Seven

32 3 1
                                    

[Seven]

Kiara's POV.

"Guys, I really have to go. Kiara, Klare. Just call the driver to pick you up. Wag kayong aalis ng school nang walang kasama." Mahabang bilin ni Butler Enzo na para bang nagmamadali.

"Kami na lang ang maghahatid sa kanila." Presinta ni Ethan Ferrer.

"Wag nyo silang iiwan." May pagbantang bilin nya dito bago patakbong umalis.

"So girls, gusto nyo bang maglibot muna?"

"Sigeeeee." Excited na sabi ni Klare at kumapit agad sa braso ni Ethan.

Napailing na lang ako. Sobrang crush nya talaga si Ethan. At nakakahiya na sya. Hayss.

"Let's go?" Baling sakin ni Elthon. Tumango lang naman ako at sumabay na sa kanila maglakad.

"Ganon ba talaga si Ate Aeisa at Butler Enzo?" Tanong ni Klare out of the blue.

"Ganon? Anong ganon?" naguguluhang sabi ni Ethan.

"Laging busy, laging umaalis, laging nagmamadali."

"Si Enzo, ganon talaga sya. For him, time is gold. Pero si Aeisa, hindi ko alam. Lately, napapansin ko din ang pagbabago nya. Parang busy sya sa bagay na di nya pinapaalam sa iba." Mahabang sabi ni Ethan.

"Baka dahil sa Maf---"

"Mama nya. Baka dahil sa mama nya." Sinamaan ko nang tingin si Klare. Bilin din kasi samin ni Auntie Maria na wag sasabihin sa iba ang tungkol sa Mafia.

"Siguro nga. Baka dahil kay Tita Stella. Kasi naman diba, we witnessed how loving and caring Tita is." Sabi ni Elthon kay Ethan.

"Sobrang close ba nang family nyo sa Imperial's?" Tanong ko.

"Actually, our mom and tita Stella were best friends. Kaya halos sabay din kaming lumaki nila Aeisa. Pero hindi kami ganon kaclose kay Tito Alexander." sabi ni Ethan.

"Lagi kasing busy si Daddy. Actually, sa buong buhay namin ni Kiara. Dalawang beses palang namin syang nakita. First was when the attorney read the last will and testament, and second is nung lumipat na kami sa Mansion. Hindi na yun nasundan dahil hindi pa sya umuuwi." May lungkot ang pagkakasabi ni Klare.

Maging ako ay nakaramdam nang lungkot.

"Hey girls, cheer up. Dadalhin na lang namin kayo sa favorite ice cream parlor ni Aeisa. Baka magustuhan nyo don." Masayang sabi ni Ethan kaya naman sumama na kami.

×××××

Chloe's POV.

Kakatapos ko lang mag enroll. I don't know what's the use of this. Bat kelangan pang lumipat nang school? Ok naman ako sa school ko e.

"Hi Ate Chloe." napatingin ako sa nakatayo sa harapan ko. It's them. My half sisters.

"Who give you the rights to call me Ate?"

"Hi Chloe. You wanna join? We're going to the ice cream parlor." Alok sakin ni Ethan Ferrer. Kilala ko sya dahil nasa kung saan saang billboard ang pagmumukha nya.

"No thanks." I plainly said and left them.

Naalala ko na nagpahatid lang pala ako sa driver kaya tinawag ko ito.

"Pick me up." Bungad ko nang masagot ang tawag.

[Ma'am pasensya na po, nasiraan po ako nang sasakyan. Nasa talyer pa po ako. Makakapaghintay po ba kayo nang mga dalawang oras?]

"What? Two hours??!"

[Pasensya na po talaga ma'am.]

"You can still come with us. Ihahatid din namin sila Klare at Kiara sa mansion nyo after." Napalingon ako sa nagsalita. Sila Ethan pala.

Napahinga ako nang malalim.

"Ok fine. I'll wait." Sabi ko sa driver at ibinulsa na ang phone ko.

"Dapat sumama ka na lang samin. Ihahatid naman tayo nila Elthon." sabi ni Kiara.

Napairap na lang ako. At tinalikuran sila. What's with them? Feeling close sa lahat. Arghh, they're too annoying.

Dumiretso na lang ako sa coffee shop na katapat nang school, dito na lang ako habang iniintay ang driver.

~~~

Two hours have passed. Nalowbat na ang phone ko, hindi ko na macontact ang driver. Nasan na kaya yon. Tanong ko sa sarili ko at naiinip narin ako.

"The driver can't make it. Hindi pa naayos ang kotse."

Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko.

"What are you doing here?" Taas kilay kong tanong kay Enzo. Yah, nandito sya.

"Picking you up. I just called the driver para itanong kung nasan na kayo at bat di pa umuuwi."

"Just tell him na iniintay ko sya."

"Hindi mo ba ako narinig kanina? He can't make it, he can't pick you up."

"Maghihintay ako dito sa kanya, kahit matagal pa." Wag lang akong sumama sayo pauwi.

"Can't you see? They're about to close this coffee shop. Let's go."

"And what made you think that I'll come with you?"

"Alright, hindi kita pipilitin na sumama sakin. Bahala kang mag-isang maghintay sa tabi nang kalsada. Mabilis lang naman yon gawin e. Siguro aabutin lang nang hanggang bukas."

"Yah, whatever." Irap ko na lang at hinayaan na syang umalis.

Napakaantipatiko talaga nang lalaking yon. Feeling gwapo. Arggggh.

"Excuse me Miss, mawalang galang na po. Magsasara na po kami." Sabi nang isang crew.

Walang pasabi, tumayo na lang ako at lumabas na din. Tiningnan ko ang wrist watch ko. 8:21 pm na. Ano kayang oras dadating ang driver na yon.

Nakita ko ang pag tigil nang isang Maserati sa harap ko.

"This is the last time. Sasakay ka ba o iiwanan na kita?"

"Akala ko ba umalis ka na?" Masungit na tanong ko kay Enzo. Akala ko ay umalis na to kanina.

Aandar na sana sya.

"Wait! Bat ka ba nagmamadali?" inis na sigaw ko.

"Sumakay ka na kasi!"

"Di mo ba ako pagbubuksan nang pinto? That's what the drivers do."

Pinaandar na nya ulit ang sasakyan.

"OK FINEEEEE!" sigaw ko ulit at padabog na sumakay sa kotse nya.

"Sasakay din pala, dami pang arte."

"What?" Tanong ko kahit rinig ko ang bulong nya.

Hindi na naman sya sumagot kaya tumahimik na lang ako.

Buong byahe ay sa labas lang ako nakatingin, tahimik lang kami at tanging mga buntong hininga lang ang madidinig. Nakakabingi na ang katahimikan so I decided to break it.

"Where's my dad?" I asked out of the blue.

"I don't know." He plainly said with his monotone voice.

"But you're a Butler, you should know what's your master's whereabouts."

"Let me clarify you, I'm Aeisa Paige's bulter. Not king's nor yours."

Masungit na sabi nya kaya inirapan ko na lang sya.

---

The Mafia King's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon