Jade's
Cyhnna: Jade, kailan mo ba pagtatapat sa bestfriend mo yang feelings mo?
Jade: Sshh wag ka ngang maingay baka marinig nya.
Katrina: Te hindi ka maririnig nyan tignan mo ngang busy sila ni Solenn.
Mula kitchen sinulyapan ko naman ang dalawang taong masayang nagkwekwnetuhan dun sa may sala.
Jade: Tsk. Kahit na no. Malapit lang tayo sa kanila. Tska sa tingin nyo ba pag sinabi ko yun parehas kaming nararamdaman? Malamang hindi kasi hanggang bestfriend lang kami.
Tumingin ako sa kanila.
Katrina: Eh bakit hindi mo subukan.
...: Subukan ang alin?
Nagkatingin naman kami ni Chynna ng dumating ang bestfriend ko.
Chynna: Ah eh subukan mag pahinga kasi laging busy tong si Jade eh.
...: Ah oo nga naman bestfriend. Mon-Fri nasa office tapos pagdating ng weekends busy ka rin. Ano ba kasi ginagawa mo twing weekends?
Hmm. Nako hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila yung pinag-gagawa ko. Alibi sumapi ka please...
...: Hoy Jadeee. You're spacing out. Okay lang ba?
Jade: Oo naman okay ako. Ah kasi tinatapos ko lang twing weekends yung mga naiiwan ko sa office.
...: Wow ang sipag talaga. Kaya laki laki ng kompanya nyo eh. Sige na babalikan ko lang si Solenn doon. Sumunod na kayo ha.
Jade: Ah Althea sandali?
Althea: Bakit Jade?
Gusto ko sana sabihin sayo na gustong-gusto kita. Kaso lang...
Katrina: Hoy! Jade wala na si Althea sa harap mo. Tsk okay ka lang ba talaga? Hindi ka pa naman lasing.
Hay. Bakit ba kasi ang hirap umamin ng nararamdaman eh.
Hi. Ako nga pala si Jade Ramos, pilit nililihim ang feelings sa bestfriend kong si Althea de Castro. Isa akong Lipstick Lesbian, Si Mike at Mama ko lang sa pamilya ang nakakaalam na lesbiana ako pero feeling ko may alam na din si Dada. At itong mga kaibigan ko alam din nila.
Buti nga nung nag-out ako sa kanila hindi nila ako tinakwil eh. Lalo si Althea eh kasi straight as ruler yun eh. Pero ramdam ko pa din yung pagka gulat nya. Syempre HS palang kami magkasama na kami hanggang sa nag college at grumaduate kami tapos malalaman nya yung taong matagal na nyang kasama eh lesbiana pala.
Hindi naman kasi lantaran yung pagiging iba ko. Kung titignan mo babaeng babae talaga ako. Mula sa damit, mga palamuti ko sa mukha at sa sapatos lahat pambabae. Kaya tuloy babae rin talaga ang gusto ko.
Chynna: Jade?
Katrina: Hala? Natulala na talaga tong kaibigan naten.
Ang saya-saya ni Althea kay Solenn. Ewan ko nalang din kung malaman nya na katulad ko lang din sya. Hmm
Nagvibe ang cellphone ko.
*msg from Kiko: Jade 50,000 join ka?*
*to Kiko: Sige count me in. Sa dati pa ba?*
*from Kiko: Alright...Yes sa dati pa din. See you*
Ibinulsa ko na ang phone ko. Saka tinungga ang inumin ko.
Jade: Kat Chyns, mauna na ako sainyo.
Katrina: Ang aga pa ah. Tska baka hanapin ka sa amin ni Althea.