Now I realized you were the only one
It's never too late to show itBat ba ang tagal ni Ian? Halos natapos ko na paringgan lahat ng music ko dito sa cellphone ko pero wala parin siya. May klase pa naman ako ng 6:00 PM at 5:45 na pero wala parin siya.
Aalis na sana ako sa kinauupuan ko nang may tumawag sakin sa cellphone.
"Hello babe? Asan ka na?"
"Kanina ka pa ba diyan?"
Uminit yung dugo ko sa sagot niya. Parang nakalimutan niya yatang nagtext siya na hintayin ko raw siya sa likod ng gym ng 4:00 PM. Eh, malapit na mag alas sais eh. "Ano ba sa tingin mo hah?"
"Sorry babe. Ahmmm, may klase ka pa ba?"
"Oo. 6:00 PM. Ano ba kasi yang sasabihin mo? Hindi na ba talaga yan makakapaghintay?"
Narinig ko siya bumuntong-hininga bago sumagot sa kabilang linya "Sige babe. Bukas ko nalang sasabihin sayo. I love you so much. Lagi mo yang tandaan hah?"
"Okay. I love you too"
Tapos naghang-up na ako. Kinabahan ako sa pinagsasabi niya at kung paano siya nakipag-usap sakin. Iba eh, iba yung pagkasabi niya sakin ng I love you ngayon, parang may dinadala siyang mabigat na bagay. Gusto ko nalang atang umabsent sa subject ko ngayon para makapag-usap na kami. Pero ewan ko, hindi ko maintindihan pero sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon.
Wala namang problema saming relasyon. Masaya naman kami, kahit na minsan may away at di-pagkakaintindihan, pero napag-uusapan naman namin at nareresolba. Last week nga lang kami nagcelebrate ng aming 2nd year anniversary. Sigurado akong hindi tungkol sa relasyon namin ang problema......sana.
Nakasanayan ko nang dumadaan sa CR bago pumapasok sa susunod kong klase. Pagpasok ko, walang nananalamin pero alam kong may tao kasi may dalawang cubicle na okupado. Pumasok ako sa isa sa mga bakanteng cubicle doon. Pagpasok ko ay siya namang paglabas nung dalawa.
"Sure ka ba talaga girl sa sinabi mo?"
"Oo. Ano'ng gagawin ko? Hindi ko kayang sabihin sa mga magulang ko na may bata na sa sinampupunan ko"
"Bakit mo ba kasi ginawa yan?"
"Aksidente to Irine. Nalasing kami at dun yun nangyari.
Nag-acitivate yung pagiging chismosa ko kaya nakinig muna ako sa loob ng cubicle habang nag-uusap yung dalawa.
"Sino ba kasi ang ama nyang dinadala mo?"
"Huwag mong sabihin hah? Kahit kanino?"
"Yes. Promise."
"Si Ian" tapos nagsimula nang humagulhol yung babae. "Si Ian Mariano"
Si Ian Mariano? Yung boyfriend ko?
081514