Ang Sulat sa Bote
Isinulat ni: IPSUMMMM
PanimulaNoong unang panahon sulatan pa lamang ang nauusong uri ng pakikipagligawan sa kasintahan o pakikupagusap sa mga taong malayo sayo. Di pa naman kasi uso nun ang mga Cellphone. Ay meron pala nun yung may mahabang antenna tapos bawal kang lumayo pag kausap mo yung taong gusto mong kausapin kailangan nasa isang lugar lang kayo.
Nakakatuwa na noon pag nabigyan ka ng sulat ng iyong taga-hanga. At ang pagsagot sa sulat ay isa ding magandang pangyayari sa buhay noon dahil binibigyan mo ng pahintulot ang taong nagsulat sayo.
Sa pakikipagsulatan mo, madedevelop ka na at makikipagkita hanggang kayo ay tuluyan nang maging magkasintahan.
PERO TAENA uso pa ba ang sulatan ngayon DUH 2018 na no. May cellphone na at kung ano ano pang gadgets na pwedeng pwede mong gamitin para makipagusap at makipagligawan. Ika nga ay Virtual na ngayon!
Isang dut dut mo lang pwede mo nang makita ang taong kausap mo o pwede mo na silang tawagan kahit walang bayad. Pwede ka nang magsend ng message mo sa kanya ng wala pang isang segundo ay marereplyan ka na niya agad. OH DIBA ANG HIGHTECH na ngayon.
Kaya napakaimposibleng may magsulatan pa ngayon no.
Hirap nang maniwala ngayon lalo nat madaming budol budol, baka binubudol budol lamg ako o kaya dugo dugo gang. Pero wala namang masama no kung papatusin ko ang trip nang nagsulat duon sa sulat na nasa boteng nakita ko malapit sa dagat.Ako si Kikay Benitez. Isang huwarang babae dahil nakakita ng sulat sa loob ng bote sa may tabing dagat , choss lang . I'm 24 years old na nasa Riverside (pero nasa tabing dagat wala sa ilog) . Wala akong kapatid pero may shota choss lang ulit. Meron akong kaibigang may shota. Ako lang wala. Siguro itong nagsulat na nakita no ang lovelife ko. Kaya sasagutin ko itoo. Baka kasi sinagot na ni lord ang marathon prayers ko na sana magkaboyfriend na.
Author POV
Once there was a girl who named Kikay. Her life change when she saw the letter near the sea.
Will this letter turned out to be a blessing or lesson to her?
Salamat po sa pagbabasa. Medyo may saltik lang po ang bida. Kaya pagpasyensyahan nyo na po.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
Message in a Bottle
Romance"Mahal ko, tama na, ang sakit sakit na" pagbabasa ko sa napulot kong sulat na nanggaling sa loob ng bote. Medyo luma na yung bote. Dilaw na ang papel at halatang matagal nang naisulat. At wow ha ang ganda nung panakip tatak APPLE. May nakatatak kasi...