Two

328 15 1
                                        


I'm still wondering about the cashier yesterday. What's with her? Bakit niya ako kilala? Bakita siya nagshi-shine? Bakit niya binigay yung diary for free? Muka ba akong mahirap?

Pumasok na ako ng school with such thoughts.

Masyado pang maaga so I decided to walk na lang. Di ko rin kasabay si Stacy today. Ang bagal kasi e.

Naglalakad ako papasok ng school nang bigla akong mabasa!

What the hell?!

Napatingin ako sa tabi at nakita ko ang isang red car na ang driver ay isang jerk! That jerk!

Ngiting ngiti siya habang nakatingin sa akin at sa basa kong uniform.

It rained yesterday night kaya basa pa yung kalsada tapos dinaanan ng wheels niya! So ngayon, natalsikan ako at basang basa ang uniform ko!

"Woah. Polka-dotted pink brassiere looks good on you," Napatingin ako sa blouse kong basa. Damn, bakat!

"Argh! You perver jerk!" Bago ko pa siya mabato ay pinaandar na niya 'yung sasakyan niya.

No choice ako kundi bumalik sa bahay at magpalit nalang ulit. Curse that jerk! I hate him to death!

***

Kasabay kong pumasok si Stacy sa school. Pagkauwi ko kasi at pagkapalit ko ng damit ay saktong papasok na siya kaya ayun.

So ngayon, nasa classroom na ako.

At napakaswerte ko nga naman at seatmate ko 'yung pervert jerk na 'yun! Aish! He's really getting on my nerves!

"Hey, polkadotted-pink-girl!" then he poked me. Curse him!

"Shut up, perv" sabi ko.

"Shut up, perv" he said while immitating my tone. Ugh! I hate him!

Half day lang kami ngayon kaya Stacy and I ended up going to the mall. At dahil pasaway na bata si Stacy, she brought her car with us at siya ang nagdrive.

Namili kami ng maraming damit. And she told me na pupunta siyang salon. Ako naman, sa bookstore.

I'm gonna buy my favorite books. Omg nakaka-excite!

We did what we have to do at sa ngayon ay pauwi na kami ni Stacy at nasa parking lot na kami.

She was about to start her car's engine when she suddenly screamed.

"Shoot! I forgot to buy something!"

"What?!"

"Sorry, pero just wait here. I'll be fast." she said at tumakbo ng mabilis pabalik.

And then I realized how creepy the parking lot was.

Walang katao tao. Nakaramdam ako ng kaunting takot.

Waaaah >.<

Nagulat ako ng may malamig akong naramdaman sa may sentido ko. Then I realized that it was a gun. Shit. I'm dead.

"Ibigay mo sakin lahat ng pera at gamit mo. Holdap to." O.O

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nabalot ng takot.

What am I gonna do!?

Takot na takot ako.

"TULOOOOOOOOOOOONG! HOLDAP! HOLDAAAAAP!"

"Hoy Miss! Wag ka ngang maingay! Pasasabugin ko utak mo!" sabi sa akin nung holdaper.

"Psh. Hoholdapin mo ko tapos patatahimikin mo ako? Tanga ka ba kuya? Ikaw kaya holdapin ko, tatahimik ka?!" sabi ko.

"Ay. Oo nga no. Sorry- Hoy! Wag mo ngang baguhin ang usapan! Manahimik ka!"

"Teka, maganda ka ha. Pwede na. Makinis din ang balat." napalingon ako at nakita kong may isa pa siyang kasama. Kinilabutan ako ng hawakan nung isa yung braso ko.

Gosh, Ayoko pang mamatay at marape. Bata pa ako!

Hinawakan naman nung isa yung buhok ko at inamoy pa ito. At bigla silang tumawa na parang mga demonyo.

I can feel that my knees are shaking. Para ring nalunok ko na ang dila ko.

Nakita kong papalapit na yung mukha nung isang pangit sa akin kaya napapikit nalang ako at napaiyak.

Nakarinig ako ng ilang mga suntok at sipa?

"Hey, polka dots, are you alright?" I immediately opened my eyes just to see the two holdapers/ rapists lying on the floor na walang malay at puro pasa. Pero mas nanlaki ang mata ko nang makita si Julian sa harapan ko and he looked worried? Aish. Scratch that!

"Hey, I'm asking you. May ginawa ba sila sa'yo?" tanong niya. Nanginginig pa din ang buong katawan ko at umiiyak pa din ako.

Nagulat ako ng bigla ko siyang niyakap at umiyak ako. Sht. What did I do?!

"S-sorry." sabi ko ng bitawan ko siya.

"Sabi na may pagnanasa ka sakin e." then he grinned.

"Hoy! Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kelan!" tumingin ako sa kanya ng masama. Pero nagulat ako ng makita kong may mga pasa siya sa mukha at dumudugo ang labi niya.

"Oh my gosh. I need to cure those wounds!" sabi ko sa kanya.

***

Kasalukuyang ginagamot ko siya sa isang coffee shop. Good things at kasama sa mga binili ko ang first aid kit. I texted Stacy kung anong nangyari pero di ko sinabing i'm with Julian.

Pinupunasan ko ng bulak ang cut sa labi ni Julian.

Napatitig ako sa labi niya. Mapula iyon at malambot-- sht. Masama na 'tong lagay ko.

"Tsk. Sabihin mo lang if you want to kiss me. I'll gladly do it." sabi niya then he winked.

"You crazy pervert!" sigaw ko sa kanya at diniin ang bulak sa sugat niya.

"Ouch!" sabi niya.

"tss. Manahimik ka na lang kase. Ingay ingay."

***

He drove me home.

"Uy. Julian. Salamat ha." sabi ko.

"Saan?" mayabang na tanong niya >.<

"For saving me and for driving me home." sabi ko tapos ay sinarado ko na ang pinto ng kotse siya at tumakbo papasok ng bahay.

***

Dear Diary,

This was the most tiring day ever. I almost died today. Well, thanks to my life savior, Julian. He's my hero. Muntik na akong marape at maholdap. Thank God he was there to save me.

Aish. I wish may magandang mangyari sakin tomorrow.

-CG

My Magical Diary [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon