Chaper Two
“Wait! bakit tayo napunta dito?, eh resort to ah akala ko ba uuwi tayo sa bahay n’yo, bakit tayo ng dito ngayon?”
Di n’ya man lang ito sinagot bagkus patuloy pa rin ito sa pag-dadrive, tapos may na daanan kaming isang security guard, huminto ito doon.
“Kayo po pala sir, magandang gabi sa inyo mukhang ginabi ata kayo sa paguwi sir.”
“Magandang gabi rin sayo mang Larry, ng diyan ba si Neneng?”
“Naku po sir isinama kanina ni maam Sandie baka hanggang ngayon ng doon pa rin sila sa malaking bahay, bakit may ipag-uutos po ba kayo sa kanya? Dahil kung meron, ipapatawag ko na lang s’ya kay Benben.”
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
“Huwag na po Mang Larry, wala na man po akong ipag-uutos, huwag n’yo na lang syang ipatawag, sige aalis na kami.”
“Teka lang sir sino bayang kasama mo?”
“Ah ito? bagong katulong nabanggit kasi ni Mama na kailangan n’ya ng katulong sa bahay kaya kinuha ko na lang s’ya para matulungan ko narin si Mama at di na s’ya mahirapang maghanap pa.”
“Ang bait-bait n’yo talaga sir.”
“Sige po Mang Larry alis na po kami mag papahinga pa ako.”
Umalis na kami pero di parin nito sinasagot yung tanong ko kanina. Kaya naman hindi ko napigilan ang mag tanong ulit.
“Hoy...bakit tayo ng dito at anong gagawin natin dito?”
“Puwede ba tumahimik ka na lang alam ko ang ginagawa ko, at puwede ba tumigil kana sa kakatanong mo diyan nakakairitang pakinggan, kanina ka pa dada ng dada.”
“Bakit masama bang mag tanong? eh curious lang naman yung tao kaya nagtatanong.”
“Oo masamang mag tanong lalo na kapag ikaw ang nagtatanong, ang dami mo kasing tanong sawa na ako sa kakasagot sayo puwede ba tumahimik ka na lang.”
“Okay fine di tatahimik.”
Pag katapos kong manahimikan, huminto kami garahe ng isang bahay at ng bumaba na 'ko sa motor nito agad akong napanganga dahil sa sobrang ganda ng bahay ang ganda-ganda talaga parang yung dream house ko lang American style kasi yung bahay tapus made up of glasses pa.
At ng kumatok na si Richard sa bahay, isang magandang babae ang bumukas ng pintuan. Mga nasa twenty plus siguro ang edad nito saka ngumiti ito samin, oopss di pala ako kasama napaka assuming ko naman kasi parang si Richard lang kasi yung tinititigan n’ya parang di n’ya na man ako nakikita, pero sa totoo lang mag kamukha sila ni Richard siguro mag kapatid siguro silang dalawa, para ngang pinababaing Richard nga lang ang itsura eh kaso ito maputi di tulad ni Richard na parang sunog na uling, grabe na man ako, kung makapag describe kay Richard basta yun ang kulay n’ya di naman s’ya masyadong maitim hindi rin maputi, hay ano ba to ang gulo ko talaga basta in short, moreno s'ya.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Run Away Girl With Mr. Arrogant
HumorJessica was a longtime Girlfriend of Richard five years na silang mag On. So Richard decided to marry her, But suddenly Jessica refuses to the marriage proposal of Richard and then she also broke up with him, at dahil doon naging manhid na si Richar...