V: E. De Leon

13 1 0
                                    

"Kids these days." napapailing si Papa habang naglalakad kami palayo sa mga teenagers na mag-boyfriend. I was holding his arm and happily swaying the shopping bag on the other. It was a typical Friday. He fetched me from school and took me shopping. He wanted to surprise Mama and Rayo with the things that he knew they'd love.

"Papa, hayaan mo na. Maybe they're just madly in love." natatawa kong sagot.

"In love, huh? What do you know? Baka may boyfriend ka na hindi mo lang sinasabi sa'min."

"What? Wala po, 'no!" I defended myself. He was smiling at me pero may tingin na nagdududa.

"Papa, wala nga. I'll tell you when I find someone interesting enough."

"Ang mga batang 'yon," lumingon pa siya pabalik sa mga nalampasang couples. "They are being blinded by their feelings. Nag aaksaya ng oras. Never realizing that love isn't all rainbows. Kaya ikaw, I want you to be sure when the time comes. Pero pag thirty ka na pwede ba 'yon anak?"

I found his last remark rediculous kaya tinawanan ko lang siya noon. Thirty? Baka expired na ang uterus ko non!

Naputol ang pagrereminisce ko ng may kumatok sa pinto.

"Knock! Knock!" he said peeping his head on the door.

"Sir Brian! Pasok ka." pag anyaya ko sa coordinator ng Romana- De Montiero.

It's lunch time and everyone's out. Mia is having a lunch date with Jiro, at ang minions kong sina Troy at Johan ay sa labas kumain.  Nagpaiwan ako dahil may lunch naman akong baon courtesy of Mama.

"Nakakaistorbo ba?" nakangiting tanong niya. Nakapamulsa at mukhang may bahid ng hiya.

"Nako Sir, hindi. May kailangan ka?" niligpit ko ang pinag kainan ko to tidy my desk. Humila din ako ng isang swivel chair para sa kanya. "Upo ka. Sorry ha, medyo magulo. Delivery day."

He was looking around the office. Siguro'y nagtataka kung bakit ako lang gayung lunch naman at nakilala na din niya ang mga kasama ko dito sa opisina.

"Nasa labas sila lahat nagla-lunch eh." pagpapauna ko. "May kailangan ka Sir?"

His gaze went back to me. "Actually, napadaan lang. May inasikaso kasi ako somewhere near kaya naisipan kong dumaan. Just you know.. to say... hi."

Nakangiti siya sakin. I reciprocated his gesture. Medyo awkward kasi dalawa lang kami dito sa office. Although nakakabiruan namin siya ni Troy, I realized mas komportable kung nandito si Troy dahil iyon naman ang palaging nag iinitiate ng kwentuhan sa tuwing may delivery sila Sir Brian.

"Ah ganoon ba, Sir? Naglunch ka na?"

"Yes tapos na. Lumabas din sila Troy?"

"Yes, Sir. Silang dalawa ni Johan. Si Miss Mia naman kasama boyfriend. Coffee? Juice?"

Ano ba 'yan? Pakiramdam ko tensed ako masyado. Hindi kasi talaga ako sanay na ako lang ang nag eentertain dito sa opisina. Usually naman si Mia ang gumagawa ng mga ganito.

"Brian na lang. Sir ka ng sir para namang ang laki ng tanda ko sa'yo. At hindi mo ko boss."

Nahiya ako lalo. Masama bang maging pormal? Sinanay ko nadin kasi ang sarili ko na igalang ang lahat by calling them titles. Especially sa corporate world, kailangang polite palagi. Mahirap na baka maging masama pa ang impression ng tao.

"Sorry. Nasanay lang. Anything you'd like to drink s..Brian?" nakakailang talaga.

"Beer pwede ba?" tumawa siya.

"Pwede. Kunin ko nadin menu namin gusto mo?" sakay ko sa biro niya na lalo pang nagpatawa sa kanya.

"Should I recommend you to our company just in case your boss fire you?" we laughed at that.

Veni Vidi AmaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon