Chapter 5

6 4 0
                                    

Patrick pov
Habang nagmumuni muni pako dito nakakita ako ng babaeng hinahabol ng dalawang lalaki

Nilapitan ko sila kaya nahinto ang dalawang lalaki pati ang babae

Nakita ko siyang umiiyak at niyakap ako nabigla ako kaya balak ko sana siyang itulak ng bumulong siya sakin na

Tulungan mo po ako please huhu hinahabol nila ako" pagmamakaawa niya

Kaya makaisip ako agad ng paraan niyakap ko siya pabalik

"Babe ko bat ngayon kalang? Ang tagal tagal mong umuwi hayts!"akting akting ko abay bundok kasi dini kaya madilim at madaming mga taong naparini at nagaabang sila ng dalaga

Ayun kasi lagi ang binabalita dini kaya madaming nag iingat na babae dini

(Dini is dito )

"Pa-pasensya na babe ga-galing kasi akong school."nanginginig na sagot niya

Tinignan ko naman yung mga lalaking nagulat ata dahil akala nilay hnd ko sila napansin kaya naman dali dali silang nagtakbuhan

Matangkad kasi ko at maputi hehez sabi ni nanay gwapo daw ang tawag sakin pero patrick naman ang tinatawag niya kaya di ako naniniwalang gwapo ang tawag sakin

"Oh babae wala na sila ."saad ko ng makitang wala na sila

Nakita ko namang umiiyak yung babae..nko baka paluin ako ni nanay kasi nagapaiyak ako ng babae

"Nako wag kang umiiyak! Wala naman nang mananakit sAyo."nakangiti kong saad

Nagulat naman ako ng niyakap niya akong muli

"Maraming salamat utang na loob ko sayo ang buhay ko."sagot niya at humiwalay na sakin

Teka? Utang na loob? Wwhhaatt theee crocodile

Ibig ba niyang sabihin pinautang ko siya ng buhay galing saakin? Nakoo pano kaya niya mababayaran yun?

At paano kaya ako nagkaroon ng lakas nang loob na ipautang ang buhay?

Magbabayad siya ng balik loob ko sayo ang buhay ko. Teka? Bat parang ang gulo?

O di kaya nmn pinapautang biya yung buhay niya saakin? Teka ano daw?

Shang gala naman na yan ohh ano bang sinasabi ng babae ito?

"Ahh hehez una nko babae."sabi kona lng dahil ayokong tanggapin ang pinapautang niyang buhay niya

"Te-teka! Anong pangalan mo?"tanong niya

Halaaa tinatanong niya ang pangalan ko! Baka kidnapin niya ko tas manghine siya ng napagkalaki laking pera

Patayy wala pa naman kaming pera ngayon tinapon ko kasi ih

"Nais ko lamang na malaman. Marahil napakalaki ng utang na loob ko sayo gino."sagot niya muli ng mapansing naguguluhan ako

Halaa! Pano ba siya nagkautang saakin? Ehh ala nga kong pera at hnd nmn ako nagpapautang ng loob nohh! Mas lalo na ang buhay!

"Pa-Patrick."nauutal kong sagot

"Patrick puwede paba akong huminge ng pabor?"tanong niya

Ngunit tango na lamang ang naisagot ko..hnd ko kasi alam kung papayad ako o hindi pero tumango ako hehez

"Pwede bang hatid moko samin?"tanong niya uli.. tumango lng ako uli dahil hnd ko alam ang isasagot ko

Halaaa baka ipasalvage nko nito kasi hnd ko siya pinapayagan na mangutang ng loob pero sabi niya nmn utang daw niya yung loob niya saakin

"Maraming salamt!"nakangiti niyang saad at nagsimula ng maglakad sinundan ko lng nmn siya

"Saang lugar ka pala nakatira?"tanong niya

Hala ito na nga ang sinasabi ko balak akong kid nappin nito

Teka ngayon ko lng pala na realize na KID napping yun ihh hnd nmn nako bata so dapat pala ADULT napping

Ohh ahh ang galing ko tlaga!

"Uy tinatanong kita!"napabalik ako sa ulirat ko ng magsalita siya ulit

"Sa mogpog hehez."sagot ko

"Aahh malapit ka lng pala dini."sagot niya ng tunatango

"Ako nga pala si andrea!"nakangiting balig niya saakin

Tumango lng ako...di ko nmn kasi tinatanong kung anong pangalan niya ih

"Bat nga pala nasa labas ka? Ang layo layo ng nilakad mo."

"Malalim kasi ang nasa isip ko."sagot ko

"Ahh kaya nmn pala..maraming salamat nga pala uli ah."

"Wala yun hehez."sagot ko at tumingala

Nagulanta naman ako ng may ipis na lumitaw at lumilipad

Kaya di naig ko pa ang babae kung makatili at makareact

"WWWAAAHHH!! Nanay koo may ipissss."sigaw ko natawa naman ang kasama ko

"Salagubang yun."saad niya ng natatawa

Huh? Anong nakakatawa dun? Eh ipis at sa lagubang ay iisa lang.

Alam niyo ba kung bakit?

Syempre parihas silang lumilipad tas parehas pasilang mahilig sa tao,Dapo kasi sila ng dapo satin

"Aahhh hehez uuwi nako. Baka kasi hinahanap nako ng nanay ko."sagot ko sa kanya bigla naman siyang tumigil sa pag tawa

"Joke lang! Ikaw naman."saad niya

Teka kala niya ba nag jojoke siya kaya nattawa siya? Ang korni naman ng joke niya di ako natawa

"Kailangan kona kasing umuwi kasi ang nanay ko ay hnd alam kung saan ako pumunta."sagot ko

Nag aalala kasi ako kay nanay baka kasi mapahamak siya alam niyo naman babae ang nanay ko kasi hnd siya lalaki

"Hmmm sige! Maraming maraming salamat uli ah!"habang naglalakad siya papasok dun sa gate nakadungaw lang ako sa kanya

Ngayon ko lang napansin may itchura pala siya syempre may mukha

******
Unedited..vote and comment

The revenge of PATRICK SANTIAGOWhere stories live. Discover now