CHAPTER 5

5 0 0
                                    

Panglima kabanata

''Sira ka ba talaga? Bakit mo ihuhulog ang sarili mo?'' sinigawan ko siya habang nasa ibabaw niya ako at nakahiga siya sa malamig na semento habang hinahabol ang kanyang hininga.

''Kasi alam kong Hindi mo ako hahayaang mahulog,'' ngumiti siya pagkasabi niya nun,'yung mga ngiting may kasamang habol ng hininga.Nabighani ako sa ngiti niyang iyon at napamura sa sarili,ang ganda niya!

''So tayo na,ha?''

''Ewan ko sa'yo!'' Siguro dahil sa pagod ko at sobrang na-stress ako sa pinaggagawa niya kaya ay iyon na lang ang naisagot ko.

''Yehey! Ewan ko sayo means oo!''

''Huh? Kailan pa naging oo ang ewan ko sa'yo?''

''Ngayon lang.''

''Ewan ko talaga sa'yo,''iniling-iling ko na lang ang ulo ko at tumayo na ako dahil hindi ko na siya kayang I handle pa.

''Yan oh, um-oo ka na naman .''

''Ewan ko sa'yo,'' tinalikuran ko na siya at nagtungo na ako sa may pintuan,hindi ko na kaya pang kausapin siya at baka mabaliw din ako katulad niya.Narinig ko na lang siyang nagpahabol ng sigaw.

''See you later,boyfie!''

Pagkatapos ng klase,inaayos ko na ang back pack ko nang lapitan ako ni mark,isa sa mga barkada ko,sa aking lamesa.

To be continue😇

That Girl written by Yuki yamashitaWhere stories live. Discover now