Eight

23 1 0
                                    

[Eight]

Aeisa's POV.

"Hi Secretary Jen." Bati ko sa AI robot na nakatayo sa gilid nang office ni Dad. She is looking at me without giving any emotional expression. Matagal syang nakipagtitigan at biglang ngumiti.

"What can I do for you Young Lady Aeisa?"

Secretary Jen was designed obviously to be dad's secretary. But other than that, she is designed to be my personal tutor. She've been created since my mother died.

"Where's dad?" tanong ko dito.

"Your dad is nowhere to be found." Mabilis na sagot nito.

Wala si dad sa Radar nya? First time to ah. Asan kaya sya? 3weeks na syang di umuuwi. Well, sanay naman ako don pero ang hindi ako sanay ay yung hindi nya ako tinatawagan.

"Where is his last location?"

"3weeks ago at the Resorts and Casino Royale with Mr. Cheng."

"And who is this Mr. Cheng you are talking about?"

"Mr. Cheng is a Businessman, and a possible investor."

Resorts and Casino Royale? Nandon si Enzo kanina. Pinuntahan nya pala si Dad, hindi nya sinabi sakin.

Umalis na agad ako at nagdrive papunta sa RCR.

Pagpasok ko dito ay ingay at tugtog agad ang sumalubong sakin. Hindi ko alam na pumupunta pala sa ganitong lugar si Dad. Sobrang laki nitong lugar pero minabuti ko parin na maglibot libot. Madali ko lang namang makikita si Dad if ever dahil sa dami nang body guard na laging nakabuntot sa kanya.

Sa paglingon lingon ko ay bigla na lang may nakabangga sakin kaya napaupo na ako sa sahig.

"Ow sorry, Miss." Sabi nya at inalalayan akong tumayo. Napatitig sya sa muka ko na parang kinikilala nya kung san nya ako nakita.

"Aeisa Imperial, right? The daughter of the former beauty queen." Nakatingin lang ako sa kanya. Sanay na din naman akong marecognize. "My name is Corbyn, Corbyn Kent Salvador." Nakangiting sabi nya at inilahad ang kamay for shake hands. Nakatingin lang naman ako doon at walang balak na abutin iyon.

"Ow, alright." Bawi nya sa kanyang kamay. "I'm Chloe's step brother, by the way."

"Ok. I have to go. Excuse me." Sabi ko na lang at lumabas na nang Casino na iyon.

Medyo late na rin kasing nagregister sa utak ko ang sinabi ni Secretary Jen. "3 weeks" so malamang ay nakaalis na din si Dad dito. Alangan namang dito lang sya diba? Hayst.

~~~

"Where have you been?" Bungad sakin ni Enzo na akala mo'y Amang kanina pa naghihintay sa pagdating nang anak.

"Sa—"

"Bat ka galing don?" Pagputol nya sa sasabihin ko.

"Kasi—"

"Cut that. May kelangan tayong pausapan."

Napakunot ang noo ko. Diba? Parang tanga sya.. -_- panay ang putol nya sa sinasabi ko. Hayst!

"Sa garden tayo." sabi nya lang at naglakad na papunta sa garden. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"So. Anong pag uusapan natin?" panimula ko nang makarating kami sa Garden.

"It's about your dad."

"Yah, I was about to ask you the same thing. Secretary Jen can't find him on her radar."

"I think something bad happened." seryosong sabi nya.

"W-What? How do you say so?"

"You know your dad. Hindi sya basta basta nawawala nang walang paabiso. Lalo na kay Secretary Jen. Alam nya lahat ang galaw at plano ni King. Pero 3 weeks na syang walang update."

Napaisip din ako sa sinabi nya. Ito nga ang unang pagkakataon na maging si Secretary Jen ay walang alam sa kung nasaan si Dad.

"Kasama nya ang daddy mo diba?"

"I think so."

"Sa tingin mo ba may nangyareng masama?" Alanganing tanong ko.

"Hindi ko alam, pero sana naman ay wala."

"Hi there. Mukang seryoso kayo jan ah." Napatahimik kami nang biglang dumating si Klare at Kiara.

"I have to go, may gagawin pa ako." paalam na lang ni Enzo at umalis na.

"Anyway, nakita ko to sa poolside. Parang galing sa labas nang bakod. May nakasulat e, kaso di ko naman alam kung anong tinutukoy. Baka sa inyo yan." Iniabot sakin ni Klare ang crumpled paper na may batong patigas sa loob.

He's with us now.

Nanlamig ako sa nabasa ko. Sya lang ang pumasok sa isip ko. Sya lang ang tinutukoy dito. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko.

×××××

Kiara's POV.

"Anyare don?" Takang tanong sakin ni Kambal.

I just shrugged.

"Ano kaya yung ibigsabihin nung nasa sulat no? He's with us now." malalim ang pag iisip nya habang nakahawak pa sa baba nya na akala mo naman talaga e may isip.

Nakatingin lang ako sa kanya. Iniisip na baka naman hindi ko sya kakambal. Baka naman hindi ko talaga sya kapatid. Ang weird na din kasi nya minsan e.

"ALAM KO NA!!!!" Halos mapatalon ako sa sigaw nya.

"Ano ka ba! Wag ka manggulat." inis na saway ko sa kanya.

"Sorry kambal." Natatawang sabi nya. "So ayon na nga, baka naman friend ni Ate Aeisa yung nagpadala nang note. Sinasabi na kasama na nila ang boyfriend nya." Tumatango tango pa sya na parang yun na ang pinaka matalinong naiambag nya sa lipunan.

Napailing na lang ako at iniwan na sya. Malala na to.

Dumiretso na lang ako sa kwarto namin pero bago pa ako makapasok ay napalingon ako sa pintuan ng kwarto ni Ate Aeisa na bahagyang nakabukas. Hindi ko alam pero parang hinihila ako non para tingnan ang nasa loob.

Ilang sandali din akong nakatindig sa kinatatayuan ko bago pagdesisyunang lumakad papalapit doon.

"Can you give some information about Mr. Cheng, please... I badly needed it." rinig ko ang aligagang sabi ni Ate Aeisa habang nakaharap sa pc nya.

"The file isn't available in my system." maagap na sagot nang kausap nya sa monitor.

"Please..."

"There is nothing about Mr. Cheng in my system. I'm sorry Young Lady."

Nakita ko ang marahan na pagpahid ni Ate Aeisa sa luha nya. Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya nang biglang may humila sakin.

"Hoy kambal... Bat ka papasok jan?!"

"Umiiyak si Ate."

"Baka mas gusto nyang mag isa. Alam mo na, brokenhearted yan ngayon." napairap na lang ako. Pinanindigan na talaga nya yung theory nya na tungkol ang lahat sa love life ni Ate Aeisa.

"Lika na sa kwarto natin. Hayaan na lang muna natin sya."

Huminga na lang ako nang malalim.

———

The Mafia King's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon