STEP FIVE

11 1 0
                                    

-Getting it like I should-

"Ako yung may dala ng spaghetti" Sabay lagay ni Stella sa ibabaw ng lamesa kung saan nakalagay lahat ng handa para sa birthday ni Risa.

"Okay na rin ang mga balloon guys!" Sigaw naman ni Toni sa di kalayuan habang binibilang ang hawak niyang pink at purple na balloons.

Twenty minutes nalang at darating na si Risa, may birthday party siya sa bahay nila at may surprise party ang aming barkada para sa kanya. Ang swerte niya noh? Hindi kagaya ko.

Okay na ang set-up dito sa classroom namin, saktong sakto na wala ng gagamit dito kaya dito na rin kami nag set-up. Habang abala sila nandito naman ako naka upo sa isang sulok. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malungkot dahil alam ko kung saan ito hahantong. Nakatingin ako sa pink at purple banner na nakadikit sa backdrop na ginawa nila, inilagay na rin nila ang mga balloon. Ready na ang party popper at cake. Ganito pala sila ka effort noon.

Nag text sila kay Risa na may kinakailangan siyang kunin dito sa classroom at pumunta nga siya rito.

"Guys! Nandito na daw si Risa! Get ready!" - Stella

"SURPRISE!!!!"

sabay namin siyang binati. Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat.

"Oh! Guys thank talaga! Kayo ha maypa surprise pa kayo. Salamat talaga sa inyo Mark, Stella, Toni at Silvia"

"Group hug"

Napa-group hug nga ako ng tuluyan dahil hinawakan ako ni Mark.

**************

"Guys may importanteng sasabihin si Mark" Itinulak ni Toni si Mark sa harapan.

Tapos na kaming kumain, tapos na rin kami magbigay ng birthday wish at gift kay Risa. Mukhang ito na nga yung time.

"Uhumm.. Ahh hehe alam niyo, alam kong barkada tayo at magkaibigan talaga tayo. Pero may aaminin ako sa inyo, may matagal na talaga akong gusto eh, isasabay ko na rin ito ngayon para mas bongga"

"Ayeeee"

Che! Kilig na kilig pa itong si Stella at Risa. Maypa speech pa itong mokong nato, mukhang totohanan eh hindi naman. Naku! Sarap mo talagang sapakin.

"Dali sino ba yan!" Sigaw ko.

Napalingon sila sa akin. Gulat na gulat.

"Ayeee masyadong excited!" Tukso ni Stella.

"Alam mo naman yata yan eh"- Risa

"Silvia! Gusto kita!"

Napalingon lahat sa akin. No! No! Hinding hindi ko na uulitin ang sinabi ko noon. Tumayo ako sa aking kinauupoan at pumunta sa harapan. Nagpalakpakan sila at kinikilig ang akala siguro nila na gusto ko rin itong mga pangyayaring ito. Pwes tingnan niyo ito.

"Pasensya na Mark, pero never kitang magugustohan mas mabuti pang magkaibigan nalang tayo" Sabay tapik sa braso niya.

At lumabas ako sa classroom. Hindi siguro sila makapaniwala dahil ibang iba ako sa Silvia noon. Ito ang gusto ko, I can do what I want and I can get what I want.

**************

Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang nag scroll up and down sa facebook ko. BORING. Hay naku! wala akong magawa. Hindi ako pumunta sa party ni Risa sa bahay nila at hindi rin ako nagpaalam sa kanila. I'm tired to fit in, alam ko namang okay lang din nila na wala ako. Ni hindi man lang sila nag text or chat. Isang oras na mula nung nag walk out ako, nanibago siguro sila dahil sa inasta ko. Well, I will never regret it. Tama lang yun.

(Phone vibrates)
.
.
.
(Mark Calling..)

Huh? Totoo ba to? Hmm ignored.

(Phone vibrates)
.
.
.
(Mark Calling..)

Ano ba Mark? Tigilan mo na nga ako!

(Answered the call)
-----------------------

"Oh? Ano?"

"Silvia?"

"Oo ako nga to, anong kailangan mo Mark?"

"Silvia okay ka lang ba? Eh kasi mukhang kakaiba talaga ang ikinikilos mo eh, yung mga sinasabi mo at tono ng pananalita mo parang palaging galit. Alam mo bang nag-aalala na kami sayo"

"Don't worry okay lang ako"

"Hindi ka okay Silv'z"

"Mark pwede ba!"

"Mag usap tayo ng harap harapan"

"Para saan?"

"Pag usapan natin ang ating mga nararamdaman. Alam mo naman na gusto kita di ba?"

"Mark itigil mo na yan, matutulog na ako bye"

"Sil____

---------------------------
(Ended the call)

Bwesit! I thought it is done? Bago pa nga na ayos itong heart ko mukhang mababasag na naman itong muli.

KNOCK-KNOCK-KNOCK

"Silvia? Bumaba ka muna dito. Nandito yung kaibigan mong si Mark"

HAAAA???? Ano bang nakain ng mokong na to ba't ba kapit na kapit ito sa akin ngayon? Ayokong lumabas. Magtutulog tulogan nga ako.

KNOCK-KNOCK-KNOCK

"HOY SILVIA!!!!!! Wag mong paghintayin ang bisita!!!!!"

Arghhhh!! I thought I can get it like I should?

———————————————

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How a Heart UnbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon