Chapter Two

65 11 12
                                    

Chapter Two

SSG Office

I THINK I saw a figure emerged from nowhere.

It's like a silhouette of something... or someone.

Tumigil ako mula sa paglalakad at pinagmasdan iyon. Sa biglang paghinto ko ay nakaramdam ako ng kilabot na dumaloy sa buong katawan ko. Parang isang nakakukuryenteng hangin na biglang dumapo sa buong katawan ko nang mabilisan.

Why don't you show me your face, coward?

Nagpatuloy sa pagbukas-sara ang mga ilaw at sa pagkakataong ito ay sa mas mabilis na paraan na. Para bang nababaliw na ang mga bumbilya. Kung magpapadala ako rito ay siguradong mahihilo ako.

"Arylle..." I suddenly heard a faint voice from my right so I absent-mindedly direct my head there but all I saw was a closed classroom.

Ilang segundo ko pa iyon tinitigan bago ko ibinalik ang tingin ko sa unahan ko.

At gaya ng inaasahan ay wala na ang aninong nakita ko roon kanina.

"What a piece of coward..." I mumbled boredly.

Sa kalagitnaan ng nakahihilong mga bumbilya ay kinuha ko ang cellophane ko mula sa bulsa ng slacks ko at sinubukang buksan iyon. I pressed the power button but it did not opened kaya ibinalik ko ulit iyon mula sa bulsa ko.

Gagamitin ko sana ang flashlight ng phone ko pero hindi bumukas, eh.

Playing dirty, huh?

Ninety percent pa ang cellphone ko at nagamit ko pa iyon kanina pero ngayon ay ayaw na bumukas. There is only one acceptable explanation in this kind of situation.

It's because of them...

At kung sino man sila, they are a bunch of stupid weaklings.

Huminga ako nang malalim habang alertong tumitingin sa paligid ko. Tumalikod ako para tingnan kung may tao pa ba rito bukod sa akin pero sa pagtalikod ko ay biglang tumigil nanaman ang pagbukas sindi ng mga ilaw. Nanatiling naka-twist ang katawan ko palikod at pinakiramdaman muli ang paligid.

Sobrang katahimikan ang bumalot sa pasilyo ng third floor at ang mabilis na paghinga ko lang ang maririnig. Tiningnan kong muli ang mga ilaw sa kisame, nakasindi na ulit ang lahat na parang wala nanamang nangyari.

I bit my lower lip as I tried to stay calm and sense my surroundings. Kahit na nararamdaman ko nanaman ang biglaang nakakukuryenteng sensasyon sa buong katawan ko.

Muli akong humarap papunta sa direksiyon kung nasaan ang SSG office para ipagpatuloy ang paglalakad ko. Pero bago pa man ako makapaglakad ay may biglang kahangalan nanamang nangyari.

Namatay ang isang bumbilya sa dulong bahagi ng palapag.

"Come on, puro ganito nalang ba?" Iritado kong bulong habang pinagmamasdan ang kadilimang bumalot sa dulong bahagi ng palapag dahil sa pagkamatay ng ilaw.

But before I could utter another word ay bigla nanamang namatay ang sumunod na ilaw.

I stepped backwards because my instinct says so, but just when I did ay bigla nanamang sumunod na namatay ang katabi na light bulb.

Para bang unti-unting lumalapit sa akin ang kadiliman.

Hindi ko na hinintay pang mamatay ang sumunod na ilaw dahil naglakad... or more like ay tumakbo na ako paalis.

And while I'm running, alam kong sunod-sunod na namamatay nanaman ang mga ilaw dahil unti-unting nagdidilim ang paligid pero hindi ko hinayaang maabutan ako nito dahil binilasan ko na ang pagtakbo papunta sa SSG room.

Beautiful Monster (1st Book of the Project: LOTUS series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon