CHAPTER 10

1 0 0
                                    

Pangsampu kabanata

   ''Dun tayo maglaro sa left for dead,Dali!'' nagpahila na lang ako sakanya dahil kahit anong gawin kong pagtanggi sa kanya at siya pa rin ang nasusunod.Noong isang linggo,sinabi ko sa kanyang ayaw ko na pala na maging boyfriend niya,hindi ko na trip e.Kaso ayaw niyang pumayag,ang sabi niya,hanggat hindi raw natatapos ang tatlumpung araw na usapan namin ay hindi siya makikipaghiwalay sa akin.Totoo nga,hindi siya humihiwalay sa akin kahit sinabi ko nang ayaw ko na.Kahit saan ako magpunta,sinusundan niya ako.Lapit nang lapit, daig pa ang kiti-kiti kung kumapit.In the end,sumuko na rin ako sa sobrang pagiging mapilit niya,isang buwan lang naman,diba? Wala naman sigurong mawawala.

       Nakarating tuloy kami sa Time Zone,dinala niya ako doon pagkatapos ng klase-- sapilitang dinala.Hinila niya ako sa may tapat ng malaking screen kung saan may dalawang laruang baril na nakalagay malapit sa screen.Parang batang excited na excited niyang ini-swipe ang card niya at kinuha ang baril-barilan, ''Uy,ano ba?! Kunin mo na iyong isa pang baril at i-slide mo na ang card mo!''

     ''Ha? Pati ako?'' itinuro ko ang sarili ko.

     ''Oo! Pwede ba namang ako lang?'' nakapameywang na sabi niya.

     ''Ayoko, ikaw na lang.'' Bigla niyang itinapat ang hawak niyang baril-barilan sa akin, ''Patay ka sa akin kapag hindi ka naglaro!''

    ''Oo na nga!'' Ibang klase talaga soya,lahat ng gusto niya,dapat masusunod.Kapag hindi mo sinunod daig pa niya ang limang taong gulang na batang magwawala,iiyak at gagawa ng eksena sa paligid.Kaya naman pinagbigyan ko na,kinuha ko ang isa pang baril at ini-slide ang card ko para maiwasan ang kung anumang eksenang binabalak gawin ng babaeng iyon.

VOTES AND MESSEGES 😇
TO BE CONTINUE 😇

That Girl written by Yuki yamashitaWhere stories live. Discover now