Random#1 katamaran

61 5 0
                                    

Ewan. Di ko talaga maalis sa sistema ng katawan ko ang sobrang katamaran. Yung tipong pipindutin ko na lang yung remote, para mailipat ng channel, iuutos ko pa sa iba.

Kaya madalas akong pag-sabihan ni mama na, gigising lang daw ako para kumain. Sa buong araw kahit umihip ng kaunting alikabok di ko pa raw magawa. Iihip na sana ako ng alikabok para di sayang sermon ni mama, pero nagalit lang sakin.

Sabi naman ng tita ko na medyo ano ang bibig, nag-papalaki lang daw ako ng *****. Napaisip ako bigla, ano kayang dahilan kung bakit malaki ang hita niya? De joke lang mabait akong pamangkin. Yun nga lang medyo tamad hahaha.

Dapat daw kahit lalaki  marunong sa gawaing bahay. Dapat daw mag-linis o ano pa sa loob. Pero sabi ko iisang babae na nga lang ang meron kami aagawan ko pa siya ng trabaho? Tsaka kailangan ba laging mag-linis?

Pero promise! Mag-babago na po ako HAHAHA

sana.

Random shits ni master cark.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon