CHAPTER 4

3 0 0
                                    

Pangapat na kabanata

Naka-school uniform naman siya kaya imposibleng hindi siya estudyante ng school namin,kaya naisip ko na lang na baka transferee.Pero kahit na,wala pa ring dapat na makakaligtas na magagandang transferee sa chickboy na ito,e.Pero pinapabayaan ko na lang ang palaisipang iyon at nagdesisyon akong iwan na lang siya.

''Nahihibang ka na talaga siguro,maiwan na nga kits.''

Aalis na talaga dapat ako kung hindi ko lang napansin ang mga sumunod na ginawa niya.Lumapit siya sa barandilya ng rooftop,umupo muna siya doon at saka tumayo.Kinabahan ako bigla dahil Alam kong konting maling galaw niya lang ay malalaglag si mula 4th floor ng building.

''Tatalon ako dito kapag Hindi ka pumayag na maging boyfriend ko sa loob ng 30days.''

Baliw ,iyon siya.Isang malaking baliw.

''Ayaw mo ba talaga? 30 days lang naman,'' bumuntong hininga siya nang hindi pa rin ako sumasagot,masyado pa akong nabibigla sa mga pinaggagawa niya kaya hindi ko magawang makasagot agad.''Haay,sige na nga.Bye-bye!''

Nanlaki ang mga mata ko,hindi na niya nahintay ang sagot ko at mukhang ilalaglag niya na talaga ng tuluyan ang sarili niya kaya dali dali akong tumakbo palapit sa kanya.Inabot ko ang kamay niya at hinigit siya pabalik sa sahig ng rooftop.

TO BE CONTINUE😇😇

That Girl written by Yuki yamashitaWhere stories live. Discover now