Kabanata 4

62 3 0
                                    

“Hey! May problema ba Meg? Kanina ka pa kasi wala sa focus.” Tanong sakin ni Vonn, yung lead guitarist saming banda. Kanina pa kasi kami paulit-ulit dito ng practice at isang kanta pa lang yung napapractice namin dahil hindi ko nakakanta ng tama yung kanta.

“Yes, I’m okay. Sorry sa abala Vonn, nang dahil sakin matatagalan yung practice natin.” Sabi ko sa kanya tsaka yumuko. Alam ko kasing may hinahabol pa siyang oras kasi siya yung taong studios masyado pero binabalanse niya ang kanyang oras sa kanyang musika at pag-aaral.

Lumapit naman si Frank at nagsalita “Woah! Ikaw ba talaga yan Meg? Marunong ka palang yumuko at mag-sorry?” tapos humalakhak siya na parang nakakatawa talaga ang makitang nakayuko ako. Pina-ikot ko nalang yung mata ko tsaka umalis at kinuha ang bag ko. Wala talaga ako sa mood makipagbiruan sa mga taong ‘to ngayon. “Vonn, pwede bang bukas nalang tayo magpractice? Masakit kasi yung tiyan ko.” Sinungaling ko. Hindi ko na talaga kaya ang magpanggap pa na kaya ko pang magpractice.

“Ano ba kasi ang kinain mo kanina? Hindi ka siguro natunawan.”

“Siguro nga. Sige hah, bye. Una na ako. Sorry talaga” tapos lumabas na ako sa music room ni Frank kung saan kami laging nagpapractice. This ain’t good. Naapektuhan na lahat ng ginagawa ko dahil sa nangyayari sa amin ni Ian.

Dumiretso ako sa kotse kong nakaparada sa grahe nilang Frank. Huminga muna ako ng malalim bago kumilos sa kinauupuan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. I need someone to talk to, yung taong sa tingin ko ay makakaintindi sakin.

“Cai, meet me at the sweet leaf.”

“Hello Meg? May problema ba?” sagot niya sa kabilang linya. Siguro natunogan niya sa boses ko yung problema. That’s what I like about her, she’s smart, but sometimes that’s her dangerous side. Yung hindi ka makakapagsinungaling sa kanya kasi marunong siyang mangilatis.

“We’ll talk about it sa sweet leaf, Bye Cai.” at pinatay ko na yung linya. I can’t talk to her sa phone or even slip a detail, baka maging hysterical yun at hindi na ako mapuntahan. Baka mas ma-una pa yung magdrama kesa sakin.

I remember one time, nung nag hang-loose kami kasama yung ibang girl friends namin. Sa kabilang table ay may babaeng mag-isang umiiyak, hindi namin kilala yung babae pero nilapitan niya at naki-iyak siya. Tinanong niya kung anong nangyari sa babae at dahil lasing na rin ay sinagot siya ng babae habang umiiyak parin nang “Yung gago kom boyprem nagipagbreaksh shaken kashe maysh mahal na siyang ishba!” Tapos ang nangyari ay mas grabi pa yung hagulhol niya kesa sa babae. Nakarelate nga raw siya sa babae. She has her past na ang hirap i-ungkat kasi ang dali niyang maging emosyonal pag pinaguusapan ito.

Pero this time, I really need her. Kailangan ko ng tao na dumaan na rin sa kalsadang dinadaan ko ngayon. Okey na sigurong wala siyang mapayo sakin, kailangan ko lang siya para makinig. I need to voice this out at siya ang taong alam kong makakaintindi sa sitwasyon ko, makakintindi sakin.

Sabi nga nila, tsaka mo lang maiintindihan ang ginagawa ng isang tao pag ikaw na yung nasa sapatos nila.

When I got to the tea house, pumwesto ako sa pinakadulo kasi wala masyadong tao ang pumunta dito.

I was about to text her when she appeared. When I looked at her face, she looked so worried. I just nod at her and gave a smile. Umupo siya sa harap kong upuan at nag-order na ng tea bago tumingin muli sakin.

“Don’t make me ask you your problem.  Now tell me” utos niya sakin.

I shrugged out of nowhere. Pumikit ako para pigilan ang mga luha ko, iisipin ko palang, sasariwain ko pa lang lahat ng nangyari ay naninikip na ang dibdib ko. Wala akong masabi, walang salitang nangahas na lumabas sa labi ko.

Hes MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon