STEP FOUR

14 1 2
                                    

-There are ways to change the mood, it's good-

"Silvia"

Kumakaway sa di kalayuan si Risa. Papunta na siya sa kinatatayuan namin. Ganyan na ganyan talaga siya noon, napaka ganda, napaka sexy, napakatalino. Habang ako? Napa--- ewan.

"Silvia! Mark!"

"Hi!"

"Ano? Game kayo bukas? Birthday ko at invited kayo"

Hindi ko alam kung papayag ba ako gaya ng dati or shall I say no para naman hindi na matuloy yung ginawa ni Mark dati.

"Oo naman Risa, free kaming dalawa nitong cute na cute na kaibigan ko"

Wow naman KAIBIGAN lang naman at siya pa ang nagsabi na free kami.

"Ah----......"

"Well that's great! I will just send sa GC kung anong oras"

Tumango nalang ako.

"Ay Silvia, may sasabihin ka?"

"Huh? Wala wala hehe, may nakalimutan lang kasi ako eh. Mauna na ako sa inyong dalawa, see you later"

Nagmadali akong naglakad papalayo sa kanila. Ang akward lang kasi eh. Si Mark yung ex ko, tapos in reality sa time namin sila ng dalawa ni Risa. Ang akward talaga at ang sakit.

Narinig kong may patakbong footsteps ang papalapit sa akin. Agad naman akong inakbayan.

"Gotcha! ang bilis mo talagang maglakad ngayon. Ano bang problema Silv'z?"

Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya. Tiningnan ko ang nangungusap niyang mga mata. I miss looking at them.

"Silvia?"

Hala, na hypnotize ako saglit. Silvia gising! Ex mo siya okay? Wag magpapadala.

"Alam mo Mark, may mga problemang hindi dapat sinasabi. Kaya naman wag kanang mag tanong"

"Silv'z naman... Di ba besties tayo? Remember? We never keep secrets"

"Bading ka ba?"

"Huh? Ba't mo naman na itanong yan eh alam mo naman ang katotohanan di ba?"

"Eh kasi ang e binibestfriend ko lang ay ang mga bading. Kung hindi ka bading, eh hindi kita bestie. Kaya tumigil kana"

Burn! Wow galing galing ko ah. Dapat may award ako. Hindi ko kayang pagsalitaan dati si Mark pero ngayon? Who you ka sa akin! HAHAHAHA!

********

Nakahiga ako ngayon sa aking kama, pinag-iisipan ko kung paano ko mapapalitan ang nangyari noon at sa mga mangyayari ngayon. May pag asa kayang mabago ko ang mga nangyari noon?

Bukas na ang birthday ni Risa. December 2 pala ang birthday niya, kaya pala hindi ko maalala kasi binura ko na siya sa aking isipan.

Well babagohin ko ang nakaraan, madali lang naman siguro itong palitan gaya ng pagpapalit ng mood ko. I am sure mababago ko rin ito.

How a Heart UnbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon