Ten

22 0 0
                                    

[Ten]

Aeisa's POV.

"Si Tyra ang makakalaban mo." Sabi sakin ni Calix habang umiinom ako nang juice.

"Tyra? Tyra Cardinal??"

"E sino pa ba? Sya lang naman ang kating kating pabagsakin ka. Pero sabi ko, itatanong ko pa sayo. Alam ko naman di mo lalabanan yon dahil madumi yon lumaro."

"Sige, sabihin mo payag na ako."

"Payag ka na? Kala ko ba di mo sya pagbibigyan sa gusto nya?"

"Mamaya na lang tayo mag usap. Gusto ko muna mapag isa. Basta sabihin mo pumapayag na ako."

Kahit ayaw pa nya ako iwan ay umalis na din sya. Ayoko muna nang kausap. That note keeps on bothering me. Alam kong nasa pahamak si Dad. Pero sinong pagkakatiwalaan ko? Sinong hihingan ko nang tulong. Anong gagawin ko?

"Miss Aeisa. Isang laban na lang po at kayo na ang susunod. Maghanda na po kayo." Sabi nang lalaking organizer nang laban.

Huminga lang ako nang malalim at lutang na lumabas sa kwarto kung nasan ako. Malakas na ingay ang sumalubong sakin. Kaya naman pala, halos mamatay na kasi ang isang lalaking nasa arena habang binubugbog sya. Bawal patayin ang kalaban. Yun ang rule. Pero kahit nag aagaw buhay kana considered as buhay ka padin basta humihinga. Kaya pwede ka parin bugbugin nang kalaban mo.

Nakita kong gusto na magtap nang lalaki sa saghig ngunit mismong ang kalaban nya ang pumipilipit sa kamay nya wag makapagtap at wag mahinto ang pambubugbog sa kanya. Madumi din ang larong ito. Pero sa isip isip ko, ano kayang pandadaya ang gagawin ni Tyra mamaya?

Kusa nang nagbatingting ang bell kasunod nang pagpikit nang lalaking bugbog sarado kanina. Hindi na din nya siguro kinaya at nagcollapse na lang sya. Agad naman na nagtakbuhan ang mga medics paakyat sa battle arena at binuhat ang halos walang buhay na katawan.

"And now for the main event. This is Cardinal Vs Imperial! The much awaited fight of town."

Ang malakas na sigawan ng mga tao kanina ay mas nadagdagan pa. Totoo naman, matagal na nila itong hinihintay. Paano ba naman, sa lahat nang laban ni Tyra ay nagpaparinig sya na gusto nya akong pabagsakin. Ewan ko ba sa babaeng yan. Sya lang naman ang nag iisip na magkalaban kami. Lagi nyang pinupush ang sarili nya para matapatan ako.

Tumunog na ang bell, umpisa na ang laban. Inalis nya ang tela na nakapulupot sa kamay nya at doon ko nakita ang four fingers na suot nya. Sabi ko na nga ba at hindi sya lalaban sa akin with barehands.

Una syang sumugod para suntukin ako sa mukha. Naiwasan ko ito at itinulak sya. Sumugod ulit sya at sinuntok ako sa tyan. Nasalag ko ito. Pero dahil sa fourfinger na suot nya ay nasaktan talaga ang kamay ko. Hindi ko na din na pansin na kasunod na pala noon ang pagsapak nya sa mukha ko.

Ramdam ko agad ang pag agos nang dugo mula sa pumutok kong kilay. Sa lakas nang suntok nya at sa tigas nang kamao nya ramdam ko ang pagkahilo. Medyo na aout of balance na ako pero pinilit ko parin na tumayo.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang image ni Dad na nakatayo at pinapanood ako. Nadistract ako kaya di ko ulit na pansin ang paparating na atake nya, isang malakas na suntok sa sikmura at halos iluwa ko ang bituka ko.

Namilipit ako sa sakit at dun na sya nagkaron nang pagkakataon na bugbugin ako. Kabikabilang suntok. Kaliwa't kanang sipa. Headbutt at twisting ang inabot ko. But what keeps me alive is the image not so far. Dad is still there. Cheering me to stand up and win the fight.

Hirap man ay pinilit kong tumayo para ipakita kay Dad na malakas ako. Ngayon nya lang ako pinanood. This was the first time kaya dapat sa maimpress ko sya. Hindi pa man ako nakakatayo nang tuwid ay sinalubong na nang mukha ko ang tuhod ni Tyra.

Mabilis din naman akong tumayo ulit dahil sa pag aalalang pinapanood ako ni Dad. Lumingon ako sa pwesto ni dad at bigla syang nawala. Nilibot ko ang tingin sa buong arena para hanapin si Dad pero na wala sya. Isang malakas na sapak ulit ang sumalubong sakin at napabagsak na ako nito.

This time, ayoko nang bumangod. Ayoko nang lumaban. Naramdaman ko ang pagod.

"D—dad..." That's all I can say then everything went blur and that's my cue to close my eyes and fall asleep.

×××××

I wake up in a comfy bed. At may sinag din nang liwanag na tumatama sa mukha ko. Hirap ko pang imulat ang mata ko dahil sobrang bigat nito.

"Sweetie. Sweetie are you awake?" Rinig kong tanong ni Daddy.

Daddy is here. Daddy is here. Yan ang paulit ulit kong sabi sa sarili ko at excited na magmulat.

Pagmulat ko ay worried face ni Enzo ang bumungad sa akin.

"Oh god. Buti at nagising ka na." sabi nito.

Nagulat naman ako sa biglang yumakap sakin. It's Ethan, he's here also. And my two siblings (Kiara and Klare) are in couch, looking so worried about me.

"W-where is dad?" That's the first thing I said.

"Are you alright? May masakit ba sayo?" Aligagang tanong ni Ethan.

"Where is dad?" Pag uulit ko sa tanong ko kanina.

"He's not here." Enzo said in monotone voice.

"N-no. I've heard him. He's here. He even watched my fight." Giit ko pa. Nakita ko si daddy sa arena.

Tumingin lang sila sa akin na may lungkot sa mga mata.

"W-what's going on?" Tanong ko.

"Just take some rest." Sabi sa akin ni Ethan.

"Magpagaling ka na ate Aeisa para makauwi ka na." lapit sa akin ni Kiara at hinaplos ang buhok ko.

Dun lang nagsink in sakin. Nawawala nga pala si dad. May kumuha nga pala sa kanya. Biglang kumirot ang katawan ko. Ramdam ko ang mga sugat at pasa. Ang pamamaga sa may bandang kaliwang mata ko at ang sakit nang sikmura ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkakabugbog sa akin. Hindi man lang ako nakaganti. Hindi man lang ako nakasuntok maski isa. Distracted ako kaya madali lang akong napabagsak ng Tyra na yon.

———

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia King's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon