STEP THREE

20 2 0
                                    

-When the pain's a hundred proof-

Oh No!! Hindi na talaga ito tama. Baliw ka talaga Silv'z. Katuwaan lang sana to eh, bakit totoo na talaga?

Lagot na. Lagot na talaga. Hindi ko alam sa anong taon ako napunta.

"HOY SILVIA! Tama ng kahihilata mo diyan sa kama. Wag mo akong pagalitan kung male-late ka na naman ha!!"

Narinig ko ang sigaw ng Mama ko sa baba. The best alarm clock talaga si Mama.

Huh? Hala anong oras naba dito. Teka lang!! baka college pa ako ngayon so? siguro third year na ako tapos nung third year ako, ano nga ba yung sched ko?

Ah! Ang study load ko nga pala!

Hinanap ko ang backpack ko noon at yung binder ko, doon ko palaging nilalagay yung mga important papers dun sa gilid ng pinaka front page ng binder ko. Mayroon kasi yung secret pocket na kasyang-kasya ang study load ko.

Eto na. Nahanap ko na rin.

"MWF 10:00 am Nat Sci 3
  MWF 11:00 am Fil 3A
  TTH   10:00 am PE 3"

Eto ba talaga ang sched ko noon? Hindi ko na maalala.

TUG!!! TUG!!! TUG!!!

"HOY babae! Huwag na huwag ka ng manghingi ng baon kung palagi ka nalang late! Alas nwebe trenta na tapos nandyan ka pa rin, pinag-aral kita ng maayos tapos ikaw........."

Hala nandito na si Mama kong rapper, nasa labas lang naman siya ng pintoan. Halos di ko marinig sa sobrang hina ng boses niya

"Naririnig mo ba ako SILVIA!!! Wag kang magbibingi bingihan dayn at
..ah"

"Lalabas na po Ma"

Mahinahon kong sinagot ang rap niya. Naramdaman kong nagulat siya sa aking sinabi. Eh kasi, kapag nagrarap si Mama sinasabayan ko siya at may instant rap battle na kami at ang referee ay ang aking ate.

Wala akong choice kundi sundin ang nakagawian ko dati. Maghahanap talaga ako ng paraan kung paano ako makakabalik.

*******

Tapos na akong maghanda.

Inilagay ko na ang booklet sa loob ng bag, mas mabuting dalhin ko ito kahit saan, at gaya nga ng sabi sa rules, always wear the pendant, never break it and never lose it. And here I go, this is it! Pupunta na talaga ako sa aking Alma Mater. Magkikita na kami sa dati kong barkada, lalo na yung taong dahilan kung bakit ako naging baliw at sinubukan ko itong kahibangan na to. Walang iba kundi si Mark.

R....I......N......G.......

Dinig na dinig ko ang bell sa hallway. Monday ngayon so, Nat Sci yung subject ko. Late na talaga ako, mukhang si Prof. Velos ang instructor ko ngayon. Napaka terror pa naman non' sana naman may makasabayan ako.

Patakbo na akong umaakyat papuntang fourth floor dahil sa sobrang tagal ko don sa bahay kaya sobrang late na talaga ako ngayon.

"Silvia!!!!!"

Sino ba yun? Ayokong tumigil dahil dapat maging matino ako ngayon, syempre mas mature na ako di buh?.

"Silvia hintay!!"

Mas lumalapit na ang boses ngayon ah. Pero mukhang alam ko talaga sino to. Dapat mas mauna ako sa kanya.

Mas nilakihan ko ang aking hakbang. Sa Wakas!! Malapit na ako sa classroom.

"Hoy Silvia? Hindi mo ba ako narinig?"

LUB-DUB .... LUB-DUB..... LUB-DUB...

Heto na naman ang trip niyang mang akbay ng kahit sino mang babae. Kilalang kilala ko talaga to, tama nga ang hinala ko. Si MARK!!!!!!!

"WOAHHH!!!!"

Hindi ko napigilang mapa sigaw sa kaba ng inakbayan niya ako bigla sa likod. Nagulat sya sa naging reaksyon ko, pero hindi ko alam may mas nagulat pala sa akin.

"Excuse me? Are you a part of this class?"

Nandidto na pala kami sa front door ng classroom. Dinig na dinig ang sigaw ko sa loob, lalo na't walang pinto ang disenyo ng classroom namin, kumbaga open air lang siya.

Kitang kita ko ang naka taas na kilay ni Prof Velos ang bading namin na Prof na sobrang stricto. Pambihirang tadhana naman to oh, bakit ngayon pa na hindi pa ako nahimasmasan sa mga pinanggagawa ko kanina lang.

" Ah.. Ehh.. Ye-- Ye---..."

"Yes Sir, sorry for being late"

Napalingon ako sa aking gilid. Ba't ang tapang tapang niya sa ganto. Ako nga nanginginig na ang tuhod sa takot kahit na mas matanda na ako sa totoong buhay.

"Well sorry hijo, but you are absent na. Di ba we have an agreement before?. Ang pinaka ayaw ko ay ang late! So you better get going at wag na wag kayong maglalandian sa harap ng klase ko! Am I understood?"

Naku naku! Ayoko ko talagang tignan ang dilat na mata nitong Prof namin, mas lumalaki kapag galit. Daig pa ang tarsier. May blessing pa siya sa amin dahil sa saliva shower niya. Eto namang si Mark walang imik, nakatayo lang.

"Do I have to repeat myself?"

"No sir, sorry for the disturbance. We will just leave."

Wow sa wakas, nakapagsalita ako ng hindi nauutal. Hinila ko ang bag ni Mark, mukhang na dismaya din siya sa nangyari tulad ko.

"Silvia, sorry ah. Dahil kasi sa akin hindi ka tuloy nakapasok sa klase mo. May gusto lang kasi sana akong itanong pero nagmamadali ka akala ko kasi wala ka pang pasok. Kasi gusto ko sanang tanongin ano ang plano mo sa birthday ni Risa"

"Kailan nga ulit yung birthday niya?"

"Bukas na"

Ano? Naku! Ayokong maulit muli ang sweet fantasy turned to bitter reality. I am done with it na! Tapos na ako dun sa sakit tapos mauulit na naman ngayon?

Napaka bwesit talaga ng araw na to noh? May mas bebwesit pa ba nito?
  

"Silvia?"

Oh noh. Nandito na si Risa.

---------------

How a Heart UnbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon