Chapter 14

592 309 102
                                    

Chapter 14
Out of Town

Maaga akong gumising para magluto ng soup para damulag kong amo dahil paniguradong may hang-over yun ang batang iyon sa sobrang pagkalasing nun sa kagabi.

Ilang sandali pa'y bigla nalangng tumunog ang doorbell, dali-dali ko namang binuksan ito at bumungad sa'kin ang nag-alalang mukha ni Adrian.

"Sir Adrian, pasok po kayo." Pag-aaya ko at agad naman siyang umiling at tinanggihan ang aking alok.

"I bet, you already know?" Tanong nito at tumungo naman ako bilang sagot.

"Is he's there? How was him?" Tanong nito, alam ko ang nangyari sa kanila pero alam ko ring mabuting tao si Adrian, at hindi naman siguro niya sinadyang saktan ang matalik niyang kaibigan.

"Ok na siya, mukhang hindi lang maganda yung itsura niya nung umuwi siya kagabi." Sabi ko sakanya at tumungo naman siya.

"Cassy, ikaw na muna ang bahala kay Marco ha? Alam naming hindi siya makakapasok kaya wag kang mag-alala kami na muna ang bahala dun." Sabi nito.

"At hayaan mo, iiwasan ko na rin si Angela para walang gulo at magre-resign na rin ako sa kompanya sa oras na makabalik siya." Pahabol nito na ikinalungkot, bakit niya kailangan iwan ang kanyang kaibigan? Pansin ko ring siya lang ang nag-iisang kaibigan ni Marco.

"Ah sir, kung hindi n'yo mamasamain, ano po ba talaga ang nangyari?" Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na magtanong.

Panandalian naman siyang pumayag na pumasok sa loob, upang ipaliwanag sa'kin ang mga pangyayari. Alam kong wala ako sa lugar para magtanong pero, hindi ko rin maiwasang magtanong.

" Sasabihin ko to sayo dahil, pinagkakatiwalaan kita sa kaibigan ko." Panimula niya at humiga ng malalim.

" I have known them since, we were kindergartens, the three of us became friends since then, until we're on highschool, Angela and Marco began to have feelings for each other and I, knowing myself I like Angela too.' panimula niya.

"Pero pinigilan ko yun, for the sake of our friendship. Sinubukan kong kalimutan nalang ang mga nararamdaman ko. Hanggang sa makatapos sila highschool they become official as a couple. But then when we're in college, Marco was forced to leave for US to study college there. At dahil he can't do anything against his parents decision. He ask me to look over Angela, while he's away." Mahabang kwento nito.
" Angela was devastated, she was missing Marco so much and I tried my best to be there for her."

I get it now, Angela didn't really love Marco at all, why? Kase simple lang, dahil hindi ka magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung taong yun, kahit malayo pa siya at kahit gaano katagal kayo mawalay sa isa't isa. Mananatili ang pagmamahal mo para sa taong yun, kahit gaano pa katagal ang ang mga araw at kahit taon pa ang lumipas, siya parin ang pipiliin mo. Dahil siya lang ang mahal mo at hinding-hindi magbabago 'yon .

Pagkatapos naming mag-usap ni Sir Adrian ay umalis na rin  ito agad sa kadahilanang baka madatnan pa siya ni Marco dito.

***

Gising na ang amo kong damulag at parang batang kumakain ng kanyang almusal. At ang kapal ng mukha, may gana pang pasubo!

May kamay naman siya! Ano batang naghahanap ng kalinga ng nanay?

"Hoy ldamulag! Bilis-bilisan mo kaya ngumuya d'yan!" Inis na bulyaw ko sakanya. "Ang bagal-bagal mo, nangangalay na yung kamay ko ah!"

"Chill ka lang, wag kang magmadali." Sabi niya at mukhang timang na nakapikit pa ang isang mata.

" Gunggong ka! Bahala ka nga diyan!" Inis na inilapag ko ang kutsarang hawak ko at tumayo para sana bumalik na sa kwarto ko, kung saan wala ang sira ulong tulad niya.

"Pack your things, maybe for 3 days." Sabi nito at napalingon naman ako agad sakanya.

"At bakit?" Mataray na tanong ko.

"We're going out of town." Sagot nito habang sumusubo ng lugaw niya.

"At bakit tayo mag-aaout of town, eh may trabaho ka pa diba?" Tanong mo ulit.

"I already file a week leave, so that mean I'm free." Sagot naman niya.

"At saan naman tayo pupunta at bakit kailangan kasama pa ako?" Tanong ko sakanya.

"Simple, because I'm your boss and we're going to our rest house in Cebu." Paliwanag niya.

Ano daw uuwi kami ng Cebu? Kailan ba ang huling umuwi ako ng Cebu? Mahigit dalawang pu't isang taon na ata ang naklipas ng huli akong makatapak sa bayan kung saan ako ipinanganak.

" And oh, you don't have a choice, you're coming with me whether you like it or not." Sabi nito at may kasamang mapang-asar na ngisi.

"Siraulo ka talagang bata ka!" Inis na sigaw ko sakanya at dahil sa inis ko, ihahampas ko sana sakanya ang hawak kong walis.
Ngunit ang walang hiyang kumag ay biglang nagtatakbo habang ang lakas ng tawa.

"You'll never catch me, oldie Cassy!" At may kasama pang tongue out.

"Humanda ka talaga sakin!" Sigaw ko, dahil bukod sa inis ay umiinit narin ang ulo ko.

Rinig ko ang malakas niyang halakhak at mukhang masaya siya sa ginagawa niyang pang-aasar sa'kin. Parang kagabi lang nang halos umiyak siya sa sakit na nararamdaman niya at ngayo'y parang balewala nalang ito sakanya.

Ganyan Marco, maging masaya ka dahil yan ang deserve mo.

"Oldie Cassy! You're tired already? Why did you stop?" Tanong niya at hindi ko namalayang umabot na pala kami pool area ng unit niya.

"Ako? Pagod? Hindi kaya!" Sigaw ko sakanya, kahit ang totoo niyan ay hinihingal na ako. "Humanda ka sa'kin Marco!" Sigaw ko at muli siyang hinabol.

At sa totoo lang para kaming mga batang naglalaro ng habulan, pero narealize kong minsan pala ayos lang na panandaliang kalimutan ang mga problema sa buhay at maging bata ulit kahit minuto ilang lang.

Dahil kapag bata ka, wala kang inisip na problema, hindi mo pa alam ang magulo't masalimuot na realidad ng mundo. Kapag bata ka, kahit maliliit na bagay ay nagpapasaya sa'yo, kontento ko sa buhay kung saang naglalaro ka lamang at hindi naghahangad ng karangyaan na hinahangad mo ngayon matanda ka na at alam mo na ang patakaran sa mundong mapanghusga.

Life Begins At 81 Where stories live. Discover now