Gumagawa ng book report kapatid ko, ng maalala ko to.
Nag-bigay din kasi ng project na book report yung english teacher ko dati (mga four years na ang nakakaraan) Uso naman din talaga sa kabataan yung pag-gawa ng mga requirements kung kelan malapit na yung deadline. Lalo na yung gaya kong napakasipag na estudyante.
Syempre dala na rin ng katamaran. Tinamad akong mag-basa ng libro. Sulyapan ko palang yung isang page, inaantok na ko. Sabay kasi rin nun periodical exam namin, kaya parang natrauma ako sa pag-babasa hahaha. Namromroblema na kami ng mga kaibigan ko ng biglang nakaisip kami ng ideya.
Babase na lang kami sa mga librong ginawang movie.
Syempre yung pinili ko, yung madali lang hahaha. PETERPAN.
Hindi ko pa talaga nabasa libro neto, pero madami na akong napanood na movie at cartoons dyan.
Edi pag-katapos kong magawa yung report reportan ko dun, prinint na namin ni Carlo (syempre sa bahay namin =__=) Pinaayos ko sa kanya yung folder pati na rin yung book report ko. Nagulat ako nung tumawa na lang siyang bigla.
"Problema mo?"
"Pre kelan pa naging kulay green at halimaw si captain hook?"
"Huh? malay ko. Naging ganun ba sya? Patay di ko nalagay."
"Tanga. Spelling mo kasi ang bobo. Captain Hulk! hahaha"
Shit ka hook.
BINABASA MO ANG
Random shits ni master cark.
Randomfanarts. kabalbalan. kwentong barbero. talambuhay ko. kakornihan. mga trip na book cover na ginawa ko para sa kanila XD