Random#2 Friends with benefits

62 4 16
                                    

Minsan talaga inaatake ako ng katamaran ko. Basta kahit ano pang gagawin kung talagang tinatamad katawan ko ayaw!

Halimbawa na lang yung nag-karon ng biglaang quiz sa Mapeh namin nung fourth year highschool pa ko. Nagalit kasi si Sir James dahil daw walang nakikinig sa kanya. Kaya ayun biglaang quiz at hanapan naman ng mailap na 1/4 shit of paper.

Abala na ang lahat, pero ako nakadikit lang sa desk ko.

"Kel! may quiz daw." sabi ng matalino kong kaibigan sabay yugyog sa akin.

"Tinatamad ako. Next time na lang. Tsaka wala rin naman akong alam. Nakakatamad din mangodigo kaya next time na lang." sagot ko sa kanya.

"Tss." sabay irap ng loko sakin. Ganun talaga bestfriend ko hahaha kapag alam niyang ayaw ko ayaw ko. Inaasahan ko ng bagsak ako dun. Pero nung tapos na yung exam tapos pag-checheck, inanounce sa harap yung score namin.

Napamura pa ko kasi, nakakahiya namang ipamukha sa klase na zero ako. May nililigawan pa naman ako ng mga panahon na yun hahaha. Pero nagulat ako nung tinawag pangalan ko sabay sabing PERFECT!

Tingin agad ako kay Carlo. Tapos bumulong siya ng, 'Pasalamat ka kaibigan mo ko'. Aba naman! Ang sweet ng bestfriend ko. Pero alam kong kopya din naman niya sa iba yun hahaha. Gusto ko sanang makonsensya dahil naka-perfect ako ng walang ka-effort effort hahaha. Kaso nakita ko yung mga busangot na pag-mumukha ng mga babaeng kong kaklase. Ganyan sila kapag karamihan saming mga lalaki ang perfect. Mga tamang hinala! hahaha.

Yan din pakinabang ko sa kaibigan ko. Kapag may assignment o quiz nag-sisilbi siyang tabo para mag-kalaman ang timba ko hahaha.

Dumating naman yung uwian, nagtaka ako kasi nadaanan na namin bahay niya pero lumalakad pa rin siya kasunod ko. Kaya tinanong ko siya kung bakit.

"Pa-print ako sa bahay niyo ng project sa english. Para tipid na ko." sagot niya.

Nak ng. May pakinabang din pala ako sa kaibigan ko. Akala ko ilang page lang ipapaprint, pero taena lang pati ata project ng kapatid niya pinaprint niya na din hahaha pero ayos lang basta ba siya bahala sa mga quiz ko XD.

Random shits ni master cark.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon