Kabanata 5

67 3 2
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nung nagpalabas ako ng aking sama ng loob. Ibinuhos ko yun lahat sa condo ni Cai. Nagkaroon kami ng inuman session sa bahay nila, naka-ubos kami ng ilang can ng beer. Para kaming tanga na habang umiinom ay umiiyak. Pero may napansin ako kay Cai hindi na siya masyadong bitter, may mga magaganda na siyang napapayo sakin di tulad nung ilang araw pagkatapos nung heartbreak niya na puros ka-bitteran lang ang lumalabas sa bibig niya.

“Everyone have to learn how to move on. You can’t just stick yourself with someone who doesn’t know your worth.  No, crash that. He knows your worth and it’s not enough to keep you with him.”

Dalawang gabi ko tong inisip, nung una ay naguluhan ako sa gustong iparating ni Cai dito. He knows your worth and it’s not enough to keep you with him. Inuulit-ulit ko hanggang sa nakuha ko.

Alam ni Ian ang halaga ko pero hindi yun sapat para panatilihin niya ako sa buhay niya. Masakit isipin na kulang yung halaga ko sa buhay niya para ipaglaban niya. Pinipilit ko mang aminin yun sa sarili ko pero hindi ko kaya, kaya ang nangyayari ay iniisip ko parin na nagkamali lang naman siya at pwede ko parin siyang tanggapin muli sa buhay ko.

I’m open as the ocean, hindi ko siya pinagbabawalan na pumasok muli sa buhay ko. I want him back to me, badly.

Siguro nadala lang siya ng pagod at irita nung huling pag-uusap naming kaya makikipagkita ako muli sa kanya. Aakitin ko siya para bumalik sakin, kung kailangan kong makipagtalik ay gagawin ko at sisiguraduhin kong mabubuntis niya ako para wala siyang kawala sakin.

Desperada ba? Wala akong pake sa sasabihin ng iba, bakit sila ba ang mahal ko at makikinig ako sa mga pinagsasabi nila? The fvcking hell I care!

He is my first love, ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Aaminin kong may mga pagkukulang ako sa kanya bilang nobya. Palagi kong inu-una ang pag-aaral ko, tsaka lang kami nagkakaroon ng oras sa isat-isa pag linggo at minsan naman ay liliban pa siya ng klase para magkasama lang kami sa vacant time ko.

But is it enough for him to cheat on me? Kung sex lang naman ang pag-uusapan, ipinangako ko naman sa kanya na dadating din kami doon pero tiis lang muna ngayon kasi ayokong madisappoint yung mga magulang namin na hindi pa kami natapos ay may anak na. At mas gusto kong gawin namin yun pagkatapos na naming ikasal.

Sinabi niya pa nga sa akin na okey lang kasi hindi niya naman daw ako niligawan ng kay tagal para lang makipag-sex.

Pero ano’ng nangyari? Bakit kailangan pang mang-hunting while waiting? Ganun na ba talaga ang sex na hindi na siya makapahintay at ipinagpalit niya ang relasyon namin na dalawang taon para sa bagay na yun?

Kung alam ko lang na yun ang magiging dahilan para masira tong iniingatan naming relasyon ay sana bumigay na ako noon pa. May pa “I’ll-wait” pa kasing nalaman, sana tinapat na niya ako eh. Hindi sana humantong sa ganito ang sitwasyon.

Naligo na ako at nagbihis, pinili kong isuot yung pencil skirt na kulay red na pinaresan ko ng white na spaghetti trap. Pinahid ko yung pula kong lipstick sa labi ko, binaga ko yung lipstick para mas sexy tingnan. Binlower ko yung buhok ko pagkatapos ay nimessy-bun ko, may ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko na mas nagpasexy sa hitsura ko ngayon. Pinorma ko yung mata ko gamit ang eye-liner at kinuha sa jewelry box yung white-gold necklace na  bigay pa sakin ni Ian nung first anniversary namin.

I smiled and wink as I saw my reflection in my mirror. Kung hindi lang dahil sa kwintas ay hindi ko na halos makilala ang sarili ko.

This is not me, mahilig akong lumabas pero hindi ako nagsusuot ng mga daring na damit kaya nakatambak lahat ng mga damit na inireregalo saking ng mga kaibigan ko tuwing birthday at pasko. Pero sa tingin ko ay magagamit ko na ang mga yun para maakit si Ian pabalik sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hes MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon