Unang Sulat

57 28 0
                                    

Message in a Bottle

Isinulat ni IPSUMMMM

Isinulat ni IPSUMMMM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang Sulat

Keri lang. Stress na ko. Pangit ko . Dami kong pimples. Choss. Artistahin kaya ako. Yan ako. Ako si KIKAY  BENITEZ. Dati akong ordinaryong tao at isang mamayan dito sa Pilipinas pero naging artista ako. Sumikat ako. Nagkaroon ako ng mall shows , tv series at pelikula. Ang dating pangit ,madaming pimples at mataba na ako, isa nang seksi,makinis at maganda na. PAK!
Salamat sa tulong ng 20 doctor na nagtulong tulong sa akin. Iba talaga ang nagagawa pag naging artista ka sisikat ka na gaganda ka pa. Kaya di nangungupas ang mga artista eh. Alam ko na secret nila. At secret ko din ito. Hihihihi.

Kaso bakit nga ba ako nandito sa tabing dagat ngayon at nagmumuni muni. Hinahanap ko kasi ang sarili ko. Yes hinahanap ko. Nawawala kase. Choss.

Kailangan kong ibalik ang dating ako dahil naapektuhan nito ang carrer ko. Bigla na lang humina ang offers s akin. Natadtad ko ng mga bashes. At naunahan na ako ng madaming artista. Kailangan ko ulit bumalik at magpakita ng isang malaking break para makabalik ako sa showboz. Sa totoo lang kasi mahirap ding imaintain ang pagiging "sikat na artista" dahil kesyo gusto nilang alamin ang lahat kesyo pansin ng lahat ang bawat galaw na ginagawa mo. Wala kang privacy at pag may nalaman silang isang bagay na di nila nagustuhan about sayo legwak ganern ang pagiging sikat mo.

Bida-Kontrabida ako sa mga teleserye at nagkaroon na akong tatlong pelikula. Pero sa isang iglap nagbago ang lahat. Nawala ang galing ko. Siguro dahil naging panatag ako sa kayang gawin ng sarili ko at hinayaan ko na lang hanggang sa malunod ako sa kasikatan at mawala na sa sarili.

Mahirap maging artista lalo na pag galing ka sa mababang buhay tapos biglang tataas ng sobrang taas. Mga 10ft choss.

Kaya ako napadpad dito sa bayan ng riverside. Bayang malayo sa lahat. Walang kuryente pero merong tubig. Kailangan kong hanapin ang sarili ko para maibalik ang lahat.

Naglalakad lakad ako ngayon dito sa tabing dagat. Ang sarap ng tubig. Nakayapak lang ako kaya ramdam na ramdam ko ang malalambot na buhangin bumabalot sa aking paa at ang hampas ng alon nito. Palubog na ang araw kaya ang sarap maglalakad lakad at pagmasdan ang palubog ng haring araw na walang reyna kundi ako. Lumalamig na din ang tubig sa dagat. Malinaw ang dagat dito. Isa na ata to sa pinakamalinaw na dagat na aking napuntahan.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sarap na sarap sa hampas ng alon at buhangin sa aking mga paa. Pinagmamasdan ko ang ganda ng dagat at buong isla.

Sa aking paglalakad, napadako na ako sa parteng dulo ng isla. Batohan na dito at wala nang buhangin sapagkat puro bato na lang ang nandidito.

Napaupo ako sa batohan at pinagmamasdan ang lumulubog na araw.

"Sayang naiwan ko ang phone ko. Picturan ko sana tapos pose sa instagram. Pang instagram ang view eh" pagsasalita ko.

Kinuntento ko na lang ang mga mata ko sa magandang tanawin aking minamasdan sa mga sandaling ito. Maya maya pa ay lumubog na ito at tuluyan nang dumilim ang paligid.

Sa di kalayuan, may naaninag akong papalapit sa akin at may dalang apoy na nasa gasera para maging silbi ng ilaw. Wala kasing kuryente dito sa isla RiverSide.

"Kakain na po, Maam" si tata pedring pala.

"Sige po tata pedring susunod na po ako. Salamat po" pagsagot ko.

"Maam ito po oh flashlight para pabalik nyo po. Masyado na po kasing madili eh" sabi ni tata pedring at umalis na pagkaabot ng flashlight.

"Salamat po." Napakabait ng mga tao dito sa isla. Napainit ng pagtanggap nila sa akin. Lalo na si tata pedring. Siya ang naglibot sa akin sa buong isla at minsan ko nang nakakwentuham. Matanda na si taa pedring. Masyadong naging mahirap na ang naging buhay niya . Wala siyang mga anak at asawa. Nagiisa lamang siya sa buhay at ang nagiging buhay na niya lang ay ang pagtanggap sa mga turista. Naikwento niya pa sa akin na tuwing may dadating na turista dito sa isla masaya siya dahil hindi na ulit magiging malungkot ang araw niya dahil kahit papaano may makakakwentuham siya at mapagsisilbihan.

Tumayo na ako at nagsimulang paglakad. Medyo nagugutom na kasi ako eh. Nagpapatayan na ang mga alaga ko sa tiyan. Baka magkainan pa sila pag di pa ako naghapunan. Kiber lang!

Sa aking paglalakad may naaninag ulit akong isang kumikinang na bagay malapit sa dagat. Nilapitan ko ito at kinuha.

Hala isang bote. Omyy, ganito yung mga napapanood ko sa pelikula . Baka may genie dito at bibigyan ako ng tatlong kahilingan. Diba kinakalog yun? Kinalog ko nang kinalog ang boteng aking nakita. Wala naman nangyayari. Hmmpt. Manloloko talaga ang palabas. Kaya ako naloko din eh ayan tuloy nawala sa sarili.

Sinulatan ko ang bote ang ng aking pangalan. Nilagyan ko ng fan sign.
Hmmpt. Nakakamiss mag pirma sa mga fan .

Hinagis ko na lang kung saan ang bote dahil wala naman itong silbi. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa makarating ako sa harap ng bahay ni Tata Pedring.

"Oh, Maam Kikay sabay na po kayo sa pagkain." Sabi ni Tata Pedring habang sumusubo. Kasabay niya ang ibang tao dito sa isla.

Lumapit ako sa kanila at napatingin sa pagkain. Kumalam agad ang tiyan ko dahil sa nakita kong binangi na tilapia na may kamatis, pritong galunggung at sabaw na may gulay.

"Wow ang sarap naman ng hapunan natin Tata Pedring" sabi ko saka umupo sa bakanteng upuan katabi nung matabang babae.

"Syempre si Tata pedring pa!" Sabi niya. Halata ding turista din ang matabang babae ito.

"Di naman" pagpapahumble ni Tata pedring.

"Ay suss pahumble pa ang matanda eh" singit nung matabang babae. Natawa na lang ako sa kanila at nagsimula nang kumuha ng kanin at mga ulam. Tataba talaga ako dito sa isla sa sobrang dami ng pagkain at puro healty pa.

Hayaan na magpapayat na lang ako pagbalik sa manila. Wala munang diet diet ngayon dahil naghahanap ako ng nawawalang sarili ko.

Nang matapos kaming kumain nagpasalamat ako kay Tata Pedring . Umalis na ako at babalik na sa camp ko kung saan ako nagpapahinga. Umupo muna ako sa buhanginan atsaka tuluyan nang pumasok sa loob ng camp.

Humiga na ako at nagselfie muna with matching hastag sleep na iz me. Pagbalik ko na sa manila saka maguupload ng litrato. Sana naman mahanap ko na talaga ang hahanapin ko.

Kamusta kaya ang panget kong kaibigan pero may shota. Siguradong hinahap ako ng baklang yun. Di kasi nagsabi kahit kanino man na ako ay pupunta dito matapos lumabas nang isyung yon.

Isyung nagpababa sa akin . Nakunan kasi ako ng isang basher na umiihi sa tabing kalsada. Ihing ihi na kasi nun kaya itinabi ko muna ang sasakyan ko tsaka binirahan ng pagihi sa may gulong ng kotse ko. Pinicturan ako ayun kinalat. Binash na agad ako hanggang sa lumaon nilamon ako ng isyung ito at nawala sa sarili. Hayst.

Pero kiber lang kaya nga ako nandito eh para maghanap ng nawawalang sarili. Anyways kailangan ko nang magsleeping beauty . Baka bigla akong pumangit eh. Tataba na ng papangit ap ulit. Patay ako kay doktora sayang ang pagaayos niya sa akin. HAHAHA. Kiber lang!

--------------------------------------------

Thank you po sa pagbabasa. Comment and vote mo. Tanga ng bida no tinapon pa ang bote. Makikita pa kaya niya yun?

Message in a BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon