Random#3 Sa ngalan ng jeep.

50 5 27
                                    

Ako kasama angg aking apat na kaibigan, ay pauwi na sana gaya ng nakagawian namin sa aming pang-araw araw na pamumuhay. Ngunit  sa hindi naasahang mga pangyayari, ang normal sana na uwian ay nauwi sa KALOKOHAN.

Gabi na ng mapagdesisyunan naming dumaan muna sa cubao (natagalan kasi sa dota haha) Gutom na rin kasi kami kaya sabi ng baboy sa grupo (Chris) Kain muna kami sa ihawan tapos dun na kami sumakay sa may Arayat.

Pagdating namin syempre kumain na kami kagad sa ihawan. Masarap naman kaya nga medyo madalas din kami dun. Ang lagi ko lang naman na order kay manong ay tenga, atay, isaw at dugo. Samahan na natin ng bologna baka kasi isipin niyong aswang ako hahaha.

Pero hindi talaga ang pag-kain ko ang focus ng kabalbalan na to.

Pag-katapos naming kumain pumunta na kami dun sa may sakayan. Nagulat lang kami na yung dating ilang tao ngayon ang dami na. May nag-tanong dun sa manong enforcer ata kung bakit daw limitado ata yung mga jeep ngayon. Ang sagot niya may mga estudyante daw na nag-rarally sa may commonwealth (Medyo napansin naming lima na pag-karinig ng iba sa mga estudyanteng nag-rarally tingin kagad samim. Kapag rally narinig taga PUP kagad? Tss.)

Di naman ako naniwala sa kwento ni manong. May mag-rarally sa sandigan pwede pa. Pero sa commonwealth? tapos mga estudyante pa? uror. Para maibsan naman ang pag-kainip namin sa pag-hihintay ng masasakyan eh nag sight seeing muna kami hahaha.

"Pare ang ganda nun oh." nguso ni robert dun sa babaeng taga TIP. Maganda naman talaga tatlo pa sila. Nag-simula na silang magpartner kung kanino sila dun sa mga babae. At dahil medyo malayo sila kay RIAS GREMORY nag paubaya na ko hahaha.

"Kung ganyan kagaganda ayos lang maghintay ako." bulong samin ni John.

Natuloy pa kami sa kwentuhan namin ng kabalbalan hanggang sa lumipas yung oras. Nanigas na yung mga paa namin, tapos puro mura na naririnig ko. Pero kaming dalawa ni Dan tawa lang ng tawa kasi hitsura ng mga kasama namin mga mukhang zombie na naaagnas na hahaha badtrip pa sila kasi kung kailan may mga jeep na ang ruta ay fairview dahlia na ayaw naman magpasakay.

"Puta. Amin na nga yan jeep mo rentahan na lang namin." sabi pa ni john kaya natawa ako lalo. (wala akong sinabi kung hindi puro tawa hahaha)

Ilang jeep pa ang dumaan kung hindi ibang ruta ayaw naman mag-pasakay. Naisip naman ni dan na dun na lang kami sa may kalayaan sumakay. Dun na ko napamura. Taena ang layo nun tapos di rin sigurado kung makakasakay kaya sabi ko wag. Sinabihan lang nila ako ng tamad.

Pagkatapos ng lagpas isang oras may dumating din na jeep. Syempre pinalabas muna yung mga pasahero sa loob. Pero kaming lima nakakapit na likod hahaha. Lahat ng tao nung araw na yun para bang ang tagal ng hinintay na may dumating na rescuers na maililigtas kami sa isang isla hahaha

Lumabas pagka competetive namin. Pumormang atleta pa kami nung mga panahon na yun. Pag-kaubos ng mga pasahero sa loob dun na nag-umpisa yung tulakan. Tangina lang talaga. Natawa pa ko kasi kahit yung magandang babae yung kalaban at kasabayan ni John papasok tinulak niya lang hahaha. Nakaakyat na kamin apat pero si Dan na medyo maliit nahirapan sa pag-akyat bukod kasi sa mataas ang ang akyatan medyo pataas pa yung pinarahan ng jeep. At dahil tulakan pa napaluhod pa siya, syempre to the rescue isa naming kasama na inabot pa kamay niya hahaha

Pag-kaupo namin ng matiwasay tinanong ko si John pati na rin iba kung bakit di nalang nila i-offer upuan nila dun sa mga magaganda na sinasabi nila kanina.

"Ayoko nga. Pinaghirapan ko tong upuan na to." -John.

"Gentleman ba? Eto Gentleman." -Dan sabay sayaw ng gentleman habang nakaupo.

"Di naman maganda. Madilim lang talaga kanina." -Chris.

HAHAHA

Random shits ni master cark.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon