STEP TWO

24 2 2
                                    

-Getting myself after the fall, I'll be better off after all-

Tapos ko ng ayusin lahat nga gamit ko. Medyo malayo na ang bahay namin sa work place ko pero okay lang atleast hindi ko na makakasalubong si Mark sa mga eskinita dito. Aayusin ko na ang sarili ko gaya ng pag ayos ko dito sa mga gamit ko sa kwarto.

Naalala ko! yun palang red heart pendant na nakita ko kahapon, nasa bulsa pa yun ng blue jeans ko.

Pumunta ako sa may laundry basket at hinalukay ko ang gabundok naming labada. Lagot na! hindi pa naman yun sa akin. Baka kay Mama yun patay talaga ako nun.

Wala talaga!! Wala dito sa laundry basket. Wala rin si ate na mapapagtanungan ko. Natatakot ako mag tanong kay Mama kasi nagrarap yun. Lagot na mukhang mamahalin pa naman yun baka naghahalaga yun ng dolyares. Lalo na't antigo pa yun.

Balde baldeng pawis na ang naipon ko sa aking katawan ngunit hindi ko pa rin ito nahanap. Nilibot ko na lahat ng parte ng bahay pero wala pa rin.

Bumalik ako sa taas, hahanapin ko ulit baka nandoon lang yun sa sahig ng kwarto ko. Papasok na sana ako sa aking kwarto ng may naaninag akong pamilyar na liwanag.

Ayun!!! Nandon lang pala sa sahig sa kabilang kwarto. Pinuntahan ko ito at nabigla ako ng makita sa harapan ng pintoan ng kwarto ang wooden box kung saan ko kinuha ang red heart pendant.

"Ang creepy naman nito!!"

Nanlalamig na ang aking mga kamay at unti unti ng nagsisitayoan ang mga balahibo ko. Nagulat na naman ako ng may lumiwanag sa loob ng wooden box, hinanap ko ito at kinuha. Isang red booklet? Parang partner itong dalawa. May naka ukit sa libro na kasyang kasya ang red heart pendant.

Kinuha ko ang booklet at pumasok sa loob ng kwarto. Na curious ako kung anong laman nito. Isang mamahaling antigong gamit, kanino kaya ito?
Gaya ng iba pang gamit sa loob ng wooden box, marami itong alikabok ngunit makikita mo parin na mamahalin ito. Binuklat ko ang libro.

"Love Spell"

Natawa ako ng saglit. Ito ba ang laman nito? Ang corny. Ang mamahalin tapos ganyan lang? Akala ko pa naman 'How to be rich'. Ganon paman pinagpatuloy ko itong basahin. Saktong-sakto ito na rin ang pampalipas oras ko total gabi pa naman ako papasok, dahil graveyard shift ang sched ko ngayon.

I scanned the book. Mga Magic Spells ang nakasulat at mga mga ingredients pa. Naaliw ako sa aking mga nabasa.

"Spell on how to make the person you love, fall inlove with you"

"Spell on how to be pretty"

"Spell on how to make the boys fall inlove with you"

Oh? Ano tong nasa last page.

"How to turn back time"

"You need to get the rare red heart ruby under the Mt. Thenous"

Ahh baka ito yung sinasabi dito sa libro. Magical ba to? Ewan pero wala ng ganyan sa 21st Century. I continued reading.

"You can change the events in the past. You can unmeet a person."

Wow ang cool nga naman nito.

"Step 1. Place the red heart on the front cover of the book.
Step 2. Say the chant found on the next page.
Step 3. Close your eyes and focus.
Step 4. You can now change the past"

"Rules: Once you're in the past. Always wear the pendant. Do not lose it or break it. Or else the spell can't be undone."

Well.. Mukhang nakakatuwa siya. Masubukan nga ito, wala namang mawawala kung susubukan ko ito di ba? Let's do this Silvia. Eto na talaga si Silvia version 2.0.

I followed the steps and the chant.

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

Kinilabutan ako ng biglang lumiwanag ang libro at ang pendant. Teka!! Mukhang totohanan na ito ah. Lagot na. I am really in trouble.

Lumiwanag ang lahat sa aking paligid na para bang nasa araw ako. Ang silaw at ang init. Ang sakit ng aking katawan, ang tanging ginawa ko lang ay pumikit at hinawakan ng mahigpit ang pendant at libro.

Naramdaman kong nawala na ang init. Idinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang aking higaan, kurtina at wallpaper. Parang nasa kwarto ako sa lumang bahay namin. Naglibot ako sa aking kwarto, at nakita ko sa aking malaking salamin ang aking sarili. Tila bumata ako, at ang aking buhok na nooy maikli, ngayo'y mahaba na. Impossible to. Totoo ba talaga yung spell?

Hawak-hawak ko parin ang booklet at ang pendant. Isinuot ko ang pendant na nasa front page ng booklet. Hinawakan ko ito ng mahigpit at nag chant ulit.

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

"NOOMA PURA KAAM JALD LOVE MILE"

Idinilat ko ang aking mata ngunit sa kasamaang palad. Ganun pa rin ang nakita ko.

OH NO!!!! I can't go back.

Lagot na!!! Ano bang kabaliwan ang ginawa ko.

--------------------

How a Heart UnbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon