BAD BOYS AND ME #21

1.7K 38 0
                                    

Bryan's POV

"Sorry kasi.... kung hindi dahil sakin hindi ka napagod. Sorry kasi nag kulang ako sayo...."

"Ano bang pinag sasasabi mo dyan bryan?"

"Pakinggan mo muna ako... Please?" pinakinggan namn ni bianca yung sinabi ko. "Bianca.... Alam kong nung sinabi mo saakin na gusto mo ng makipag hiwalay. Alam kong napipilitan ka lang non... kasi nararamdaman mo na wala na akong time sayo at napapagod ka na...."

"Alam mo bang sa nga oras na yon.... hindi ko alam kung paano mapapabago yung isip mo.... at hindi ko din alam kung paano ka mapapabalik ulit saakin."

"Aaminin ko.... sumuko ako sayo.... sumuko ako sa pag susuyo sayo...."

"Siguro kasi naramdaman ko na nung mga oras na yun na.... wala na talaga.... na wala na talagang pag-asa na maibalik yung dating tayo...."

"Alam mo yun? Nung time na iniwan mo ako? Nung nawala ka sa piling ko.... Nawalan na din ako ng gana mabuhay...."

"Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganon.... baka nga siguro mahal lang kita ng sobra..."

"Yun.... hanggang sa nag hiwalay na talaga tayo.... Sabi pa nga nila Kevin eh... Ang dami daw nag bago saakin simula nung mag hiwalay tayo."

"Tas yun.... nalaman ko na buntis ka... sa totoo lang nung nalaman ko yun at ako pa yung ama, sobrang saya ko.... kasi naisip ko na mag kakakron ulit ng chance.... na maging tayo."

"Bry...."

"Mahal pa din kita hanggang ngayon bianca..."

"At hindi mag babago yun..." kukunin ko yung cellphone ko dahil biglang may nag pop.

"Bry.... ano yan?" tanong ni bianca at tinuro yung sa arms ko. "W-wala..." saka ko tinakpan yung laslas ko na medyo kita ma yung peklat. "Bakit may peklat ka dyan? At ang dami pa ha."

"Wala yan... wag mo ng intindihin yan."

"Nag laslas ka ba? Kelan? Atsaka bakit?"

"Hindi ako nag laslas..."

"Kelan pa yan?"

"Bryan! sagutin mo ako...."

"Nung naghiwalay tayo... Nakaraan pa yan... matagal lang gumaling kasi medyo malalim...."

"Bakit mo ginawa yun?"

"Hindi ko din alam.... gusto ko na mamatay nun..."

"CR lang muna ako bianca...."

Bianca's POV

Nung tumayo si bryan papunta sa CR tumayo din ako at niyakap siya patalikod.

"Bry... Sorry..." Napabuntong hininga lang siya. "Bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinaktan yung sarili mo?"

"Alam mo naman na ayaw kong nasasaktan ka.... At sorry din kasi mas pinili kong mapagod kesa intindihin ka...."

mas lalo ko pang hinigpitan yung pag kakayakap ko sa kanya. "Bry... Im sorry.... im sorry for everything.... Hindi kita deserve." Humarap siya saakin atsaka niyakap ako ulit. "Deserve mo ako bianca...." hinalikan niya yung noo ko. "Can we start over?" tanong ko kay bryan "Ofcourse." saka siya ngumiti.

-----

"Bianca.... balik muna ako sa dorm namin ah...."

"Hhhmmm.... Ingat ka...."

"Bye na muna... babalik ako bukas... Ingat din kayi ni baby huh?"

"Hhmm."

"Good." saka hinalikan niya ako sa noo. "Love you both..."

"We love you too."

Bryan's POV

Nakabalik na ako dito sa dorm namin at naabutan ko yung tatlo na nag mo-movue marathon.

"Uy bro!" unang bati ni miguel. "Buti naman bro at bumalik ka pa dito sa dorm? Akala namin dun ka na titira kay bianca eh." sumunod namn si dexter. "So ano na? Mag kwento ka namn samin! halos buong araw ka din kaya nandon kila bianca. Umalis ka dito kaninang umaga mga 7 yata yun? tas ngayon bumalik ka 10:45 PM na?! Aba aba! kaipangan mong mag kwento!" sumbat nmn ni kevin.

"Patutulog na ako." sagot ko namn sa tatlo...

"Oy?! Anong matutulog ka na? Halika ka muna dito! Mag kwento ka muna saming tatlo!" sigaw ni dexter saakin. "Wala akong ike-kwento sa inyo bro!"

"Imposibleng wala!" sigaw na namn ni dex. saka hinila ako ni miguel at kevin paupo sa sofa. "Oh? Ano na? Simulan mo na yung pag kwento saamin."

"Alam mo kev? ikaw yung pinaka matanda saating apat pero ikaw yung isip bata."

"Nag tatanong lang ako kung anong nangyari isip bata na agad? Siguro nga may dapat kang ikwento saamin noh?"

"Wala nga!" saka tumayo ako sa sofa at dumeretso na sa kwarto ko.

TFBBFILWM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon