Chapter Three

33 9 2
                                    

Chapter Three

Cemetery

THE HOURS have passed normally--well at least right?

Successful kong natapos ang project namin at nanggigil kong sinermunan ang mga ka-grupo ko na halos magsitago sa ilalim ng kanilang mga armchairs kanina.

"Sorry na, Arylle! Sa susunod talaga tutulong na kami..."

Kaya hindi ko na sila sinermunan pa nang sobra dahil baka maihi pa sila sa kanilang mga salawal.

Inabala ko nalang ang sarili ko para ayusin ang outreach program na gagawin ng SSG officers sa isang home for the aged center. Nabalitaan kasi na nagkaroon ng maraming pinsala ang center dahil sa isang sunog noong nakaraang buwan. Halos matupok ang kalahati nito at hanggang ngayon ay kinukumpuni pa rin ang establisment. Kaya naman naisipan ng school na magbigay ng kaunting tulong para sa mga matatandang doon na nakatira. And as the current president of the Supreme Student Government, I have a huge responsibility of ensuring that all the preparations and plans for this event are well settled.

Nakapangalumbaba ako ngayon sa long table ng SSG office habang pinagmamasdan sila Nimsan at Jeniry na binibilang ang mga nakolekta naming donations mula sa mga schoolmates namin kanina. Nag-announce kasi kami na iyong mga taong willing tumulong para sa mga matatanda ay pwedeng mag-donate ng sabon, tooth brush, damit, o pera dahil talagang natupok na ng apoy maging ang mga kagamitan nila at ang ilan pa sa kanila ay wala nang pamilyang maaasahang tutulong kaya heto at pinagsama-sama na namin ang mga naipon para mai-pack nang maayos. Nang matapos na naming ma-ipack ay nagsimula na ngang bilangin iyon nila Nimsan at Jeniry dahil nag-volounteer ang dalawang ito na sila nalang ang magbibilang ng mga na-kolekta kaya kaming mga walang ginayawa ay pinagmamasdan lang sila.

Napahikab ako ng wala sa oras. Oh, I'm tired and sleepy. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang wall clock ng kwarto.

5:30 pm

Yeah right. Alas cingco ng umaga ako pumunta rito at uuwi ako ng pasado alas cingco rin! Urgh. Me and my schedules. Napatingin nalang ako sa bintana dahil sa pagka-bored. Dapat ay mga alas-dose ng tanghali ay uwian na naming mga seniors pero dahil sa responsibilidad ay inaabot ako ng ganitong oras.

Padilim na ang kalangitan. Maybe because it's already October kaya mabilis gumabi kaya kahit na 5:30 palang ay parang seven o'clock na ng hapon.

"Okay! So far, we have packed one hundred sixty-two." Anunsiyo ni Jeniry habang pinapagpag ang mga kamay. Oh, tapos na pala silang magbilang.

Walang imik namang tumayo mula sa pagkaka-indian sit si Nimsan, hindi tumitingin sa akin.

"Good. Then... we can all go home now?" Tanong ni Tangent matapos maibaba ang kanyang libro: Fundamentals Of Accounting Business and Management 2

"Tsk. 'Yon lang pala ang inaantay..." I whispered mockingly, intending to be heard.

Bumaling siya sa akin gamit ang blangkong ekspresiyon.
"Well, let's not show hypocrisy here. I am tired, you are all tired and I want to..." lumabas sa bibig niya ang napakalutong na mura. "...rest. What do you think?" Pa-cool nanaman niyang tanong.

I rolled my eyes at that.

"Yeah, yeah. Now shut up and pack your things up. I guess we can all call this a day then," anunsiyo ko saka ko tinapunan ng iritadong tingin si Tangent na wala namang pakialam.

Kanya-kanyang kuha ng bag ang mga officers bago isa-isang nagpaalam para makauwi na.

Nang palabas na si Nimsan ay nahuli ko pa siyang bahagyang lumingon sa akin. For a moment, I was so sure that she's going to say something to me but I think I was wrong dahil bigla nalang din siyang tumalikod at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"So, ba-bye then..." ani Tangent habang iwinawagayway ang kanyang kamay na may band aid. I didn't reply, I just rolled my eyes at his silhouette instead.

Gawain ko talaga o ang SSG adviser namin na si Ms. Quen na magpahuli na umalis palagi after ng meeting para ma-ensure na na-off na lahat ng appliances sa loob ng kwarto at dahil wala si Ms. Quen dahil sa meeting, ako naman ang nagpaiwan ngayon.

Nang naisara ko na ang huling switch ng ilaw ay ilang segundo kong pinagmasdan ang kadiliman sa kwarto bago ko tuluyang isinarado ang pintuan at pin-ad-lock.

Habang naglalakad ulit ako pababa ng third floor ay hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyari kanina rito. Napapatingin pa ako sa mga bumbilya sa kisame na mukha namang payapa na ngayon.

I know that there is something wrong here, that is absolutely certain. From the crazy lightbulbs up to the unusual things about my two comrades. Whatever this game that they are playing, I'll make sure that I'm ready for it.

Dalawang bagay lang kasi iyan: it's either gusto lang nilang paglaruan ang mga bagay-bagay sa lugar na ito o... ang buhay mismo ang gusto nilang paglaruan. And whatevee it is, I will make sure that they'll face the consequences of their actions.

Iwinaksi ko muna sa utak ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin nang nakarating na ako ng parking lot. I smirk when I saw my baby black.

Tinapik-tapik ko pa ang aking motor habang nakangisi. We're going home, baby.

Habang binubuhay ang makina ng aking baby black ay napagdesisyonan kong dumaan muna ng sementeryo ulit.

I will be very busy for the coming weeks so I wouldn't have enough time to visit them anymore kaya susulitin ko na ngayon.

Ilang minuto lang ang itinagal ng pagmamaneho ko at nakarating na ako sa cemetery. It's just October 10 kaya halos walang taong bumibisita rito. Kung mayroon man ay iilan lang--kagaya ko.

Habang naglalakad ako papasok sa sementeryo ay may nadaanan akong isang babaeng naka-indian sit sa harapan ng isang lapida kung saan may naka-tirik na dalawang puting kandila.

What caught my attention is the unusual color of her hair--red. Ang buhok niyang pula na hanggang balikat ay sumasayaw sa hangin habang diretsong nakatingin ang mga mata niyang walang emosyon sa lapida sa harapan niya.

Bukod sa kanya ay bilang nalang sa mga daliri ang mga tao sa loob ng sementeryo.

Iniisip ko pa kung nakita ko na ba siya noon nang biglang may maalala ako. Napahinto ako sa paglalakad at napalingon ulit sa mismong spot na kinalalagyan ng lapida.

Bago lang iyon.

Sa tagal at dalas kong pumupunta rito ay halos makabisado ko na ang buong sementeryong ito at ngayon ko lang naalala na blank spot pala iyon noon. At ngayon ay may ganap nang naka-himlay roon ngayon.

May the soul rest in peace.

Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang lapida at ang babae bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kinuha ko ang susi sa bag ko para mabuksan ang pintuan ng museleo. Matinis ang tunog ng kinakalawang na pinto habang binubuksan ko na ito.

Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ang dalawang litratong nakasabit sa pader.

"Hello mom and dad..." bati ko sa kanilang mga nakangiting larawan.

--

-C.N. Haven-

To read more chapters, you can visit Dreame. My whole story is there.

P.s. It's the English version.

Link: https://m.dreame.com/novel/F3nxjncKqcUo4wX41awYOg==.html

Thank you! God bless~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful Monster (1st Book of the Project: LOTUS series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon