One

40 2 0
                                    

[One]

Aeisa's POV.

"What? Ulitin mo nga. Hindi ko naintindihan." sabi ni Ethan.

"Tsk, meron nga akong kapatid. At tatlo sila." Pag uulit ko.

"Pero diba ikaw lang ang anak nila Tita? Bestfriend ni Mom ang mommy mo. Bat di ko alam na apat pala kayo?"

"Baliw, hindi anak ni Mommy, anak yon ni Dad sa ibang babae."

"Woah, Retired Playboy on your area. Be ware." natatawang sabi nya.

"Tsk, nakalimutan ko nga itanong kay dad kung muslim kami e."

Ginulo nya lang ang buhok ko. "Sira ka talaga, tara stroll tayo."

Ethan Ferrer, he's my best friend since what..? Since birth, I think. Magbest friend kasi ang mommy nya at mommy ko kaya ganon.

And kung itatanong nyo kung asan si Mommy, she passed away 3 years ago due to heart attack. And that also explained why I'm wasted. Alright, enough of this. Ayokong umiyak.

"Paige. San ka pupunta?" Salubong sakin ni Enzo. Paige na lang ang tawag nya sakin pag kami kami na lang, close naman kami e. Di na kelangan maging pormal.

"Sa labas lang." Sagot ni Ethan.

"Paige na ang pangalan mo?" Pabalang na tanong ni Enzo kay Ethan.

"Ahmn, sa labas lang. Magpapahangin." Sagot ko na lang at itinulak na si Ethan palayo kay Enzo.

Mga bata pa lang kami may rivals na Between them. Same school kasi kami at sa hindi ko alam na dahilan, lagi silang magkalaban.

"Hindi ko talaga gusto yung Lorenzo McKenzie na yon." inis na sabi pa ni Ethan bago sumakay sa kotse.

"Magugulat ako pag sinabi mong may gusto ka sa kanya." Natatawang sabi ko at sumakay na din.

"Hindi nakakatawa Aeisa Paige."

"Pft. I'm sorry. Hindi ko mapigilan."

"You're aware that you're pissing me off, right?"

"Hey, I'm just kidding." Natatawang sabi ko pa at pinisil ang pisngi nya. "You're so cute when you are mad."

"Cute lang?"

"Alright. Handsome na din, at adorable."

"So crush mo na?"

"No way. Nam Joo Hyuk padin."

"Tss, mas gwapo ako sa koreano na yon."

"You wish." I said sarcastically and started the engine.

×××××

Chloe's POV.

I went to my room and locked it up. Naaalala ko parin ang sinabi sakin ni Mom kanina bago ako pumunta sa mansyon nang Imperial.

Kuhanin ang tiwala ni Alexander Imperial para makuha ang lahat nang kayamanan.

Yes, galit si Mom kay Alexander. Dahil matapos ang lahat ng nangyare sa kanila, mababalitaan na lamang nito na ikinasal na pala si Alexander sa isang mas Mayaman na babae.

*Knock knock knock*

Napalingon ako sa may pinto.

"Chloe, open the door."

I heard Corbyn's voice out side. He is my Stepbrother. Anak ni Daddy sa una nyang asawa.

"What do you want?" I coldy ask as I open the door.

"Kamusta ang last will and testament? Sayo ba ibibigay lahat?" Yan agad ang bungad nya. "Ikaw ba ang magmamana nang Mafia?"

"Tsk, of course not. Apat kaming anak, anong iniexpect mo? Sakin ibibigay yon lahat?" Inis na sabi ko.

"Kelangan mapunta sayo ang pera nila, kelangan mapabagsak natin ang Hades Mafia."

"I know, gagawin ko ang lahat para makapaghiganti."

"Good. And mag-iingat ka sa mga Imperial. Manloloko sila." Corbyn just tap my shoulder and left.

Hindi kami ganon ka close ni Corbyn, ang totoo nyan ay magkaaway pa nga kami nung mga bata pa kami. It just happened na bigla na lang syang naging mabait sakin ngayong araw. And for the first time,naging maayos ang pakikitungo nya sakin.

I went straight to my bed and open my laptop. Bigla na lang pumasok sa isip ko na magbackground check tungkol sa Imperial.

"How sweet." I sarcastically commented on their family portrait. Alexander with his wife and his legal daughter. Lalo lang akong nainggit kay Aeisa. All my life, I've been dreaming of a normal family, a normal life. Hindi yung kelangan kang maging perpekto at di-numero sa bawat galaw mo. Classy and perfect. This is all Alexander's fault. Kung di lang sana nya iniwan ang Mommy ko noon, sakin sana ang buhay na meron si Aeisa ngayon.

I hate them! I hate him!

×××××

Klare's POV.

"Bal, sigurado ka ba?" napairap na ako kay Kiara. And for the nth time! Inulit na naman nya ang tanong.

"Ano ka ba bal, Imperial's mansion na yon. Dati nakikita lang natin ang mga ganong bahay sa magazine at billboard, ngayon ay dun pa tayo titira."

"Ang iniisip ko lang naman, yung tungkol sa nabanggit nila na Mafia. Baka mapahamak tayo."

"Bal, ano ka ba? Diba nga King ang tawag nila sa fudra natin. So ibig sabihin, sya ang leader non. Kung may magtangka man sa buhay natin, well protected tayo sa private army ng Imperial. Nakita mo naman ang dami nang guards sa mansion nila diba?" paliwanag ko pa at patuloy sa paglalagay nang gamit namin sa bag.

"Dadalhin ba natin to?" Tanong ni Kiara at ipinakita ang hawak nya picture frame.

Picture namin yon ni Mama at Papa—ang kinilala naming tatay.

"Wag na, ang jologs natin jan. Tsaka ang dugyot." Kumento ko na lang.

Hindi kami mayaman, hindi din kami yung sadlak sa hirap. Nasa gitna lang kami. Average people kung tawagin. Sanay sa hindi gaanong karangyang pamilya. Ang nanay namin namatay 5years ago, si Papa Benedict naman ay namatay na din nung nakaraang taon. Sya na din ang nagsabi samin na anak nga kami nang isang mayaman na Businessman, lingid sa kaalaman namin na Leader din pala ito nang Mafia.

"Oh, anong iniisip mo?" Napalingon ako kay Kiara.

"Wala, iniisip ko lang kung anong una kong pagkakagastusan nang pera ko." Natatawang sabi ko.

"Baliw ka."

"Joke lang bal."

"Nako, bilisan na natin. May Van na puti sa don sa tapat, siguradong sa tauhan na yon ni Mr. Imperial."

"Ni Dad." Pagtatama ko.

"Sus, feeling close ka naman agad sa kanya."

"Aba, syempre naman no. Tayo ata ang pinakacute nyang bunso."

"Sa tingin mo, makasundo kaya natin yung dalawa pa nating kapatid?"

"Ewan ko, mukang weird yung dalawang yon. Tsaka halatang mga anak mayaman." sagot ko na lang.

"Baka naman mabait sila."

"Well, mabait man sila o hindi. Wala na akong pakialam." Sagot ko na lang at isinara na ang zipper nang bag ko. "Tara na." Aya ko sa kanya at sumunod naman sya sakin.

———

The Mafia King's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon