Chapter 2

1.2K 458 656
                                    

Don't forget to vote and comment down your thoughts. I love reading it and learning from them.
Thank you!

Chapter 2
Caring Heart

"Lola, pahingi po ng pagkain? Gutom na gutom na po ako." Isang batang pulubi ang nagmamakaawa at nanghihingi ng pagkain.

Nasa edad anim at pataas ang edad nito base sa tangkad at pangangatawan nito. Madumi at punit-punit na ang suot nitong kamesita na punong puno ng mantsang grasa at butas butas rin ang suot nitong sapin pang-paa at mukhang lumang-luma na rin ito.

"Ija, ano ang iyong ginagawa rito? Gabi na, nasaan ang mga magulang mo?" Malumanay na tanong ni Cassandra sa bata, ngunit umiling lamang ito bilang sagot. At napaisip naman ang matanda kung ano ba ang kanyang dapat gawin, upang matulungan ang batang walang muwang sa mundo na dapat ay nasa maganda itong tahanan at hindi nasa lansangan na puno ng kapahamakan pwede maidudulot nito sa bata.

"Osiya sige ija, samahan mo ako pauwi at para malinisan ka rin. Ang dumi-dumi mo na baka magkasakit ka pa niyan." Napagpasiyahan na lamang ni Cassandra na isama ang bata, lalo na't gabi na, delikado para sa bata ang manatili sa lansangan lalo na't palalim na ang  gabi.


....

Pagkarating na pagkarating nila sa payak at lumang tahanan ni Cassandra ay agad inutusan niya munang ang  bata na maglinis ng katawan, habang siya'y nagluluto ng spaghetti na dapat sana ay pang-handa niya para sa kanyang kaarawan kinabukasan.

Habang nagluluto ay napansing niya ang bata na tapos na itong maligo't magbihis kaya malinis na ito. Pinaupo niya ito sa kanyang munting hapag-kainan habang inihahanda ang kanilang masarap na hapunan.

"Ija, ano nga pala ang iyong pangalan?" Tanong niya sa bata, habang inihahaing ang spaghetting kanyang niluto para kanilang pagsaluhan bilang gabihan.

"Angel po." Nahihiyang sagot ng batang si Angel.

Napangiti na lamang si Cassandra at napaisip. Bagay sa kanya ang kanyang pangalan dahil sa kanyang mukhang napakaganda at mala anghel.

Kailan ba ang huling kumain siya na may kasabay? Matagal-tagal na rin mula nung huli niyang nakasama ang dalawang nakababatang kapatid at kanyang mga pamangkin't mga apo. Nag migrate kasi ang pamilya ni Cristine sa America, limang taon na ang nakalilipas habang si Celidad naman ay naninirahan ito sa Maynila kasama ang kanyang sariling pamilya at hindi naman ito laging nakakapunta para dalawin siya, dahil dala narin ng may mga apo't anak na ito na dapat mas pagtuunan ng pansin.

"Sige ija, magdasal na tayo." Pagkatapos nilang magpasalamat sa biyayang nasa harap nila at nagsimula na silang kumain ng hapunan.

"Ija, alam mo ba kung saan ka nakatira?" Tanong niya kay Angel.

"Hindi po e," sagot ng bata at umiling ito.

Napahinga naman ng malalim si Cassandra, mabuti nalang din iyon at may makakasama siyang ipagdiwang ang ika-walong pu't isa niyang kaarawan bukas, Disyembre 14. Medyo matagal na rin niyang dinadaos ito nang mag-isa ang kanyang birthday.

Napangiti siya ng makitang mukhang nagustuhan at masayang kumakain ang batang si Angel. At napansin niya rin ang napaka-amo pala ng mukha ng bata, ang mga mamula-mulang mga pisngi, mapupungay na mga mata at mestisang balat ay hindi mo mapag-kakamaliang isang batang kalye ito.

Nang matapos silang kumain ay iniligpit niya ang mga pinggan upang hugasan ang mga ito.

"Cake po ba iyon?" Biglang tanong batang si Angel habang nakaturo ito sa counter top kung saan nakapatong ang box ng cake na binili ni Cassandra para sana sakanyang kaarawan bukas.

"Oo ija, gusto mo kainin na natin? " at mukhang gusto nga ito ng bata, dahil biglang kumislap ang mga nito at tila ba'y naexcite ito.

Kinuha niya ang cake mula sa kahon upang hatiin ito at para makain nila.

"Wait lang po Lola, bakit po kayo may cake? Siguro po birthday niyo po bukas no?" Nakangiting tanong ni Angel nang matawa na lamang siya at tumungo.

"I-blow niyo po muna! Para po mag-wish kayo." Masiglang sabi ng bata.

Habang si Cassandra naman ay napaisip, wish? Kahilingan? Hindi ba't parang ang tanda na ko para dun? Ang humiling ng mga bagay na imposible nang mangyari, isip-isip niya.

"Sige wait lang, kukunin ko lang yung posporo sa sala." Sabi niya at nagtungo sa sala upang kunin ito. Nang mapadako ang kanyang paningin sa orasan na naka biting sa pader ng divider ng sala't kusina.

At laking gulat niyang gabing-gabi na pala't hindi man lang nila namalayan ang oras, 11:57 na ng hating gabi.

Pagkabalik ng kusina ay agad sinindihan niya ang maliit na kandilang nakapatong sa ibabaw ng cake.

"Magwish ka po ng pinakagusto mo, yung para sainyo lang po." Sabi ng batang si Angel.

At napaisip nanaman si Cassandra, dahil kahit kailan hindi siya humiling ng mga bagay na para lamang sa kanyang sarili. Laging lahat ng pangarap at mga kahilingan niya ay para mga sa taong mahahalaga sa kanya lalo na ang kanyang pamilya.

Pero isang bagay ang alam niyang hindi niya nagawa noong mayroon pa siyang panahon yun ay ang umiibig muli, na minsan na niyang nagawa nguni't nakasakit lamang siya ng taong mga mahal niya at mahalaga para sa kanya. Kaya magmula noon ay hindi man lang sumagi sa kanyang isipan ang muling magmahal muli ng isang tao maliban sa kanyang pamilya. At since birth ni hindi man lang siya nagka-boyfriend dahil kung meron man ay patago ang kanilang naging relasyon at mabilis lang ang oras at nagkahiwalay din sila, masyado niyang inisip kung paano niya ma-iaahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Umaasa sa kanya ang dalawa niyang nakababatang kapatid para magkaroon pa ng oras para sa sarili niyang kasiyahan.

"Gusto kong maranasan muli ang magmahal at ang mahalin din."

Yun ang mga hiling na pumasok kanyang sa isipan at saktong pumatak ang oras na alas dose ng madaling araw, ipinikit niya ang kanyang at inihipan niya ang sindi ng kandila.

Life Begins At 81 Where stories live. Discover now