-"

"Yes po, Miss Vi? May problema po sa office?" ayan na naman ang pagsisimula kong mataranta. Jusko! When will I ever calm the f down? Weekend, Moris! Ano ba naman?! Hay.

"Eto na nga!" I can almost see her rolling her eyes on me. "I have to attend a party and I need an assistant to go with me."

Bakit ako? Si Mia nasaan? I wanted to ask pero syempre hindi ko isinaboses dahil baka sabihin ng boss ko ay reklamador na ako ngayon. But I don't get why I'm the one to go with her this time. Sa tatlong taon ko naman sa HOLP Hub ay si Mia ang palaging bitbit ni Miss Vina sa mga party.

"I know," she sarcastically said on the other line as if she read what's on my mind. "Nag excuse ang bruha dahil nasa Palawan daw sila ng boyfriend niya! Naloloka ako diyan kay Mia, e!"

"Kailan po 'yung party Miss Vi?" I politely asked. Kung bakit ba naman ngayong araw pa niya naisipan magsabi kung pwede naman na sa Monday na lang niya-

Veni Vidi AmaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon