Matthew's P.O.VAntagal ko nang di nakakakita ng ships huling ships na nakita ko is jinson at ung yoonmin, eto pa ah, etong nakakainis
Naalala niyo yung lalaking bumangga sakin nung chapter 2? Takte magka course kami at parehas na parehas ang sched namin, sa tagal tagal kong pumapasok, nung nakaraan ko lang siya napansin... lagi pala siyang nauuna sa classroom kasi natutulog siya sa pinaka likod, eh nag karoon ng time na na unahan ako sa favorite place ko, kaya no choice ako napunta ako sa likod at sa kasamaang palad siya ang nakatabi ko...
What a life!
Next target ko sana ang hunhan kaso hard to find eh, so luwoo na lang kasi pagala gala lang naman yung dalawang yun pero hard to find pa rin kasi pagala gala nga so kung saan saan andun...
Pero masakit sakin tong next mission ko noh! Crush ko kaya si lucas! Bes sinong di mag kakagusto sa isang tulad niya diba!?
"Matthew~" rinig kong sigaw ni...
"Oy jungwoo!" Sabi ko sa kaniya at niyakap niya ako
"Hoy tama na ang yakap at baka biglang sumulpot yang jowa mo" pang aasar ko sa kaniya
"Eh wala naman akong jowa eh, atsaka wala si lucas nag gala mag Isa sa school" sabi niya at hinila ako papunta sa isang bench...
"Awww di ka na lab ng bebeh mo?" Pang aasar ko sa kaniya
"Huy friends lang kami, atsaka may nililigawan nga yun ngayon eh" sabi niya na parang di siya affected pero deep inside makakapatay na toh, pero nako may nililigawan? This is a problem, may masasaktan kung sakali, its either yung nililigawan or si jungwoo, 50/50 beh!
"Ano ba yan mukhang mahihirapan ako this time ah" na sabi ko na lang dahil sa andami kong iniisip
"Bakit ka mahihirapan? Ano bang gagawin mo?" Tanong niya sakin,
Alam niyo ngayon ko lang narealize yung difference namin, I mean alam kong magkaiba ugali namin kung baga ako war freak siya peace maker, pero hindi yun, the way he talk is so far from the way I talk, imaginin niyo ako si bretman rock and siya si jungwoo, gets niyo? sige eto pa, ako si bretman siya si maria clara, clear na ba?
"Ah wala wala, pero seryoso nga, umamin ka sa akin, may gusto ka ba kay lucas?" Seryosong sabi ko sa kaniya at tinignan siya mata sa mata at ayun napa iwas ng tingin, yes! May gusto nga siya kay lucas
"Ako na nag sasabi sayo mag fail ang mission mo saming dalawa, alam ko na ang balak mo, may nililigawan nga siya eh kaya yun palang bagsak na at straight yun, di ko nga alam kung bakit ako kaibigan nun eh" sabi niya, jusqo si ate gurl anlayo ng sagot sa tanong ko eh, sasagot na sana ako ng mapansin kong may nakatayo sa likod ni jungwoo
"Lucas!? Kanina ka pa diyan?!" Tarantang sabi ko at tinignan si jungwoo na naging statue
"Jungwoo!" Madiing banggit ni lucas at hinawakan sa balikat si jungwoo at pumunta si lucas sa harap niya at nagbend down at magka face level na sila
"Are you still doubting my loyalty and friendship to you? Dini degrade mo na naman ba sarili mo? At bat nag doubt ka pa rin sa pagiging kaibigan ko?" Sabi ni lucas kay jungwoo habang mag kalapit mukha nila at umupo si lucas sa gitna namin at umakbay kay jungwoo
"Eh masisisi mo ba ako, you're popular, you're a self entitled playboy, you're handsome, you're rich and you're straight, who wouldn't question your relationship with me? Everyone would question it except him" mahabang sabi niya at bigla akong tinuro at napatingin lang si lucas sakin ng saglit at bumalik din kay jungwoo, sakit nun ah!
"Jungwoo, you're like a little brother to me (syet bro zone, sakit niyan bes little pa jusqo- matthew), and so what if they think there's something going on between us? At least we know we're not doing something bad, and so what if I'm straight and you're gay, I'm your friend, bestfriend, older bro, there's nothing wrong with you" sabi ni lucas at kiniss sa noo si jungwoo at tumayo
"Sige na alis na ako magkikita pa kami ni marga" sabi ni lucas at tumakbo at umalis
"Takte! Daming sinabi, daming dada! May pa kiss kiss pa sa noo, may paakbay pa, may paface to face pa! Bro zone lang naman pala, at ang malala umalis agad para sa nililigawan, na amabaho ng pangalan!" Gigil na sabi ko dahil sa kabwistan ko
"Hayaan mo na, tutal sanay naman na ako, and expected na siguro yun sa friend na lalaki na ititreat ka as a brother or sister, and inaasahan ko na ang mga ganyang pangyayri noon pa lang" sabi niya kaya napa buntong hininga na lang ako
"Hay nako pano ko yun hahayaan? And hindi porket sinabi mong sanay ka na, di ka na nasasaktan, kahit sabihin mong expected mo na ang lahat at alam mong mangyayare yun, kahit sabihin mo pang predicted mo na ang lahat at napag handaan mo na yan, pag nangyare nakakataranta at nakakalito at higit sa lahat napaka sakit" sabi ko sa kaniya at tinap ang balikat nita at sabay kaming tumayo
"Bakit ba ang dami mong alam sa ganitong bagay? Yung totoo may nangyare na ba sayo nung high school ka?" Takang tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa kung saan
"Hay nako, wag mong problemahin ang akin yung sayo ang problemahin nat-" sabi ko na naputol dahil may nabangga ako
"Ikaw na naman!" Sabay naming sabi nung nabangga ko ng makilala namin ang isat isa
"Uy ronnie~" sabi ni jungwoo at tinap yung nabangga ko
"Kilala mo toh!?" Takang tanong ko
"Oo, katropa nila lucas" sabi ni jungwoo
"Jung bakit may aso kang kasama?" Sabi ng ronnie na toh
"Cute ko namang aso" bulong ko
"Askal ka siraulo" sabi niya at umalis na agad
"Nyeta ka!" sigaw ko
![](https://img.wattpad.com/cover/168245829-288-k783346.jpg)
BINABASA MO ANG
Shipper's point of view
Novela Juvenilano nga ba ang nakikita ng mga shippers or ng mga fan girl or fans na hindi nakikita ng ibang tao? follow this little stalker as he goes to a journey of making his ships come true... "kahit wag niyo na akong pakasalan or makilala basta magka tuluyan...