Kabanata 1

112 2 1
                                    

Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?! Galit na galit ako ngayon na kulang na lang ay magwild ako dito sa loob ng campus.

Hindi na ako pumasok sa klase ko. Wala rin namang silbi kasi okupado na ang utak ko. Baka dun sa prof ko pa mabuhos lahat ng galit ko, hatest prof ko pa naman yun.

Kung hindi niya parin sasagutin tong tawag na to, ewan ko nalang talaga. Gusto kong manapak, manabunot ng buhok at pumatay ng tao.

Gusto ko mang isipin na mali yung narinig ko at hindi talaga si Ian ang ama ng nasa sinampupunan nung babae sa CR pero hindi ko magawa eh. Mas lalong uminit yung dugo ko nang maalala ko yung sinabi ng babae na AKSIDENTE lang yung nangyari. Makakapatay talaga ako ng tao ngayon!

Hindi niya parin sinagot ang huling tawag ko. Ano kayang ginagawa ng lalaking yun at hindi sinasagot ang tawag ko? Baka naman nakikipag-aksidente na naman yun?!

Nagmamadali akong pumunta sa parking lot at pina-andar ang kotse ko. Pinaharurot ko to sa kahabaan ng daan. Mabuti at hindi traffic ngayon, kasi baka nasa hospital na ako sa bilis ng pagpapatakbo ko nitong kotse.

Tatlong minuto lang at nakarating na ako sa destinasyon ko. Condo unit ni Ian. May susi ako ng condo niya kasi minsan dito ako tumatambay pag nandito siya at malayo pa ang klase ko. Malapit lang kasi ito sa unibersidad kung saan kami nag-aaral.

Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi. Nasa loob ba siya o wala? Kanina, ang tapang-tapang ko pero ngayon ay natatakot ako na marinig mismo sa kanya na totoo yung narinig ko kanina sa CR. Paano kung totoo talaga yun? Paano kung mahal niya ang babae at hindi lang aksidente ang nangyari sa kanila? Ano ang gagawin ko? Hahayaan ko ba siyang sumama sa babaeng yun at sa kanilang magiging pamilya? Iiyak nalang ba ako at magmamakaawa na wag siyang sumama sa babaeng yun? Ewan ko.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko habang iniisip yun. Dun ko napagtanto na hindi pa pala ako handang makompirma galing mismo kay Ian yung narinig ko. Ayaw ko. Tanga na nga siguro ako sa mga iniisip ko. Pero ewan...

Tumalikod ako sa pintuan at naglakad na paalis sa unit niya.  Ipagdadasal ko nalang siguro na sana ay panaginip lang to lahat. Pinahid ko yung dala kong panyo sa mga mata ko na naglalabas parin nga mga luha habang nasa labas ng elevator. Bumukas yung elevator at pumasok ako kaagad. Alam kong may kasama ako sa elevator at tumingin ito sa akin. Sino ba naman ang hindi, eh umiiyak ako dito na parang baliw.

Nakarating na ako sa groundfloor at dediretso na sana sa parking lot ng nahagip ng mga mata ko ang lalaking ayaw pa munang makita. Nagmadali akong maglakad papuntang parking lot at tinatago ko ang mukha ko gamit ang mataas kong buhok pero parang malas dahil narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko.

Nagbingi-bingihan ako at nagkunwaring walang narinig. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko patungo sa destinasyon ko pero may humila ng mga braso ko.

"Megan?" saad niya nang nahawakan niya na ang braso ko.

"Oh Babe! Pinuntahan kita sa unit mo pero wala ka dun eh kaya lumabas nalang ako. Saan ka ba galing?" Umarte ako na parang wala akong alam. Na parang wala akong dinadala.

"Bakit namamaga yang mga mata mo? May problema ba babe?" tanong niya tapos kinulong ako sa kanyang mga bisig.

Gusto ko mang pigilan ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa, lalo na nung niyakap niya ako. Humagulhul ako ng iyak sa dibdib niya. Wag mong gawin sakin 'to Ian.

"Hey babe. Ano bang problema?" Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at kinulong ang mukha ko gamit ang mga palad niya. Tinignan niya ako sa mga mata na lalong nagpa-iyak sakin. "Hey. Shhhhh. Tahan na... Nasasaktan ako pag umiiyak ka babe." Tapos pinahiran niya ang mga luha ko gamit ang mga malalapad niyang palad at hinalikan ako sa noo. Hinila niya ako papunta sa elevator. Wala na akong lakas pa na humindi kaya nagpatianod nalang ako sa kanya.

Tahimik lang kami sa elevator habang magkahawak ang kamay namin. May ibang tao rin dahil alas sais na at umuuwi na ang mga estudyante na tumutuloy din sa condo building na 'to.

Pagkapasok namin sa unit niya ay deretso niya akong pina-upo sa sofa niya at umalis rin para kumuha ng tubig sa kusina. Habang nasa kusina siya ay nag-iisip na ako ng pwede kong mapalusot sa pag-iyak ko. Alam kong hindi niya ako titigalan hanggang sa sabihin ko kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko.

Alam na niya na iyakin ako, simula palang. Matagal na kaming magkakilala bago kami nagkaroon ng boyfriend-girlfriend na relasyon kaya alam na alam na niya na ganito ako ka-iyakin. Sana lang makumbinsi ko siya sa rason ko ngayon.

"Uminom ka muna nito. Ano ba kasing nangyari babe? Bakit ka umiiyak ng ganyan?" Tapos bumunot siya nga isang mahabang buntong-hininga.

"Nag-away kasi kami ng bestfriend ko." sagot ko naman at humagulhul ulit. Sana lang talaga tumalab tong pag-aarte ko.

"Sigurado ka bang yan lang?" tanong niya naman habang kinukuha ang basong walang laman sa kamay ko.

"Oo naman. May ibang rason pa ba ako para umiyak?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya. "Pero okay na ako ngayon babe. Nandito ka na, nabawasbawasan na yung dinadala ko." Hinalikan ko yung kamay niyang hinahawakan ko "I love you Ian Mariano. So much." Tanga na siguro pero gusto ko siyang makonsensya at hindi ako iwan. Gusto kong hindi niya aminin na sa kanya yung bata at sakin parin sumama.

Inalis niya yung tingin niya sakin na parang hindi niya ako kayang tingnan habang sinasabi ko yun.

"May problema ba babe?" Sabi ko habang nilalambing siya sa pamamagitan ng paghaplos ng braso niya.

"Wala naman. May iniisip lang ako." Tapos hinalikan niya na naman ako sa noo.

Ito na naman, gusto na namang tumulo ng mga luha ko. Ewan ko, sa tuwing may ginagawa siyang sweet o kaya'y sinasabi ay mas lalo akong nasasaktan. Iniisip ko na baka ito na ang huling pagkakataon na gawin niya sakin to. Ito na ang huling halik, ang huling mahal kita, ang huling yakap.

Napapraning na ako sa kakaisip. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko. Hindi ko pa nga nakokompirma galing sa kanya mismo, pero ang layo na nang iniisip ko. Basta isa lang ang alam ko....

Gagawin ko ang lahat para magpatuloy ang relasyon namin at magpapaiwan siya dito sa tabi ko. Because, Ian Mariano is mine. Mine alone.

081614

Hes MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon